EDITED (c) Shupershimmer
***
"KJ! KJ!"
Hindi pa ako nakakaupo, tinawag agad ko ni Hikari sa nickname na hindi naman talaga dapat sinisigaw sa loob ng room. Napakamot tuloy ako ng ulo nang lumapit sa kanila.
"Anong meron?" tanong ko naman.
"Hay naku! Kanina pa yan tuwang-tuwa 'no. Excited much na ibalita sayo!" sagot ni Rex habang winawagayway ang ballpen niyang may feather sa dulo.
"Sabihin ang alin?"
"You're gonna be a Daddy, Klein!"
Napatingin ako matapos magsalita si Gab. What?
"Naniwala ka naman, tss," sabi ni Czarina saka siniko si Gab sa tiyan. "Hikari, say it to him at nang di siya mahimatay."
"KJ, I passed the quarter exam."
Hindi ako naka-react agad dahil medyo kinulang ako sa tulog kagabi. Isa pa, masakit pa rin ang mukha ko dahil sa naging gulo namin ni Nylan nakaraan pang araw.
"Talaga?" tanong ko ulit.
Mabilis siyang tumango at nagkangitian kaming dalawa. Pinakita niya sa'kin ang evaluation ng exam niya at nakita mismo ng mga mata kong pasado nga siya. Hindi mataas ang mga iskor, pero pasado.
Sa sobrang tuwa ko, nayakap ko siya.
"Get a room!" sigaw ni Rex at nagtawanan din ang iba kong kaklase. "Wag nga kayong PDA sa harap ko."
Absent ako no'ng araw ng exam dahil sa nangyari sa'kin. Hindi ako pinayagan ng mga magulang ko na pumasok kahit medyo masama ang pakiramdam. No'ng gabing 'yon, tumawag si Hikari sa bahay at sinunod ako ni Daddy. Syempre, pag-uwi ko, sermon ang inabot ko.
Sinabi ko kasing napagtripan lang ako sa labas habang papunta sa bahay nila Hikari.
Nagpahatid ang parents ko ng excuse letter mula sa doktor na nag-check up sa'kin kaya ngayong araw ang special exam ko. Ngayong nalaman kong naging successful ako sa pagtulong kay Hikari, pakiramdam ko mape-perfect ko ang exam ko mamaya.
Habang nagkaklase, nagsulat ako sa pinunit kong papel ng maikling note at nilagay sa mesa ni Hikari. Kinuha niya naman at ngumiti pa sa'kin bago 'yon binasa.
After kong mag-special exam, ano'ng gusto mong gawin?
Habang nagsasalita si Ms. Rios, nakita ko si gilid ng mata ko na nagsulat siya sa natitirang space ng maliit na papel. Pagkabigay niya, binasa ko agad.
Movie? May bagong DVDs sa bahay.
Nagsulat ako sa likod ng papel at pinasa ulit sa kanya.
Baka naman maistorbo ang step mom mo. Pa'no kung manunuod pala siya ng balita mamaya?
Binasa ko ang papel nang bumalik sa'kin at napatingin ako kay Hikari nang makita ang sinulat niya. Nakangiti lang siya habang nagsusulat ng notes sa notebook niya. Bumalik ulit ang mata ko sa papel-baka kasi naduling lang ako.
May TV kami ni Meg sa kwarto, remember?
Sa dinami-dami ng pinagpilian, humantong kami sa panunuod ng The Fault in Our Stars. Binasa na ni Kristina ang libro at napanuod ang movie pero ako, hindi pa. Ang sabi nila nakakaiyak daw, at kahit alam kong napanuod na 'to ni Hikari, 'yon parin ang pinanuod namin.
Himala at wala si Meg ngayon. Baka raw naglakwatsa kung saan. Pero mas himala na magkatabi kaming nakaupo sa sahig habang nanunuod sa loob ng isang kwarto. Well, medyo nahiya ako nang umakyat kami at nasalubong pa namin ang step mother niya sa hagdan.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Ficção AdolescenteShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...