EDITED (c) Shupershimmer
***
Kanina ko pa tinatawagan si Kleinder pero nakakailang tawag na ako, hindi niya sinasagot. Hindi na ako magtataka kung i-block na ako ng network ko. Hindi ko alam kung galit siya sa'kin dahil pinaalis ko siya kagabi, pero hindi ako tumigil.
Nakiusap siya kay Dad. Imposibleng galit siya sa'kin.
Nagpalakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko habang nakangiti ang at the same time, nag-aalala.
"Sagutin mo tawag ko..."
Ire-redial ko palang sana ang tawag niya, nag-ring ang cellphone ko at lumabas sa screen ang pangalan niya. To my shock, I almost let it slip off my hands.
"Hikari."
Mabilis niyang binanggit ang pangalan ko na parang hinihingal siya.
"I'm sorry kung di ko nasagot," dagdag niya sabay tawa. "55 missed calls huh?"
I cover my mouth which, in the end, doesn't help me fight back the tears. "Kleinder."
"Nag-skateboard lang kasi ako sa labas." Hinihingal pa rin siya. "S-Sorry tal-"
"I love you."
I don't regret saying it. I'm aching to say it. Pagkasabi ko no'n, wala akong narinig sa kabilang linya. Tinignan ko pa nga ang cellphone ko kung namatay ba, pero nandoon pa rin ang pangalan niya. Ibig sabihin, narinig niya.
"Sorry..." Narinig ko siyang nag-chuckle kaya nagtaka naman ako. "I-I'm speechless. I love you, too, Hikari. Never doubt about it."
For the first time in three days, ngayon lang ako sumaya nang ganito.
KLEINDER
"Sir, kung pu-pwede, hayaan mong mag-stay pa siya rito nang mas matagal..."
It's the best thing I think I can do. Pumunta ako sa bahay nila Hikari kahit pinagtabuyan niya ako kagabi.
"I'm sorry, iho, pero final na ang decision ko. Walang magandang mangyayari kay Hikari rito sa Pilipinas. Mainam pa nga siguro kung sa Japan na lang siya. If your problem is her, well, Kleinder, bata pa kayo... I'm sure you'll understand me, someday."
"Napaka-unfair nito sakanya," sagot ko.
Humalukipkip siya. "I'm doing it for her."
"Please." I beg. "Let her stay."
"Are you telling me to let her stay dahil sa gusto mo siyang manatili rito? O dahil sa pagkagusto mo sa anak ko?"
I pause. Nawalan ako ng isasagot.
"Just a chance, sir. With all your respect... pero natanong mo na po ba siya kung okay sakanya ang idea na magmigrate siya? If it's not, may possibility na lalong magkaproblema pag nasa Japan na siya."
"How sure you are na mas mabuti kung dito na siya? Una sa lahat, ilalayo ko siya sa mga barkada niyang nang-iimpluwensya, lalo na yang Nylan na yan."
I sigh. Wala na yatang pag-asa.
Ilang saglit lang, may pumasok din sa isip ko. "I'll promise you one thing, sir Oda. Let her stay kahit ngayong buwan lang na 'to. 2 weeks from now, 2nd quarter exam na namin and if she passes it, mananatili siya rito..."
"Paano ka makakasigurong magagawa niya 'yon? Kilala ko ang anak ko, she's not into studying." Medyo natawa pa siya dahil sa suhestiyon ko.
"Tutulungan ko siya." I gulp and Mr. Oda's eyes are widening. "Kaya ko siyang tulungan sa pagrereview. Kung problema po ninyo ang mga ginawa niya sa school, tutulungan ko siya sa grades niya."
Alam kong nakakatawa ang idea ko, pero 'yon lang ang naisip ko ngayon. Napaisip siya sa sinabi ko bago tumayo.
"If you both fail, I'll send her to Japan."
"What is sound?"
"Ewan? Anything that has noise?"
"Scientific explanation dapat."
"Late yata ako nung tinuro yan."
Napapikit ako sa sinabi ni Hikari at sinara agad ang Physics book na hawak ko. Ngayon ko lang naranasang masubok ang pasensya ko, pero hindi pala talaga biro ang magturo. Lalo na't i-review ang isang taong hindi mo alam kung willing matuto.
"Please," bulong ko. "Focus on this."
I mean it. Hindi biro ang ginagawa ko, at hindi ako papayag na mag-fail si Hikari sa darating na exam. This would be her only chance to stay, and I don't want to waste it.
Pumangalumbaba pa siya sa mesa. "Paano ako magfo-focus? Nakaka-distract ang tutor ko."
Hindi ko mapigilang matawa. "Well, to be fair, I'm also trying my best to focus here. Nakaka-distract ang estudyante ko."
Sa totoo lang nagdadalawang-isip akong sabihin na ginagawa ko 'to para sa kanya. Buti nga at hindi niya na in-in-sist itanong kung paanong nagbago ang desisyon ng Dad niya. Basta ang alam niya, nakiusap ako. 'Yong ang kwento.
Siguro, kung sasabihin ko, baka magseryoso siya sa pagrereview. Kaya lang, baka naman ma-pressure siya at lalong hindi na maka-focus.
Ugh. Hindi ko na alam.
Sa kalagitnaan ng pagrereview namin ng Economics, nag-vibrate sa ibabaw ng mesa ang cellphone ni Hikari kaya inangat ko ang ulo ko mula sa pagbabasa. Nang mabasa ko ang pangalan ni Nylan, tinignan ko ang kaharap ko.
"Ginugulo ka pa rin niyan? Sabihin mo busy ka, wag siyang istorbo."
Ang mabait kong girlfriend, kinuha ang cellphone at pinatay. Inobserbahan ko pa kung galit ba siya sa sinabi ko pero mukhang okay lang naman sa kanya.
Pagdating sa Trigo, ginawa ko ang best ko para maintindihan niya lahat ng sinasabi ko. Kahit na may kahinaan din ako sa subject na 'to. Pero sunod-sunod ang paghikab niya at halatang hindi siya interesado sa mga letter and numbers na nakikita niya.
Huminto ako sa pag-e-explain nang pabuka na sana ang bibig niya para humikab ulit. Dali-dali kong pinigilan 'yon gamit ang kamay ko.
"Mamaya ka na kasi magpahinga, last subject na to, promise tapos tama na."
Sumimangot siya at tinapik ang kamay ko. "Bakit ba kasi duguan ang pagrereview? Quarter exam lang 'yon; hindi bar exam. Nahihilo na ako sa mga nababasa ko. Information overload!"
Napahimalos siya sa mukha niya at dumukmo sa mesa.
"Hikari...," tawag ko.
Inabot niya ang kamay ko across the table. Pinisil niya 'yon.
"Please, gusto kong umidlip."
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...