Kabanata 30

15K 214 19
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***


"Hi, Sha-neh! I miss you and I love you."

"Hi, Sha-neh! I miss you and I love you."

"Hi, Sha-neh! I miss you and I love you."

Stop. Play.

Habang nakahiga ako sa kama, paulit-ulit kong ni-re-replay ang voice record ni Kleinder noong nasa airport kami. Nakakabit ang earphones sa tenga ko, at pang-ilang beses ko nang narinig 'yong boses niya sa tenga ko.

Christmas vacation, at as usual, nasa Japan kami. But, at least, for vacation lang. Sumama si Kleinder sa airport, at bago tawagin ang flight namin, hiniram niya pa ang cellphone ko para mag-record.

"Saka mo na pakinggan pag nasa Japan ka na."

Imbes na hindi ko siya ma-miss dahil sa record niya, mas nakasama pa yata.

Malamang nasa bakasyon din siya ngayon, pero hindi ko alam kung ano'ng ginagawa niya sa oras na 'to. Hanggang ngayon kasi hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Sa totoo lang, gusto ko nang umuwi at sa Manila na lang magcelebrate ng New Year para at least, konting byahe lang kila Kleinder pero kailangan kasi na nandito kami until next year.

Sa kaka-replay ko ng voice record, nakaramdam ako ng antok at unti-unting bumagsak ang mga mata ko.

Nagising ako nang tinapik ni Meg ang balikat ko. Nalaman ko na lang na gabi na pala dahil madilim na sa labas ng bintana ng kwarto ko. Lumabas ako para mag-dinner kasama ang mga relatives na hindi ko gaanong kasundo. Alam kasi nila ang lahat-lahat ng nangyari sa buhay ko at hindi sila okay doon.

Pagkatapos ng dinner, lumabas ako sa garden at ni-redial si Kleinder. Nabuhayan ako ng loob nang may sumagot sa ikatlong ring.

"Kleinder! Sa wakas sinagot mo rin ang tawag ko."

"Ate Hikari?"

Napalitan 'yong saya ko ng pagkagulat. Sino 'to?

"Si Kleinder?"

"Si Kristina 'to. Pasensya na-"

"Nasaan siya?"

"Um..." Naghihintay ako ng sunod na sasabihin niya pero naubos agad 'yong pasensya ko. Ano ba.

"Pakibigay naman 'yong phone sa kanya, please."

"I'm sorry. Hindi kasi pwede e."

Lalong kumunot ang noo ko. Ano ba! Di ko siya maintindihan.

"Huh?"

"Nasa operating room pa po siya ngayon." Huminga siya nanag malalim at lumakas 'yong kabog ng dibdib ko. "Sinugod si kuya sa hospital kanina."

Mabilis na naginig ang kamay ko na may hawak ng cellphone. Napahawak agad ako sa noo ko habang dina-digest ang narinig ko.

"B-Bakit... ano'ng... ano'ng nangyari sa kanya?"

Hindi siya nakasagot agad at sigurado akong may narinig akong umiiyak na babae sa kabilang line. For sure, si Tita Jennifer. Nakarinig din ako ng pagbukas ng pinto at mahina 'yong pagkakasabi ni Kristina ng, 'Pa, 'yong doctor...'

Tapos, out of line na. Binaba niya na yata.

My body is shaking. Hindi ko ma-digest lahat ng information na narinig ko a few seconds ago. Nataranta ako bigla at di ko alam kung saan at kanino ako pupunta.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na nakatakip ang dalawang kamay ko sa mukha ko at umiyak.

"Kleinder..."

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon