Kabanata 35.5

14K 202 17
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***


"Kleinder! Tara na, malapit nang mag 9:00 oh! Baka mainip ang mga tao sa simbahan!" sigaw ni Gab sa'kin sa cellphone habang nagkakabit ako ng butones sa polo ko.

"Sus, 8:15 pa lang, 'no. Excited ka naman!"

"Syempre!"

"O sige, patapos na 'ko." Patlang. "Grabe, Klein. Ilang minuto na lang..."

"Mag-relax ka nga. Pati ako nahahawaan ng kaba kahit di naman ako dapat kabahan."

Pagkatapos namin mag-usap, tinapos ko na 'yong pagkakabit ko ng butones ng silvery-black tuxedo. Konting wax ng buhok, nagpabango, at lumabas ng bahay.

Pagbaba ko ng sasakyan, nakapamulsa ako habang pinagmamasdan 'yong simbahan. 8:44 am ako nakarating at medyo marami na ang mga tao.

Nakita ko na rin si Gab, wearing his luxurious white tuxedo na may lining na black sa collar. Nasa bungad siya at may kausap na dalawang matanda. I guess, bride and bride's maids na lang ang hinihintay.

Hay, mga babae talaga ang bagal kumilos.

Nakasandal lang ako sa kotse habang naghihintay sa ceremony hanggang sa nag-sign si Gab sa'kin at nakita kong may paparating na dalawang kotse; isang white car at isang black na van.

Nag-set na agad ang mga tao at paglingon ko, wala na si Gab sa pwesto niya. Nasa loob na sila kaya pumasok na rin ako. Patakbo akong lumapit sa may bandang altar malapit kay Gab at naghintay ulit. Grabe naman 'to

I tap Gab's shoulder. "This is it!"

And everything follows. Gaya ng normal na kasal, naglakad sa aisle ang mga ring bearer, flower girl, tapos ang mga abay. The motif of the wedding is white and black. At, nang makita ko si Hikari na nakasuot ng strapless white gown, na may touch ng black sa laylayan, I'm really stunned. She really stands out.

Pero, umiwas siya ng tingin sakin-gaya ng ginawa ko. Maya-maya rin sumunod ang bride.

Kitang-kita ko ang pag-ngiti ni Gab paglabas ni Rachelle with her long and lacy belo. Grabe, ikakasal na ang tropa kong baliw. Rachelle is his college batchmate and his girlfriend for about 4 years. Hindi ko in-expect na si Gab ang unang magpapakasal sa amin.

Akala ko noon may pag-asa na sa kanila ni Czarina kaya lang nag-aral kasi 'yon ng Interior Design sa ibang bansa. Pero mukhang masaya naman ang loko sa mapapangasawa niya.

As of now, one month na kaming hindi nag-uusap ni Hikari. Ngayon na lang ulit kami nagkita after ng rehearsal sa kasal and we never personally talked. We never actually did.

Gusto ko siyang kausapin, sa totoo lang. Buong ceremony, hindi ko maiwasang lumingon kung saan siya nakaupo. May mga pagkakataon din namang nagkakasabay kami pero pareho kaming umiiwas.

Sa reception, hiwalay ang table ko sa table ng bride's maids. Nakakaasar. Iniiwasan niya talaga ako. Bakit ba ayaw niya akong kausapin? Daig pa namin ang dalawang taong hindi nagkakilala kahit kailan.

"Oy, ang tahimik mo naman. Porket naunahan ka ni Gabriel sa kasal?" Hinampas ni Rex ang likod ko tapos inismiran ko lang siya.

Si Rex, kakagraduate lang sa Masteral niya sa Communication at kahit sobrang busy niya, nakuha niya pang umattend sa wedding. Si Gab, gr-um-aduate ng Medtech. Si Hikari, Psychology ang tinapos habang ako, BS Mathematics.

"Grabe naman! Kumakain kasi ako," sagot ko kay Rex na umupo sa circular table namin.

