Kabanata 15.5

12.4K 176 9
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***

Siya ang unang nag-offer ng kamay para sa handshake, pero nawala ang energy ng boses niya kumpara no'ng kausap niya sa Kleinder. Para hindi naman ako magmukhang rude, kinamayan ko na rin siya. Sa paghawak ko palang sa kanya, di ko na siya gusto. I mean, dama ko agad na di kami magkakasundo. I can seriously sense it.

"Hi."

"Ganyan talaga si Sha-neh sa mga total strangers, medyo mataray at tahimik... pero mataray talaga siya." Tinignan ko nang masama si Kleinder at tumigil din siya sa pagngisi.

Ilang sandali pa, dumating narin ang teacher namin sa PE kaya wala na siyang space rito. I thought she'll get out of my sight, but she says she'll watch us by the bleachers. Pagtalikod na pagtalikod niya sa'min, nakita kong siniko ni Gab si Kleinder at sinimangutan niya ito.

"Ex mo ba yon?" tanong ko.

"Ano?" Nanlaki mga mata niya sa tanong ko. "Ex? Hindi, 'no." Sabay iwas niya ng tingin at lumakad nang mabilis papunta sa gitna ng court.

Tinignan ko si Gab at mukhang nakuha niya naman ang meaning ng tingin ko. "Hindi sila mag-ex, Hikari. Friends lang, but let's say, na-friendzoned and kumpare natin dati."

Nagpanting bigla 'yong tenga ko sa impormasyon na sinabi ni Gab. Siguro maiisip ko pang nabasted si Kleinder sa babae dati, pero si Franchezka? Never pumasok sa isip kong deserve niyang gawin 'yon sa kanya.

Pinaglalaro kami ni sir ng volleyball, at kamalas-malasan lang dahil mga babae naman ang pinapalaro niya. Kakampi ko si Czarina at naka-pwesto ang team namin sa court na katapat ng bleacher na inuupan ni Kleinder. Not to mention katabi niya si Franchezka.

May oras na naliligaw ang mata ko sa kanila habang naglalaro kami. Nagpipicturan pa silang dalawa gamit ang cellphone ng babae. Nakaramdam lalo ako ng pagkairita nang siya talaga mismo ang may hawak ng cellphone at halata mong komportabe na sila sa isa't isa.

Well, who can beat history?

"Hikari! Ikaw naman magserve," sabi ng teammate ko at tumango lang ako.

Pumwesto ako sa bandang dulo ng court namin at inilahad 'yong bola. Ni-reready ko na 'yong kamao ko para sa pagserve. Pagtingin ko kila sa bleachers, tumayo si Franchezka sa kinauupuan pero natapilok siya kaya nasalo siya sa magkabilang kamay ni KJleinder.

That really trigger my inner wickedness.

I never knew na may nag-eexist na palang taong higad. Nakita kong nagsalita si Kleinder mula sa pwesto nila at tinanong siya pero tumango lang 'yong babae. Habang nakatitig ako sa mukha ni Franchezka, may naalala ako. Kaya pala pamilyar siya sa'kin.

"Serve na Hikari!" sigaw ni Czarina kaya bumalik ako sa reality.

So, I serve the ball. Napalakas yata 'yong pagtira ko kasi sumapok sa bubong ng court 'yong bola at umabot hanggang sa bleachers. I hear gasps. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumaya dahil sumakto kay Franchezka ang pagkasapul ng bola kahit hindi ko sinasadya. Honestly, nakaramdam ako ng kakaibang klase ng kaligayahan na ako lang ang makakaintindi.

Patago akong ngumisi.

I'm sure she murmurs the word 'ouch'. Napahawak siya sa ulo niya at napaupo mula sa pagkakatayo. Ito namang si Kleinder, saglit na tumingin sa'kin na may pagtataka at may sinabi sa babae. May lalaking kumuha ng bola at pinagulong pabalik sa amin.

"Sorry!" sigaw ko pero, syempre nakangiti ako.

Pagkatapos ng volleybal, lumapit ako kila Kleinder dahil doon sa upuan nila nakapatong ang bag ko. Pagdating ko, nginitian ko agad si Franchezka.

"I'm sorry nga pala kanina," sabi ko.

Kumunot ang noo ni Kleinder sa'kin dahil naninibago siya sa tono ng pananalita ko. Isa pa, alam niyang hindi ako mahilig mag-sorry.

"O-okay lang ako." Ngumiti rin naman Franchezka.

Pag-abot namin sa gate, nagpaalam na 'yong babae na 'yon samin dahil may pupuntahan pa raw siya. Pag-alis niya, inasar nila Gab si Kleinder kung bakit di raw niya hinatid, e, nag-iisa lang si Frachezka sa daan. Gusto ko sanang sumagot na 'hello, maliwanag pa naman, imposibleng may dumukot sa kanya.'

"Bakit ko ihahatid?" tanong niya sa kanila habang nagta-type sa cellphone na para bang wala siyang paki. "Malaki na siya; di na siya baby."

Habang naglalakad kami, may kotseng biglang huminto sa harap naming apat. Nakilala ko na agad ang sasakyan at hinihintay ko kung sino ang lalabas. It turns out na driver ni Dad ang nasa harap ko. Binuksan niya 'yong pinto sa backseat at pinasasakay niya ako.

Silang tatlo naman, gulat na gulat. "Wow, kelan ka pa nagkaroon ng service?" takang-taka na tanong ni Czarina sakin.

"I don't have any idea," sabi ko lang. Humakbang ako at lumapit do'n sa driver. "Ano 'to?"

"Simula ngayon, assigned na po akong magsundo at maghatid sa iyo, as authorized by your father."

Napasinghal lang ako. "Ano? Anong kalokohan 'to? Kaya ko namang umuwi mag-isa at ako ang magdedesisyon kung anong oras ako uuwi. Hindi ako kinder or prep para ganituhin."

"I'm sorry, pero 'yon po ang sabi ng Papa mo. Mas mabuti kung sasakay ka na sa loob."

I roll my eyes and sigh. Humarap ulit ako sa kanila tapos si Kleinder naman, parang wala sa mood kaya nag-wave na lang ako sa kanila. Sumakay ako sa loob kahit pa labag sa loob ko dahil kung tutuusin, gusto ko pa maglakwatsa at maglaro sa Jamieson's, kaya lang wala akong magagawa ngayon.

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon