EDITED
***
Pumara and kaklase ko ng isang jeep na dumaan at doon sumakay. Kagagaling lang namin sa isang group practice sa bahay ng isang pang kaklase kaya medyo ginabi na. Naglakad na ako mag-isa tutal malapit na lang ang bahay ko sa kalye na 'to.
Tumingin ako sa relo, 10:15 PM na pala. For sure lagot na naman ako kay Mama; worried 'yon lagi pag ginagabi ako. High school na ko pero grade one parin ang turing sa'kin.
Kalmado lang akong nakikinig ng tugtog gamit ang headset na nakakabit sa ulo ko habang nakapamulsa at naglalakad sa isang catwalk. Dapat sana didiretso na ako sa paglalakad pero may ingay na kumuha ng atensyon ko.
May dalawang lalake sa di kalayuan na hila-hila sa dalawang braso ang isang babae. Napatigil ako sa paglalakad, tinanggal ang headset sa tenga, at agad nagtago sa likod ng isang malaking van.
"Sabing bitiwan ninyo ako, e! Ano ba, ang kulit ninyo!" sigaw ng babae sa mga nanghihila sa kanya.
"Wag ka ng makulit sabi. Gusto ka lang naman makita ni boss," sabi ng isang lalaki na may tusok-tusok ang buhok. Mukhang naligo sa hair wax.
"Wala akong pakialam sa kanya," matapang na sagot ng babae. "Tantanan ninyo 'ko kung ayaw niyong masapak ko kayo isa-isa!"
Napataas ang dalawang kilay ko dahil sa kakaibang tapang niya. Hindi naman sa first time kong makakita ng matapang na babae. Pero, kung ganyan ang itsura ng mga lalakeng manghihila sa'yo, well, kakaiba siya.
Hindi ko na sana papansinin nang kinaladkad na siya sa braso ng mga lalake. "Sumama ka na sabi, e!"
"Ayoko nga!"
Nakita kong pinagtulungan na nila ang babae na buhatin kaya kinabahan na ako. At dahil pakiramdam ko ay tinatawag ako ng konsensya ko, nilakasan ko ang loob ko para lumapit at magpakita sa kanila.
Inaamin ko na nagdadalawang-isip akong tumulong dahil wala akong depensa. Who knows, baka may mga baril o pansaksak sila. Pero dahil nakita na nila ako, pinagpatuloy ko na. Wala ng urungan.
Hinawakan ko 'yong braso ng isang lalaki tsaka inalis sa kamay ng babae.
"Ayaw niya nga raw, 'diba?" sabi ko sa kanila na halos ka-edad ko.
"Epal 'to, ah. Sino ka naman?" tanong sa'kin ni spikey boy.
"Hindi na importante," sagot ko. "Pakawalan niyo siya, nasasaktan siya."
Nagtinginan silang dalawang lalake at pinagtawanan pa ako. 'Yong babae naman, sinubukang magpumiglas.
"Hoy, kung ayaw mo masaktan, 'wag ka nang papampam dito. Buti pa, umuwi ka na at baka hinahanap ka ng nanay mo." Nagtawanan ulit sila pero di ako nagpaapekto
"Kilala kami ng babaeng 'to kaya wag kang mag-alala. Hinahanap lang siya ng boyfriend niya."
Sa sobrang bilis ng pangyayari, nabigla na lang ako nang marahas na inangat ng babae ang paa niya at sinipa ang nagsalitang lalake. Napalakas yata kaya napabitaw ang lalake sa kanya habang nahihilo. Kailangan pa ba niya ang tulong ko?
Pinanlisikan niya ng mata ang isa pang lalake na gulat sa nangyari. "Ano, gusto mo ring makatikim?"
Parang mga dagang nakakita ng malaking pusa ang mga kupal kaya nagsitakbuhan. Hindi ko matago ang pagkamangha habang pinapanuod sila. Nung makalayo na 'yong mga lalake, ako naman ang tinignan ng babae. Medyo tinindigan ako ng balahibo dahil sa panlilisik ng mga mata niya.
Tumalikod siya at naglakad. Pinagmamasdan ko lang siya habang papalayo pero naalala ko, gabi na ngayon. Delikado sa isang babae ang naglalakad mag-isa nang ganitong oras. Pero mas delikado yata kung may makasalubong kang ganyang babae sa kalye.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Novela JuvenilShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...