"Weh. Ni hindi mo nga maalis ang mata mo kay Hikari, e."

Hindi ba 'to titigil?

Sinimangutan ko siya. "Mukha mo."

"Sayang, edi sana next na kayong ikakasal! Ikaw kasi, e."

Di ko na lang pinansin 'yong sinabi ni Rex. Tumingin lang ako sa table nila Hikari habang kinukuhanan sila ng picture with the bride and groom.

The last five months were the hardest part of our relationship. As far as I can say. Hindi ko alam kung paanong natapos na lang ng gano'n at di ko alam kung bakit humantong kami sa ganito. Hindi ko ma-explain ang mga nangyari pero hanggang ngayon kasi, nasasaktan ako.

Tangina, di ako maka-move on. Tapos siya, sa nakikita ko, parang okay na okay na okay na okay na.

Ang naaalala ko, palagi na kaming nag-aaway dahil sa kakulangan ng oras, sa selos, sa communication. Lahat na lang ng oras na nagkikita kami, laging may di pagkakasundo. Dahil siguro sa lumawak na ang environment na meron kami? Dahil sa responsibilities sa trabaho? Pwede ring dahil sa priorities. Ang yabang ko lang para humamon ng break up.

Syempre lalaki lang din ako. Tao. Napapagod at gustong mag-relax. Gusto kong magpahinga sa sunod-sunod na away. Pero hindi ko naman akalain na sasabihin sa'kin ni Hikari na sana raw matagal ko nang naisipang makipaghiwalay. Na sana, naisip ko agad 'yon, para naging mas masaya siya.

Honestly, hindi ako umiyak sa unang araw na hiwalay kami-nagalit ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta, sobrang sikip ng dibdib ko pero walang luha sa mata ko.

Pero habang tumatagal, nawawala ang galit ko. Napapalitan ng panghihinayang.

Nakita kong tumayo si Hikari papuntang catering at ako naman, dinala ko 'yong plato ko at tumayo. Inayos ko pa ang suot ko bago lumapit. Nagbabakasakali lang na mag-uusap ulit kami.

Nakita kong kukuha siya ng isang ulam, at nagsalita ako. "May soya 'yan, baka magka-allergy ka."

Napahinto siya pero hindi tumingin sa'kin at binalik 'yong serving spoon sa lagayan. Umusog siya pakabila at kumuha ng dessert. Halatang umiiwas. Okay, kailangan ko ng mahabang pasensya.

"You look awesome," puri ko. "I mean, now-how did you do that?"

Alam kong halata sa boses ko ang kaba, pero ano'ng magagawa ko? Kinakabahan talaga ako dahil ngayon lang kami nagkalapit simula pa kanina.

"It's not me. May make-up artist lahat ng bride's maid."

"Ah. Pero wala kasing sinabi 'yong ibang bride's maid sa'yo. Natural na siguro."

Nakita kong napataas ang kilay niya sa sinabi ko at kahit ako, di ko alam na dumulas ang dila ko. At least, honest ako sa sinabi ko, hindi lang nambobola.

Humarap siya. "Ano bang gusto mong sabihin? Diretsuhin mo na."

I awkwardly try to gesture my hand but I am out of my words. "Um, you... uh, you're pretty. The Hikari Shane that I met... as always."

"Salamat."

As usual, plain as always.

Hapon na natapos 'yong kainan at ilang seremonyas sa kasal kaya sumakay na ako sa kotse ko. Nakita ko sa bintana sa harap na nag-uusap-usap sina Hikari at mga kasama niya. Nagtaka ako dahil siya na lang ang naiwan.

Hindi muna ako umalis sa garahe. Nakita kong nagpara siya ng taxi pero hindi siya hinintuan dahil siguro may pasahero 'yon. That's the time na ini-start ko 'yong engine at nagdrive papunta sa kanya at ibinaba ang salamin ng passenger's seat.

This is what you call opportunity.


His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon