EDITED (c) Shupershimmer
***
HIKARI
Wala talaga akong ganang pumasok pero wala rin akong ganang mag-stay sa bahay. Dumagdag pa 'tong PE namin na for sure papagurin kami sa gym.
Lesson? Physical fitness. Nakakatawa nga kasi nag-warm-up pa kami. May mga korni na steps na hindi ko talaga ginawa nang buong puso. Kaso, di naman pwedeng di ako gumalaw dahil kita ako. Bwiset pa 'tong katabi ko na nananadya dahil tinatama niya 'yong kamay niya sa tuwing mag-i-stretch.
This time, tatama na sana 'yong kamay niya sa mukha ko pero pinigilan ko ng kamay ko.
"Konting-konti na lang ah. Namumuro ka na," naiinis na sabi ko kay Kleinder.
Mas nainis ako nang tumawa siya habang nakatingin sa teacher naming nakatalikod at gumagawa ng steps.
"Ano'ng nakakatawa?" tanong ko.
"Ikaw," baling niya. "Sa wakas, kinausap mo na rin ako."
Oo, kanina ko pa siya hindi kinikibo. Magkatabi kami sa klase pero ilang text messages ang naisend niya sa'kin at sinabing mag-usap daw kami. Hindi naman porket tinulungan ko siya noong isang araw, ibig sabihin okay na kami. Masama parin naman kasi ang loob ko dahil sa nangyari.
Absent siya kahapon dahil siguro nagpahinga siya. O kaya hindi pinapasok ng Mommy niya. At ngayong nakikita ko siya, ayaw ko naman siyang makausap.
"Okay. Class dismissed!" sabi ng teacher namin at kanya-kanya kaming kilos. "Wait, Kleinder, absent ka kahapon diba?"
"Yes sir."
"Community service," utos ni Sir. "Lahat ng classmates mo, nag service na kahapon at dahil nandito ka naman na... it's better to do it today."
Di na ako nakinig sa usapan nila dahil tatakas ako. Tumakas kasi ako kahapon sa service kaya bago niya pa ako maalala, mas mabuting-
"Hoy, Oda!"
Napalingon ako nang alanganin. "Sir?"
"Sir ka dyan?" Humalukipkip pa siya. "Baka kala mo, di ko alam na tumakas ka kahapon sa service? Magsabay na kayo ni Ramirez; linisin niyo ang gym."
Umalis na siya, at ang natira, ako at si Kleinder. Huminga ako nang malalim at halos mabalibag ko ang gamit ko sa bleachers.
Di niya naman ako kinausap at kami lang talaga 'yong tao. Nag-uwian na kasi 'yong iba dahil hapon na. Nagpupulot lang ako ng bola na nakakalat sa sahig tapos si Kleinder, nagma-mop. Nagkataon na pagpulot ko ng ball sa sahig, tumama sa akin 'yong mop. Tinignan ko siya nang masama.
"Sorry," he says while smirking.
Tumayo ako bitbit 'yong bola. "Magsalita ka nga, nananadya ka ba?"
Nang hindi siya kumibo, tinalikuran ko siya.
"Pasensya na talaga," bulong niya, kaya tumigil ako sa paglalakad. "Alam ko namang hindi ikaw 'yon. Pero... hindi ko alam... akala ko totoo ang mga sinabi ni Franchezka." Huminto siya sandali. "Siguro kung di pa ako sinuntok ng lalaking 'yon... baka di pa ako natauhan. Salamat sa kanya."
Napalunok lang ako sa biglaang seryosong ambiance.
"Sinabi ko na sa'yo, diba? Hindi ako. Pero ano'ng ginawa mo? Tinalikuran mo 'ko. I can't believe na sinigawan mo 'ko sa harap niya."
Humigpit ang kapit niya sa mop. "Alam ko. I'm so sorry na hinayaan ko 'tong mangyari."
"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ako kinikibo nitong mga nakaraan. Kung talagang naniniwala kang wala akong kasalanan, sana kinausap mo 'ko. Sana hindi nagbago ang trato mo sa'kin!"
"Dahil natakot ako, Hikari!" Binitawan niya ang mop at humakbang palapit sa'kin. "Ayokong malaman na mali ang iniisip ko."
"Baliw."
