EDITED (c) Shupershimmer
***
"Ano ba! Di ka ba titigil? Nylan naman!" sigaw ko pero di niya pinakinggan ang pakiusap ko.
"Ako ang boyfriend mo. Kaya may date tayo ngayon."
Nag-iba 'yong boses niya habang sinasabi 'yon. He's like scaring me. But I'm not scared. Ang kapal ng mukha niya. "Date your face, and wala akong natatandaang naging tayo. Bitawan mo nga ko."
Nanlalaban ako sa kanya no'n at nakakahiya lang dahil may iilang estudyante na pinagtitinginan kami lalo na sa quadrangle. May isang fourth year guy pa nga ang kusang lumapit sa'min para tulungan ako pero sa isang tulak lang ni Nylan, halos mapaupo siya sa sahig.
"Ba't mo siya tinulak?" sigaw ko pagkalagpas namin sa lalaking 'yon.
"Pakialamero kasi."
Pagdating namin sa hilera ng mga sasakyan sa parking lot, lumapit siya sa isang sasakyan at pinilit akong pasakayin sa passenger's seat.
"Ayoko. May klase ako," tanggi ko.
"Edi mag-cut ka." Tinaasan ko agad siya ng kilay sa sinagot niya. "Ditch in your class. What's wrong with that? Diba gawain mo naman ang mag-cutting classes?"
"Ayoko."
Chance ko na sanang makatakbo pero sapilitan niya akong tinulak paloob ng sasakyan at agad na kinabitan ng seatbelt. Tinignan ko siya nang masama habang magkadikit ang mukha namin.
"You can't fight me. You know that," sabi niya saka ako binigyan ng mabilis na halik.
I almost gag when he closes the door. Pumasok siya sa driver's seat nang nakangiti sa'kin at pinaandar ang engine.
Nylan has always been the severe pain in my ass. Anak siya ng ninong ko na may-ari nitong school. Kaya gano'n na lang siya kasiga kanina sa loob. The only good thing is that he's in college-repeating for 2 years already-so I don't have to see him around the campus. Pero mukhang mali ang hinala ko.
Totoo. Self-proclaimed niya na may relasyon kaming dalawa kahit ano'ng gawin ko. Ilang beses ko na ring tinatakasan ang mga inuutusan niyang humanap sa'kin para lang masampal sa kanya 'yong katotohanang walang kami. At never magkaroon ng kami. Asa naman siyang papatol ako sa gaya niya.
And... Nylan is one of the seniors in a large fraternity in their university. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako makalaban sa kanya.
Actually, someone once adopted in their group. Because of mere curiosity and granted security, I tried to join. First year ako no'n nang maramdaman ang feeling na siga sa school. Oo, masaya kasi walang lalaban pag alam nilang may back-up ka.
I only hurt a person if they deserved to. Ang iba sa'min, nananakit kahit walang dahilan. Naka-witness na rin ako ng initiations, at totoong nakakakilabot pag ikaw mismo ang nakakakita. There were times I had to close my eyes when they hit the newbies with thick, hard paddles. I've seen how Nylan almost killed a vulnerable student. I've seen him slapped a girl right in front of everybody. I've seen them hurt people anytime they feel to do so.
But I admit I had friends. Or so I think they feel the same way. Later on, naglie-low ako lalo na nang ma-kick out ako sa school. Isa pa, nalaman ni Dad ang mga ginagawa kong extra-curricular activities kaya galit nagalit siya sa'kin.
Pero may mga oras na nakakasama ko ang ilan sa kanila. Especially on their birthday parties. Kaya nga kumukulo ang dugo ng Dad ko pag nalalaman niyang nakakasama ko si Nylan kahit magkumpare pa sila ng Daddy nito.
Huminto kami sa pamilyar na lugar. Malayo pa lang alam kong nasa clubhouse kami.
"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko pero syempre, inalis ko at tinignan ko siya nang masama.
"Kaya kong maglakad nang mag-isa."
Inunahan ko siyang maglakad at nagtungo sa clubhouse na malapit sa bahay ni Nylan. Pagpasok ko, puro usok at amoy alak. Sa sobrang sama ng amoy, tinakpan ko 'yong ilong ko at nagulat 'yong ibang nakakakilala sa'kin nang makita ko.
"Wow, Hikari, you're back!" Tumayo pa si Eya na may hawak na sigarilyo at niyakap ako.
Umupo na agad ako sa bakanteng upuan at nakita ang tagay na nasa mesa. Ininom ko 'yon nang isang lagukan.
"Oh, chill lang, Hikari!" awat ni Lourd pero di ko siya pinansin.
Somehow, I miss this atmosphere. 'Yong malaya ako. 'Yong nagagawa ko 'yong gusto ko without hesitations. Kahit na sabihan ako ng ibang tao na 'walang kwentang tao. I know. I feel it na parang wala na talagang patutunguhan ang buhay ko. Sila lang kasi 'yong mga taong nakakasama ko at nakakaintindi sa'kin. Should I say more?
"Tabi!" Tinulak ni Nylan ang lalaking katabi ko at umupo siya sabay akbay sa'kin.
"Get off me." Tinitigan ko siya at mukhang nadaan naman siya sa sinabi ko kaya inalis niya ang kamay niya sa balikat ko.
Dumukot siya ng yosi. "You want?"
"No, thanks."
Ironically, hindi talaga ako natutong manigarilyo kahit pa todo ang pang-iimpluwensya nila. Hanggang alak lang talaga ako. Ayoko kasi gayahin ang mama ko na namatay dahil sa labi na paninigarilyo. Tsaka, babae parin naman ako. I have my limits. Somehow, may respeto pa naman ako sa sarili ko. Siguro 'yon na lang ang bagay na meron ako, ang pakababae ko.
Maghapon ako na nakatambay kasama sila. Kwentuhan. Drinks. Kantahan. Pero syempre di ako kasama sa kumanta. Alas-syete narin kami nagsiuwian.
"Salamat sa hatid," sabi ko sabay labas ng kotse ni Nylan. Bago pa man ako makapag-door bell, narinig kong nagbukas siya ng pinto at bumaba ng sasakyan.
Tinitigan niya lang ako pagkarating sa harap ko. Nung napansin kong balak niya na akong halikan dahil mag-li-lean forward na siya, umiwas agad ako. Minsan gago rin 'tong si Nylan. Hindi. Palagi pala.
Step mother ko ang nagbukas ng gate at nilagpasan ko lang siya papasok sa loob. Hindi ko na nga narinig ang sinabi niya. Pagpasok ko ng bahay, bumungad sa'kin si Dad na nakatayo sa sala. Lumapit lang siya sa'kin saka ako sinampal.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Fiksi RemajaShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...