EDITED (c) Shupershimmer
***
KLEINDER
Hindi ko namalayang lumipas ang isang linggo nang gano'n kabilis. Walang masyadong nangyari sa school, maliban na lang sa pagkikita ulit namin ni Franchezka. Sa totoo lang nagulat ako dahil akala ko hindi na kami magkikita mula nangmag-transfer siya. Madalas na nasa school siya para raw sa training sa isang contest kaya nakikisabay siyang mag-lunch tuwing break o kaya sumasama sa tambay namin.
Yes, I admit, I had a crush on her. I had. Kaya hindi ko alam bakit hanggang ngayon niloloko parin ako ni Gab sa kanya samantalang two years ago pa 'yon.
Kung di lang naman kasi ako nabuking, hindi naman malalaman nina Franchezka. Magkaibigan kaming dalawa no'n, at magkasunod sa lahat ng kalokohan, pero nasira lahat dahil sa binuking ako ni Rex. Hindi na kami masyadong nag-uusap, hanggang sa nabalitaan na lang na lilipat na siya.
Hindi ko rin siya niligawan, gaya ng iniisip ni Hikari. Uh, wala naman talaga akong balak sa umpisa pa lang. I admired her, and I thought it's enough.
Ilang minuto bago mag-bell para sa first subject, pumasok si Hikari nang nakasimangot. Well, walang expression ang mukha niya kung tutuusin, pero alam kong hindi maganda ang gising niya. Nag-lean forward ako sa armchair niya pagkaupo niya.
"'Pwede 'wag kang mang-asar ngayon?" sabi niya.
Tumaas lang ang dalawang kilay ko at hinayaan siya. Kinuha ko sa bag ang Toblerone at nilapag sa mesa niya. Tinignan niya 'yon na parang hindi niya alam ang laman.
"Good morning," bati ko sabay ngiti.
Tumingin siya sa chocolate, tapos sa akin. "Para sa'n 'yan?"
"Para sa'yo."
Umismid siya. Hindi yata siya makapaniwalang inabutan ko siya ng chocolate. Bago kasi ako pumasok, dumaan ako ng 7 Eleven para bumili ng pagkain. Naisipan kong bilhan din siya, at Toblerone ang una kong naisip.
"At bakit?" tanong niya.
"Para mawala 'yang simangot sa mukha mo(?)" Tinanguan ko siya. "Bakit ka nakasimangot? Ginulo ka na naman ba ni Nylan?"
Pagkabanggit ko palang ng 'Nylan', nairita agad ako. Parang salita na ayaw mong marinig sa buong buhay mo dahil mababadtrip ka lang. Puro lang naman yata yabang sa katawan ang lalaking 'yon dahil may mga kasama siya, e.
"Hindi." Kinuha niya ang Toblerone at binasa ang nakasulat. "Muntik na akong ma-late wala akong alarm."
I can't help my smirk. Ngayon ko lang kasi siya narinig na nag-aalala siya sa pagka-late. Parang dati nagka-cutting pa siya, at mas gustong hindi pumapasok, pero ngayon, palagi ko nang nakikita. Masaya ako sa kung ano man ang ginagawa niya.
"I want to buy a phone later," sabi niya habang binabalatan ang bigay ko.
"Saan?"
"Sa SM." Tumingin siya sa'kin. "Thank you nga pala rito." Tinaas niya ang Toblerone. "Kakainin ko na; wala akong breakfast, e."
Nag-offer siya sa'kin ng chocolate pero umiling ako dahil busog pa ako. Saka sinabi ko ring binili ko 'yon sa kanya. Hindi ko alam kung naduling lang ako o dala ng ilaw sa room, pero namula siya.
Naisip ko tuloy kung first time niya bang makatanggap ng chocolate mula sa lalaki, dahil kung ganyan ang lagi niyang reaction kapag binibigyan, baka araw-arawin ko na.
"Pwedeng sumama?" Napatigil siya sa pagnguya ng chocolate. "Sa SM, I mean. Gusto ko ring lumabas. Isa pa, malay mo may kung sino na namang humabol sa'yo."
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...