EDITED (c) Shupershimmer
***
HIKARI
Right after ko manggaling ng airport, nagpalit lang ako ng damit at pumasok sa school ng 12 o'clock. Well, siguro excited lang akong makita sila Kleinder. First time ko nga yatang ma-excite nang ganito pag umuuwi sa Manila.
Pagdating ko ng school, nahanap ko sila sa open field. Tumakbo at nang makita ko si Kleinder,something in my heart becomes strange. Nang makalapit ako sa kanila, kinakamusta nila ako. Except him. Honestly, I anticipated that he'd greet me first, or even hug me tight. Sumobra yata ang iniisip ko.
"So, ano ba nangyari? Bakit bigla kang nawala?" Si Rex na kanina pa tanong ng tanong.
Tumingin muna ako kay Kleinder na kanina pa busy sa cellphone niya then kay Rex. "Ah. Kagagaling ko lang kasi ng Japan. Sorry kung di ko kayo nasabihan."
Nanlaki ang mga mata nila. Except him.
"Wow! I love Japan!" comment ni Czarina. "Nakakainggit! Buti ka pa pwedeng maglabas-masok ng bansa! I wish I'm as rich as your family; para araw-araw dadalawin ko 'yong Disneyland!"
"Bakit naman napadpad kang Japan?" Gab asks.
I have to sigh to relax. Why doesn't he look at me?
"Namatay kasi 'yong lola ko." Natahimik sila saglit tapos napa-aah na lang sila nang malaman nilang namatayan ako. Well, sinama lang ako nila Dad since kailangan kami. Di ko naman masyadong close 'yong lola ko na 'yon dahil sa Japan siya nakatira.
"Gano'n ba... condolence..," sabi ni Czarina. Wala na ang energetic voice niya gaya kanina. Ngumiti lang ako. "Ba't di mo man lang sinabi sa'min? Akala namin ano nang nangyari sa'yo."
Saglit akong tumingin kay Kleinder. Still no reaction from him. I don't even think he sees me, or feels my presence.
"Uh, I'm sorry, biglaan lang ang lahat," sagot ko. "So, how've you been all this week?"
"Wala naman masyado. Maliban lang sa pagbisita sa hospital," sabi naman ni Gab habang nagbubukas ng bottled water at ininom 'yon.
"Hospital?"
Tumango silang tatlo pero si Gab lang ang sumagot. "Si Franchezka kasi... napagtripan daw ng mga goons kaya ayun, sugatan tapos na-trauma pa. Buti na lang natawagan niya si Klein." Umiling-iling pa siya. "Kung kilala ko lang mga gumawa no'n, baka nabugbog ko na."
Halatang seryoso si Gab sa sinabi niya. Naospital si Franchezka? Napatingin ako kay Kleinder at nakita kong nakatingin na rin siya sa'kin. I guess I know kung bakit siya mukhang may topak. Halatang nag-aalala siya kay Franchezka.
"T-Talaga?" tanong ko. "I'm sorry, di ko man lang nalaman. Umo-okay naman ba siya ngayon?"
Czarina is the only one who nods at me. Nabigla kami nang biglang tumayo si Kleinder bitbit 'yong bag niya sa isang kamay at lumakad palayo sa amin. May nasabi ba akong mali?
That's it. Simula nung umalis si Kleinder sa field, wala na, di na siya nagpakita. I guess, nag-cut siya ng last two subjects namin. Siya na ba ang pumalit sa position ko bilang class-cutter?
After ng klase, kaming apat ang magkakasabay papunta sa hospital. Sinabay ko sila sa kotse naming na nagsusundo sa'kin at sinabi ko sa driver na 'kaibigan' 'yong dadalawin though parang gusto kong mag-throw up nung sinabe kong 'kaibigan'.
"Saan na ba 'yong damuhong na yun! Umaalis nang di nagpapaalam!" As usual, si Czarina, kanina niya pa hinahanap si Kleinder.
Ako rin hinahanap ko siya, pero hindi lang ako umiimik. Tinext ko rin siya pero walang reply sa'kin. Nagdalawang-isip akong tawagan siya dahil natatakot akong babaan ng tawag.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...