Kabanata 21

16.1K 206 4
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***


The next day, tumawag ako kay Hikari para mag-thank you sa binigay niya. Tinanong ko pa nga kung paano niya nalamang ang tamang ireregalo sa'kin; sabi niya, nakita niya raw sa drawer ng kwarto ko na may mga gamit akong may mukha ni Squidward (na actually noong highschool ko pa ginamit).

Habang tinutulungan ko si Mommy na maglinis ng sala, kahit tagabuhat lang naman ako ng couch, tumunog na naman ang cellphone ko. Akala ko naman si Hikari, pero ibang tao ang nasa screen ko.

Calling...

Franchezka

I touch the answer button.

"Jake..."

Kumunot ang noo ko nang marinig kong nanginginig ang boses niya. "Franchezka?"

She sobs. "Jake..."

"Bakit? Ano'ng nangyari sayo? May problema ba?" I worriedly say.

Inangat ni Mommy ang ulo niya mula sa pagva-vacuum nang marinig ang boses ko. She doesn't ask, but I know she knows something's up.

"Jake, tulungan mo 'ko... Please... I need you here... Natatakot na ako... " Nanginginig pa 'yong boses niya.

Nakaramdam ako ng kaba sa boses niya. "Teka, ano bang nangyayari sa'yo?"

"May gustong manakit sa'kin..." At umiyak na siya. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin samantalang nasa kabilang linya siya.

"Nasaan ka?"

Matagal siya bago nakasagot. "Sa parking lot ng Vmall." Nanginginig na sagot nito tapos nag-end 'yong call.

Ilang segundo kong tinitigan ang screen ng cellphone ko hanggang sa mag-blackout ito. Nilingon ko agad si Mommy na naglilinis parin at lumapit.

"Pwede ko bang gamiting ang kotse?" Thankfully, she nods.

I worry not because I have a feeling for her but I care, as a friend. No, I don't feel any towards Franchezka, anymore. Pero sa mga narinig ko, hindi naman pwedeng hayaan ko lang siya.

Pagdating ko sa parking lot, lumabas ako ng kotse at tinawag ko siya pero walang sumasagot. "Chezka!" Suddenly, may narinig akong sobs sa isang SUV.

Pagtingin ko, nakaupo siya sa likod ng sasakyan na yon at nakayuko. Magulo ang buhok, madumi 'yong damit at... may sugat sa binti. What the hell happened to her?

Nilapitan ko siya saka lumuhod sa tabi niya para maka-level ko siya. "Franchezka... anong nangyari?"

Bakas sa mukha niyang galing siya sa matinding iyak. Doon ko lang nakita na may pasa siya sa labi, at may sugat na may dugo pa. Nanlambot ako sa nakita ko, kaya hinawakan ko na lang ang mga kamay niya na nanlalamig.

"J-Jake!" Nagulat ako nang yumakap siya.

Bumitaw ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Ba't ganyan hitsura mo? Tell me what happened..."

Napatungo siya, tapos naiyak na naman. 'yong parang may naalala siyang kung ano.

"Jake, may mga lalaking nanakit sakin... Jake, sinaktan nila ako!"

Mga lalaki? "Teka, sinaktan ka nila? Wala ba silang ginawang masama sa'yo?"

Of course, it's obvious they hurt her. I just want to know if they have done something grave more than that.

Umiling siya. "Hindi... sinaktan lang nila ako... physically." Napatingin ako sa mga sugat niya all over her body.

"Kilala mo ba sila?" I ask.

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon