EDITED (c) Shupershimmer
***
HIKARI
Kailangan ko nang mahanap ang book report na kailangan ko.
Hinintay ko pa talagang magsi-uwian ang mga estudyante bago ako pumasok sa English Department. Dumiretso ako sa mga locker para humanap ng similar book report na in-assign sa'kin ng English teacher na 'yon. Kung sino man siya.
Pinahirapan ako ng dilim para mahanap agad ang kailangan ko. Kagat-kagat ko pa ang cellphone na may flashlight.
Narinig kong bumukas ang pinto ng department. Pero di na ako nagpatumpik pa na hanapin 'yong kung ano man ang hinahanap ko as soon as possible. Wala pang tatlong minuto, may nagbukas na naman ng pinto. Natigilan ako lalo na nang may nagsalita.
May kausap ang lalaking teacher na pumasok kaya tumigil ako sa pagkalkal-pinakiramdaman ko kung papasok ba siya sa locker room. Pinagpawisan ako nang malagkit nang lumakas ang mga yabag ng paa niya. Ramdam ko nang pupunta siya rito kaya hindi ko na alam ang kung ano'ng gagawin ko.
Napaatras na lang ako hawak sa dibdib ang cellphone ko habang nanlalamig. Bigla na lang may isang kamay na tumakip sa bibig ko at hinablot ako papunta sa gilid ng isa pang steel cabinet. Halos mapasubsob kami para lang makapagtago nang mabuti.
Magsasalita sana ako nang makita ko ang wristwatch na nakasuot sa kamay ng nasa likod ko.
Ano'ng ginagawa ni Kleinder dito?!
Lumapit siyang lalo sa tenga ko at sinubukan ko namang umiwas. Pero walang kwenta ang paggalaw ng ulo ko dahil hinawakan niya ang batok ko sabay bulong.
"Ssh. Baka makita tayo."
I swear his whisper against my ear makes me shudder that I even move my head back after he does it.
Tumango na lang ako kaya binitawan niya na ang bibig ko. Nilingon ko siya saglit pero naagaw ang atensyon namin nang marinig ang teacher na nagbukas ng isa sa mga locker. Pagtapos ay lumabas siya kasama ang kausap niya at nakarinig kami ng kalabog ng pinto.
Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi kami nahuli.
"Ano bang ginagawa mo dito?" sabay naming tano'ng sa isa't isa.
Tumayo ako at hinarap siya kahit madilim. "Ikaw, ba't andito ka? Kanina pa uwian natin ah?"
"Kaw nga 'tong dapat tanungin niyan, e. Gabi na, ah? Bakit nandito ka sa faculty? Tsaka anong kinakalkal mo? Nagnanakaw ka ba?" Natawa ako sa tanong niya. Kahit kelan patawa tong Kleinder na to. Kaasar.
I point to myself. "Ako, magnanakaw? Naghahanap lang ako ng book report. May angal ka?"
Umalis ako sa harap niya at naghalughog muli sa locker ng teacher namin. Ilang saglit pa narinig kong nagtanong siya.
"Ano?! Nababaliw ka na ba? Pwede kang ma-kick-out dahil sa plagiarism."
Tinapat ko ang flashlight ng ilaw sa mukha niya saka siya tinaasan ng kilay. Pinangharang niya ang isang kamay niya para hindi masilaw. Minsan nakakainis ang pagiging nosy niya-mas okay 'yong nang-aasar na lang siya kaysa ganito, e.
"Sino may sabing magpa-plagiarize ako? Syempre papalitan ko ng pangalan bago ipasa, duh."
Hinampas niya 'yong noo niya gamit 'yong palad niya tapos umiling na lang siya.
"Ako naman magtatanong. Bakit ka napadpad dito?" sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Busy pa rin ako sa paghahanap. "Hindi ko ini-expect na hanggang dito ini-stalk mo ko."
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...