EDITED (c) Shupershimmer
***
"Anong ginagawa mo rito?" Napatingin ako sa may pinto ng balkonahe at nakita ko si Kleinder na papasok. Nginitian ko lang siya bilang sagot. "Ayaw mong manuod sa baba?" tanong niya pa.
I shake my head. "Nah, ang boring ng scrabble ninyo tsaka ang corny ng romantic movies. Ito ba talaga ginagawa pag overnight? Dapat nagpa-party tayo. Umiinom hanggang sa makatulog."
Umupo siya sa tabi ko, at nakita ang alak na hawak ko.
"So... you're drinking alone."
Tumango lang ako. Tinitigan niya lang ako sandali saka niya kinuha ang beer-in-can na hawak ko. Ininom niya ang natitirang alak at halos mapangiwi pagkatapos lunukin nang diretso.
"First time?" namamanghang tanong ko.
Umiling siya saka nilapag ang empty can sa gilid ng inuupuan namin. "No'ng Grade 6 ako, aksidente kong nainom ang alak ng Papa ko." Natawa pa siya. "I swore I hate beers."
"Masasanay ka rin sa lasa," sagot ko.
"Can I say something?" Tinignan ko siya as a sign of permission. "You're creeping me out. I mean, hindi ko alam kung ano'ng pinagdadaanan mo ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganyan ka. I can't judge dahil hindi naman talaga tayo magkakilala. But... we're seatmates, you know. Kung kailangan mo ng kausap, nandito ako, makikinig. Minsan walang masamang mag-share sa ibang tao-mas nakakagaan ng loob."
Napabuntong-hininga na lang ako at pinagmasdan ang pangalan ng inumin ko. Ilang sandali pa, nakaisip na ako ng sasabihin.
"You know what? Sometimes I hate that we met." Hindi umimik si Kleinder kaya pinagpatuloy ko. "Palagi ka na lang may sinasabi sa'kin na napapaisip ako. Laging nacha-challenge ang utak ko."
"Compliment ba 'yan?"
Tumingin ako sa view sa balkonahe. Trees and high buildings. "Sometimes, I'm thankful that I was able to get to know you. I mean... uh, salamat sa lahat ng ginawa mo kahit hindi ko naman sinabing gawin mo." I look to see his glistening eyes brought by the moonlight. "I've never felt safe in my life until you came."
Bago ko ma-realize na ang mushy pala ng nasabi ko, nakatitig na sa'kin ang mga mata niya. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa sinabi ko, pero wala na akong balak ulitin 'yon. Baka himatayin na ako sa hiya.
"H-Hindi mo kailangang mag-comment," sabi ko. "Gusto ko lang talagang magsalita. At hayaan mo kong magsalita."
Natahimik kami saglit at puro hininga lang namin ang maririnig.
"Naaalala mo ba nung unang nagkita tayo?" tanong niya. "Bakit ka ba nila hinahabol? Pasensya na, gusto ko lang talagang malaman dahil naku-curious na ako."
"Inutusan sila ni Nylan."
"Nylan? Siya 'yong sinasabi nilang boyfriend mo?"
Huminga ako nang malalim. "Hindi mo siya kilala. Palagi niyang iniisip na pwede niya akong hila-hilahin, at basta na lang tawagan kung kailan niya gusto. Hindi ko rin siya boyfriend, pero matagal na siyang nangungulit sa'kin kaya naiirita na ako. He's in a frat," dagdag ko pa.
"Gusto mo ba siya?" tanong niya kaya umiling ako. "Ano'ng klaseng tao si Nylan?"
Napaisip muna ako bago sumagot. "Uh, may gothic tattoo siya sa braso, sa likod at sa binti-"
"Pa'no mo nakita ang tattoo niya sa likod?" Nakasalubong ang kilay ni Kleinder sa'kin at natawa lang ako.
"Oh, he likes to walk half-naked in their clubhouse." Mukhang hindi pa siya nakumbinsi sa sinabi ko. "Pwede ba. Mali iniisip mo; walang nangyari sa'min!"
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...