EDITED (c) Shupershimmer
***
Pagka-ring ng bell para sa next subject, pumunta agad akong clinic. Hindi dahil masama ang pakiramdam ko, kundi gusto ko lang talagang matulog.
Kasalanan ni Kleinder kung bakit hatinggabi na ako nakatulog!
Siyempre, hindi naman ako papahigain sa kama kung hindi ako magpapanggap na may sakit. Nagpanggap akong may hyper acidity-masakit kuno ang sikmura ko at mahapdi-at binigyan pa nga ako ng antacid. Kunyari ininom ko, pero tinapon ko lang ang gamot sa basurahan. Nagpaalam ako sa doktor na matutulog lang ako, at pumayag naman siya. Nagpahatid na rin siya ng excuse letter para sa next subject.
Pagkagising ko, sinabi ko sa doktor na okay na ako kaya pinalabas niya rin ako. Tamang-tama lang dahil may ten minutes pa ako bago ang susunod na klase.
Kinuha ko ang cellphone at nakita ko ang message ni Kleinder dahil may dumating daw sa room at naghatid ng excuse letter sa'kin. May message si Nylan pero hindi ko na binasa.
Rereplyan ko sana si Kleinder habang pababa ako ng hagdan nang may nakabangga sa'kin at lumipad ang cellphone ko pababa sa sahig.
"OMG. Sorry!"
Dali-daling bumaba ang babae at pinulot ang cellphone ko. Umakyat naman siya para ibigay sa'kin pero masyadong masama ang loob ko para kunin lalo nang makita ko ang malaking crack sa screen.
"Shucks. Sorry... sorry talaga!" sabi niya.
"Anong magagawa ng sorry mo sa cellphone ko?" cold na sagot ko sabay hablot ng phone sa kamay niya kaya nagulat siya.
"B-Babayaran ko na lang 'yong damage." Dumukot siya ng wallet.
"No, thanks. Di kasi ako mukhang pera, e." Natigilan siya sa pagdukot ng pera. "Ibili mo na lang ng eyeglass 'yang pera mo para next time, hindi ka na makakabunggo sa daraanan mo."
I know she can sense the sarcasm in my tone and I don't care. She purses her lips, feeling shameful after my words.
Hinila ko ang cellphone ko sa kamay niya at napayuko lang siya. Pag-akyat niya, sinundan ko siya ng tingin habang iniisip kung sino ba siya-pamilyar kasi ang mukha niya. Saka, iba rin ang uniporme niya kumpara sa'kin kaya halatang hindi siya taga-rito.
Pumunta muna ako ng comfort room at nag-relax saglit. Naghilamos na rin ako since medyo naiirita ako sa nangyari na 'yon. Paglabas ko, nasalubong ko na si Kleinder bitbit 'yong bag niya; mukhang kalalabas lang galing sa previous subject namin.
Huminga siya nang maluwag nang huminto sa harap ko. "God, what happened to you? Pupunta sana ako ng clinic."
Hindi ko matago ang pagngiti nang marinig ko 'yong sinabi niya. Ewan, natutuwa lang akong malamang may nag-aalala sa'kin.
"Natulog ako sa clinic," sagot ko at naguluhan naman siya. "Okay. Nagkunyari akong may hyper acidity para makatulog. Napuyat kasi ako kagabi, kaya inaantok talaga ako."
Ramdam kong hindi siya masaya sa ginawa ko kaya nag-iba ang expression ko. Akala ko pagsasabihan niya ako gaya ng lagi niyang ginagawa pero mukhang pinalagpas niya rin naman. Sinamahan niya akong maglakad papunta sa PE class habang kinukwento ko na nabasag ng isang babae ang cellphone ko kanina lang.
"Buti hindi mo sinapak," biro niya.
"Muntik na. Buti nakatiis ako."
"Good." Ngumiti siya at tinapik pa ako sa bandang balikat.
"Kleinder! Halika dali!" tawag ni Gab sa kanya nang makarating na kami sa court.
Lumapit naman kaming dalawa pero nabigla ang kaluluwa ko nang makita ko 'yong babae kanina sa hagdan na nakasira ng cellphone ko. Nanlaki 'yong mga mata niya habang ako naman, hindi makapagsalita.
"Franchezka?" Kleinder mutters with a tone of recognition.
Ngumiti ang babae pero may ilang. "Jake, hello."
Wow, Jake. First time akong nakarinig na may tumawag kay Kleinder sa second name niya.
"Ba't ka nandito? Ano'ng meron," tanong niya na akala mo gustong-gustong malaman kung bakit. Gusto ko tuloy malaman kung kaano-ano ba nila ang babaeng 'yan.
"Ah, kasi may training kami." Saglit siyang tumingin sa'kin sabay iwas. "May contest kami for Investigatory sa Regional, then ito ang venue for the division training kaya nandito ako. Kanina ko pa kayo hinahanap; namimiss ko na kasi kayo."
Kitang-kita ko ang awkward smile ni Kleinder sa sinabi ng babae pero mas nabigla ako nang niyakap siya sa harap ko.
"Namiss ka rin namin... syempre," sagot niya na medyo ilang sa babae.
Bumitaw 'yong Franchezka bago kumanta si Gab. "Muling ibalik... ang tamis ng pag-ibig!"
Hindi ko alam kung saan ako naiirita: dahil ba sa sintunadong pagkakakanta ni Gab o dahil sa pang-aasar niya sa dalawa. Gayunpaman, tahimik lang ako sa tabi habang pinapanuod ang kung ano mang mala-reunion nila.
"Katatapos lang ng training namin, at naisipan kong dumaan dito. Finally, nakita ko kayo."
"Nga pala, Hikari,"-humarap siya sakin-"siya si Franchezka, ex-classmate namin nung sophomore. Sa iba na siya nag-aaral dahil nag-transfer. Franchezka, siya si Hikari, transferred student din, this year lang."
Walang nagsalita sa aming dalawa; siguro takot rin si Franchezka na mag-hello sa'kin dahil sa nangyari kanina sa hagdan. Pero hindi pa rin nawawala ang inis ko kahit pa magkakilala sila ni Kleinder. Sa totoo lang mas nainis pa nga ako dahil masyado siyang mabait sa harap namin-pinagmumukha niya akong salbahe.
"Shake hands naman dyan," singit ni Gab nang mapansin niyang walang gumagalaw samin.
"Hi."
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Fiksi RemajaShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...