EDITED (c) Shupershimmer
***
HIKARI
Mas gusto kong nagco-commute kapag pumapasok ng school. Si Dad, pinagpipilitang ihatid ako ng driver niya para makasiguradong sa school ang diretso ko, pero tumanggi ako at sinabing magbabagong-buhay ako.
Of course, that pretty lie worked.
Habang naglalakad ako sa catwalk papunta sa gate, nakilala ko na agad kung sino ang naglalakad sa harap ko.
"Hoy," tawag ko sa kanya.
Lumingon agad si Rapist at medyo nagulat pa siya. Hindi ko alam kung ano'ng nakakagulat pag nakikita ako. Bakit every time na makikita niya ako, parang biglang-bigla siya?
Binilisan ko ang lakad at sumabay sa kanya. "Nga pala, pasensya na sa nangyari sa mall. Di ko gustong madamay ka," wika ko habang nakatingin sa kalsada. Syempre hindi masyadong sincere. Asa pang magso-sorry ako nang seryoso.
Napatigil ako sa pagsasalita dahil paglingon ko sa kausap ko, kumakanta pala. Nakapasak pa talaga 'yong earphones sa tenga. Ni hindi ko man lang napansing nagsuot pala siya ng earphones habang nagsasalita ako. Akala ko ako lang ang may attitude—siya rin pala.
Napamura ako at inismiran siya. "May sinasabi ka ba?" tanong niya pagkaalis ng earphones.
"I said I'm sorry."
Nawala ang sincerity ng sorry ko bigla.
Huminto siya sa paglalakad at ngumiti. "You know what? Mas ma-a-appreciate ko kung 'thank you' ang sasabihin mo."
I roll my eyes, annoyed. "Ikaw dapat mag-thank you. Kung hindi dahil sa'kin, bugbog sarado ka sana ngayon ni TJ."
Napailing siya at ngumiti.
Clearly, this guy is one of the cutest guys in the class. Palagi siyang nakangiti, at ang gaan-gaan ng vibes pag nasa paligid siya. Siya lang ang kilala ko na kahit nakasimangot, mukha pa ring nakangiti. He has the eyelashes I've been dying for, and his eyes are deeper than the rest of the boys. Though, hindi naman gano'n katangos ang ilong niya. Wala ring ka-effort-effort ang dimples niya na magkabilaan. Napaka-jolly niyang tao kaya di na ako magtataka kung bakit may mga babaeng halos mahulog ang panty pag kausap niya.
At least, he doesn't affect me that much. That's for sure.
"Wag mo nga akong ngitian," naiinis na sabi ko habang naglalakad na ulit kami. "Hindi gumagana sa'kin 'yang pagpapa-cute mo."
Ngumisi pa siya at napayuko. "Sino'ng maysabing nagpapa-cute ako? Matagal na akong cute. In-born 'to."
"Ha, funny."
"Why, do you find me cute?" malisyosong tanong niya. "Okay lang naman i-admit mo 'yon. Sanay na 'ko sinasabihan na cute."
"Talaga?" Tumaas ang kilay ko. "E, di ako ang unang magsasabing hindi."
"Ouch."
Napahawak pa siya sa dibdib niya na kunyari ay dinamdam niya ang sinabi ko. Hindi ko napigilang matawa, at automatic na hinampas ko ang dibdib niya. Tumawa rin siya, at napansin ko ang mga wrinkles sa gilid ng mga mata niya. To be honest, it's cute.
Pagkatapos no'n, nauna akong pumasok ng gate at humabol din naman siya.
"Never in my wildest dreams na naisip kong kaya mong lumaban do'n sa mga 'yon kahapon," sabi ko.
Sumagot naman siya. "Never in my sexiest dreams na naimagine kong ikaw ang babaeng ililigtas ko."
I'm glad he doesn't ask anymore questions about them. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya; hindi ko lang talaga feel na malaman ng ibang tao ang mga nangyayari sa'kin. I mean, there is nothing interesting in my life. Everything in my life's a mess, at ayokong idamay siya sa problema ko.
In fact, I'm thankful na sinundan niya ako kahapon. That's the first time I feel secure and safe, kahit alam kong nasundan kami. That's the first time I had someone at my back to help me. 'Yon ang unang pagkakataon na may nagtanggol sa'kin.
Wala rin akong lakas ng loob na magpasalamat sa kanya. Siguro kasi wala ni isa sa mga kilala ko ang deserve ng pasasalamat kaya hindi ako sanay. So far, siya pa lang ang gusto kong pasalamatan.
KLEINDER
"Klein, ayusin mo nga 'to. Nagloloko laptop mo," reklamo ni Gab at sinunod ko naman.
Gumagawa kasi kami ng project sa school. Kung tutuusin kanina pa ang tapos ng klase namin pero dahil sa powerpoint presentation na kailangang tapusin, napa-extend tuloy ang stay namin sa school. Naka-pwesto kaming apat malapit sa principal's office dahil malakas ang sagap ng wifi—kailangan namin for research.
Sobrang ligalig ni Gab nang matapos kami. Si Rex naman—nakalimutan kong may babae kaming kasama—napapalakpak dahil sa wakas makakauwi na raw siya, akala mo naman ang laki ng naitulong. Si Mike, tinulungan akong iligpit ang wire ng laptop at binigay sa'kin.
"Tara na. Tara na. Uwian na ng last shift oh," yaya ko at uwing-uwi narin naman talaga ako kanina pa.
Pagkaligpit ng gamit, umalis na kami. Naglalakad kami sa corridor nang masalubong namin ang teacher namin sa English. Muntik na nga kaming tumalikod para maiwasan namin si Ma'am pero huli na—tinawag niya ang pangalan ko. Pangalan ko pa talaga!
Inutusan niya lang naman akong dalhin ang lahat ng dala niya sa English Department dahil pupunta siya ng principal's office, at dahil mabait akong bata, sinunod ko naman.
"Okay, ma'am." Binigay niya sa'kin 'yong mga libro at nagpasalamat pa siya.
Tinapik ako sa balikat nila Gab sabay sinabing hihintayin na lang daw nila ako sa waiting shed sa labas. Inakyat ko 'yong building kung saan nandun ang department. Medyo madilim na rin dahil pagabi na at kakaunti na lang ang mga estudyante—halos lahat sila nasa school grounds.
Narating ko rin 'yong floor at ang room ng Department. No'ng una, akala ko nakasara ang pinto pero nakaawang lang pala. Tinulak ko 'yon gamit ang balikat ko at pumasok sa loob. Madilim na sa loob kaya hinanap ko pa ang mesa ng teacher namin. Pagkalapag ko, may kumaluskos.
Napalingon ako sa buong paligid. "Sino yan?" medyo mahina na tanong ko pero walang sumasagot. Wala yatang nakarinig.
Pinakiramdaman ko 'yong kaluskos at naulinigan kong doon 'yon banda sa mga locker ng teacher. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinagmulan ng ingay, habang medyo kinakabahan. Masyado na yata akong nanunuod ng horror movies.
Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa'kin si Hikari.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...