Tinignan ko siya, at natawa na lang ako nang tumawa rin siya. Muntik ko nang ibato ang bola sa mukha niya dahil sa mga sinabi niya. Kung di lang dahil sa band-aid niya sa pisngi, baka kanina ko pa ginawa.
"Hindi ko alam bakit ginawa 'yon sa'yo ni Franchezka," sabi niya habang naglalakad kami papunta sa gate ng school. "Bakit niya kailangang magsinungaling sa'tin?"
"Gusto ka niya," sabi ko. "Inamin niya sa'kin 'yon nang nagkausap kami."
"Ha?"
"Hindi ako sigurado pero malamang nagawa niya 'yon dahil gusto ka niyang mapalayo sa'kin."Napabuntong-hininga lang ako. "She wants to take a chance on you, and then, I am a threat."
Hindi makapagsalita si Kleinder nag marinig ang ako kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"No'ng araw na pumunta ako ng hospital, noon ko lang nalaman na si Andrew ang may gawa no'n sa kanya. She flirted with a guy named Bryan, pero hindi ko alam kung paano ka nakilala ni Andrew. Baka sa inbox," I sound bitter at my last sentence.
Hindi ako nakokonsensya habang sinasabi ko 'to. Ano bang dapat problemahin sa totoo? May karapatan si Kleinder na malaman ang lahat. Isa pa, karapatan ko ring maipagtanggol ang sarili ko.
"Pero imbes na sabihin ni Franchezka sa'yo ang totoo, umiyak siya na parang bata. At sinigawan mo kong lumabas." I shudder at the thought. "Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan do'n."
Tumigil si Kleinder sa paglalakad. Paglingon ko sa kanya, nakatitig na siya sa mga mata ko at bigla niya lang akong niyakap.
"Wait, baka matumba tayo."
May impact kasi ang pagkakayapos niya kaya muntik na akong mapaatras sa pagkakatayo ko. Isa pa, nanlalambot ang tuhod ko lalo na't magkadikit lang kaming dalawa.
"Stupid, I'm already falling," bulong niya. "Wag kang mag-alala, sisiguraduhin ko na mahihila kita para pareho tayong mahuhulog...sa isa't isa."
I playfully hits his stomach and he laughs. Bumitaw siya sa'kin pero nakahinto parin kami sa paglalakad.
"Sa totoo lang, nakausap ko nang personal si Franchezka kagabi." Pinakinggan ko siya. "Kinompronta ko sya, at sa huli, inamin niya ang totoo. Umiyak siya sa harap ko para mag-sorry. Humihingi rin siya ng sorry sa'yo."
I wince at the idea but I'm glad Kleinder doesn't push it.
Umiling siya. "Hindi na siya ang Franchezka na kilala ko. Sobrang nagbago na siya."
"Kung siya parin ba ang Franchezka na kilala mo noon, may pag-asa bang bumalik ang feelings mo sa kanya?"
Hindi niya inasahan ang tanong ko kaya napa-ha pa siya. Hinintay ko ang sagot niya at hinanda ko rin ang sarili ko na madisappoint. I may not like what he has to say.
"There's no way." He sighs as he says it. "Not when you keep running in my head."
Sa gulat ko, namula ako nang bahagya at tinignan sa mga mata. He doesn't say any word, but I can see it in his eyes. I can feel it by the way his stare lingers at me, giving me this kind of feeling.
I can't believe he just confessed to me.
Napayuko siya at pinasok na lang ang dalawang kamay sa magkablinag bulsa ng pants niya. Pareho kaming hindi kumikibo hanggang sa nagsalita siya.
"Sorry, kailangan ko lang talaga sabihin," aniya. "Hindi ko na kasi ma-deny sa sarili kong hindi na classmate ang turing ko sa'yo, Hikari. Umabot ka na kasi rito."
I nearly melt when he points his finger at his chest, then brightly smiles.
"O-Okay lang sa'kin kung babastedin mo 'ko gaya ni Nylan." Nagdalawang-isip pa sya. "Well, honestly hindi 'yon okay, pero at least sabihin mo sakin na-"
"What do I do?" I raise my brow, as he turns at me. "I love to be in that precious space."
And my hand lands on his heart.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Novela JuvenilShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...