Kabanata 4

22.6K 284 12
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***


Nasa mall ako ngayon at, si Kristina na mabait kong kapatid lang naman ang kasama ko. Sa totoo lang, ayaw niya akong kasama ngayon. Pero dahil pinilit ako ni Mama na samahan ko daw ang prinsesa namin at sabayan pa ng boredom ko, pumayag ako. Weekend naman kasi at walang ginagawa.

"Kris! Ito oh, bagay sayo." Inabot ko sa kanya ang isang t-shirt.

"Eww. Di ako tulad mong mahilig sa blue, 'no." She turns her back at naghanap pa ng damit.

Habang busy siya sa mga ginagawa niya at mukhang gustong magsolo nung kapatid ko, nagtext ako sa kanya na pupunta muna akong Penshoppe. Puro kasi pambabae ang nakikita ko sa store na 'to. Psh. Mamaya mapagkamalan pa akong bakla. Wag na, 'no.

Papasok na sana ako sa loob ng store na 'yon nang biglang may nahagip ang mata ko. Agad ko namang tinanggal ang f-in-ocus ang mga mata ko

"Si Hikari ba 'yun?" bulong ko sa sarili ko.

Di ako sigurado kung siya nga talaga 'yon dahil medyo malayo ang image. Maya-maya tumakbo na siya palapit sa pwesto ko habang patinging-tingin sa likod niya. Tatawagin ko sana siya nang lumagpas siya sa kinatatayuan ko.

"Hikari," tawag ko at lumingon naman siya.

Pupuntahan ko sana siya pero tumatakbo pa rin siya. Ilang saglit pa may dalawang lalaking magkasunod na bumunggo sa balikat ko. Tumatakbo rin sila.

"Mag-ingat ka nga sa dinadaanan mo!" singhal ng isa sabay takbo.

I feel some resemblance upon seeing their faces. Sila 'yong mga lalaki noong isang gabi na nagpupumilit isama si Hikari. Mukhang naghahabulan na naman sila.

Dahil nakutuban kong may hindi magandang mangyayari, nakihabol ako sa kanila. Hindi ko na makita sa unahan si Hikari at malayo na ang mga lalaki. Sumagi sa isip ko na baka wanted si Hikari-may kasalanan siguro siya. O baka member siya ng isang frat.

Hiningal ako sa katatakbo hanggang hindi ko na sila naabutan. Sumandal muna ako sa dingding at lumanghap ng hangin. Laking gulat ko nang may humablot sa kamay ko. Si Hikari.

Magtatanong pa sana ako nang bigla niya akong kinaladkad. Masyado siyang mabilis tumakbo, at hindi pa ako nakaka-relax mula kanina. Napapalingon ako sa likod ko, at nakasunod na pala samin ang dalawang lalake.

"Sa CR tayo," sabi ko. Baka good idea diba? Kasi do'n, makakapagtago siya.

Di ko alam pero bigla niya akong sinampal-ang sakit. "Manyak ka talaga, 'no?"

"Ano bang masama sa suggestion ko?"

Hindi niya ako sinagot. Sumakay kami ng escalator at mabilis na umakyat kahit nasagi na namin ang mga tao. Umabot na kami hanggang fifth floor. Ito na 'yong pinakahuling floor ng mall at konti lang ang mga stall.

Unti-unti kong naramdaman ang pagkahapo. Pati si Hikari, hingal na hingal na rin.

"Saan na tayo?" tanong ko sa kanya dahil feeling ko, walang-kawala na talaga kami.

Huminto si Hikari at lumingon-lingon sa paligid. Nang walang sabi-sabi, kinaladkad niya na naman ako sa isang sulok. Walang katao-tao, wala masyadong stall at mukhang safe naman-pero malabong matakasan namin sila. Nagtago kaming dalawa malapit sa fire exit.

"Ssh." Naghand-gesture siya tapos pinakinggang mabuti ang paligid. Tanging 'yong paghabol hininga ko na lang ang naririnig ko.

"Saan na 'yon?" narinig ko mula sa di kalayuan. Kung tama hinala ko, boses 'yon ng isang humahabol sa amin-I mean, sakanya.

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon