EDITED (c) Shupershimmer
***
Bandang hapon ginising ko si Hikari para makauwi. Alam ko namang sumobra ang ginawa ko sa kanya kaya malamang napagod ang utak niya. Siguro nga ako ang pressured saming dalawa.
Dahil wala si Mommy, at walang sasakyan, nag-commute kami ni Hikari. Pinilit niyang wag ko na siyang ihatid sa bahay nila pero hindi ako pumayag. Sinundo ko siya sa bahay nila kaya ihahatid ko rin siya pauwi.
Pagdating namin sa gate ng bahay nila, humarap siya sa'kin.
"Alam ko namang gusto mo lang akong makasama pero thanks na rin sa pagre-review sa'kin," nakangiting sabi niya.
Tumaas naman ang kilay ko. "Excuse me? Ikaw nga 'tong na-excite nang tinanong kita kung gusto mong mag-review. At inamin mo ring hindi ka maka-focus dahil sa'kin."
Umirap siya sabay tawa.
I always want to see her that happy.
"Goodnight," sabi niya. "Sir Ramirez."
Bago pa man siya tumalikod para mag-door bell, nagsalita na ako. Sa totoo lang kanina ko pa 'to gustong itanong, pero nasa FX kasi kami.
"Can I kiss you?"
Napakurap siya sa sinabi ko, na kahit ako nahiya bigla. Maya-maya, napahawak siya sa noo niya, at pag-angat ng ulo niya, nakangiti na siya.
"What, am I going to kiss you, or are you going to kiss me?" she playfully raises her brow at me.
"Either way-"
Tumingkayad si Hikari at inabot ang labi ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, nakalimutan kong pumikit. Sana man lang binigyan niya ako ng warning. Dahil do'n, hinalikan ko rin siya.
It's my first, and no words can explain the bursting feeling inside me. My Mom would get crazy when she sees me doing this.
"Good night," I murmur against her face.
Ngumiti siya at tumalikod para mag-door bell nang may imaheng mabilis na lumapit sa gilid ko. Sumunod na lang na alam ko, bumagsak ako sa sahig at nalasahan ko agad ang dugo sa ngipin ko.
"Nylan!"
Napalingon agad ako kay Nylan na nanlilisik ang mga mata sa'kin habang nakabilog ang mga kamay niya. Tinulungan ako ni Hikari na makatayo nang maayos.
"Anong ibig sabihin nung nakita ko?" singhal niya sa'ming dalawa.
Hanggang dito ba naman?
Binitiwan ako ni Hikari sa balikat. "Anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba malinaw sa'yo lahat ng sinabi ko? Pa'no kung makita ka na naman ng Daddy ko? Gusto mo ba talaga akong ipahamak?"
"Tinatanong kita, bakit ka niya hinalikan?" mas malakas ang boses niya.
Gusto kong matawa sa tanong ni Nylan pero masyadong masakit ang suntok niya kaya hindi ko maigalaw ang bibig ko.
"Sagutin mo ko!"
"Ano ngayon kung hinalikan ko siya-may magagawa ka?" humakbang ako para paatrasin si Hikari.
"Kleinder."
Pinigilan ako ni Hikari at hinila niya pa ang siko ko pero hindi ako pumayag. Hindi naman pwedeng sa lahat ng oras, dinodominate siya ni Nylan. Ang tagal kong tiniis 'yong mga tawag niya kay Hikari dati. At 'yong inis ko noong nakita ko sila sa ospital, hindi ko pa nakakalimutan. Oras naman na siguro para malaman niya kung hanggang saan lang siya.
"Ba't hindi mo na lang kasi tanggaping ayaw niya?"
Kinuwelyuhan agad ako ni Nylan. "Hindi ko tatanggapin kung sa'yo lang din siya babagsak."
Bigla niya ako sinuntok sa kabila kaya lumaban din ako. Tinulak ko siya at ginantihan ng isa pang suntok. Kinuwelyuhan ko siya gaya ng ginawa niya kanina at sinuntok siya ng isa pang beses.
"Kleinder!" I hear Hikari's voice.
Hinawakan ni Nylan ang balikat ko at agad akong tinuhod sa sikmura. Napaupo ako sa sahig at gumulong dahil sa sakin. Lumuhod si Nylan at pumaibabaw sa'kin. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig ko nang hinila niya ang kwelyo ko.
"Matapang ka, ha," nanggigil na sabi niya.
"Nylan... please... tama na!"
Bumagsak ang mga balikat ni Nylan at ramdam ko ring lumuwag ang hawak niya sa damit ko nang marinig namin pareho ang mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Hikari.
Kahit madilim, kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata ni Nylan habang nakatitig sa'kin.
"Pag tinuloy mo 'yan, ako na mismo ang tatawag sa pulis," dagdag ni Hikari. "Kahit ano'ng gawin mo, hindi magbabago ang isip ko. Kahit... magpatayan kayo sa harap ko, hindi na magbabago ang lahat ng sinabi ko."
Binitawan ni Nylan ang kwelyo ko nang may kasamang paghampas ng ulo ko sa sahig. Tumayo siya at lumanghap agad ako ng hangin hangga't kaya ko.
"Pa'no mo 'to nagawa sa'kin?"
Sa tono ni Nylan, nawala ang tapang sa boses niya. Nagmukha siyang mahina sa harap ko kahit halos paduguin nya na ang mukha ko kanina.
Sinubukan ko ring makatayo pero hanggang upo lang ang kaya ko sa ngayon. Lumuhod si Hikari sa tabi ko at halos maiyak siya nang makita niya ang dugo sa labi ko.
"Umalis ka na sa harap ko, Nylan." Tumingala siya. "Wag ka nang magpapakita sa'kin kahit kailan."
Narinig naming sumigaw si Nylan sa galit at sinipa ang sementong pader. Tumalikod siya at nakayukong naglakad palayo. Bumaling si Hikari sa'kin at niyakap ako.
"Pumasok ka muna sa loob. Gamutin muna natin 'yang sugat mo."
Her fingers are doubtlessly trembling against my cheeks. I can't do anything to stop her from weeping. Tumayo siya para mag-door bell at nang makita ni Meg ang itsura ko, nagmadali siyang tulungan si Hikari na alalayan akong makapasok sa loob.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...