Kabanata 19

16.8K 218 8
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***

Ngumiti lang siya at tinaas pa ang isang kamay para batiin ako. Bakit nasa bahay si Kleinder?

"Nagpunta ako sa school ninyo kanina para tignan in-sponsor nating pinatatayong building. Hinanap kita kanina pero sabi ng teacher mo absent ka raw. Sabi nitong si Kleinder, e lumabas ka raw ng school para bumili ng materials sa project." Natawa si Daddy. "Bihira lang yata akong makarinig na busy ka sa school at projects, Hikari."

Kumunot ang nook o at tinignan si Kleinder for clarification. Hindi gaya sa'kin, nakangiti pa siya habang nakaupo sa malaking couch, katabi ang bag niya.

"And, sinabi niya sa'kin na rush pala 'yon at kailangan ninyong tapusin, kaya sinama ko na siya." Tumingin si Dad sa relos niya at bumaling kay Kleinder. "Mag-aalas diyes na. Baka abutin kayo ng madaling araw, iho."

"Okay lang ho, tatapusin na lang namin, madali lang naman 'yon." Tumingin si Kleinder sa'kin. "Nakahanap ka ba?"

Ilang segundo bago ako nakasagot. "Ha? O-Oo, medyo nahirapan ako sa paghahanap."

"Tutal, narito ka na rin lang, ipapaalam kita sa mga magulang mo na kung pwede, mag-overnight ka na rito dahil gagawa kayo ng project ni Hikari," sabi ni Dad.

I hate his tone, seriously. Parang hindi siya 'yong Dad na kumakausap sa'kin kada late na uwi ko. Parang excited siya dahil sa narinig niyang gagawa kami ng project. Siguro naninibago siya kaya ganito na lang siya kung umarte.

"Ah, e, okay na ho kahit uuwi na lang ako, pagkatapos-" hindi natuloy si Kleinder sa sasabihin niya nang magsalita ang step mother ko.

"Ay naku, iho, hindi pwede. Delikado ngayon lalo na't hatinggabi. 'Di namin baka kung ano pang mangyari sa'yo. Mas safe kung dito ka na magstay." Nginitian niya si Kleinder. "Don't worry, we'll let your parents know."

"Dad naman, wag na! Pauuwiin ko na lang siya," angal ko.

"Akala ko ba kailangan ninyong matapos ang gagawin ninyo?" Tumingin naman siya kay Kleinder. "Tutal nasa field trip si Megumi, do'n ka muna matulog sa kama niya. Under renovation pa kasi ang guest room kaya doon ka muna matulog pagkatapos."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Kleinder at napalitan ng panic. Hindi masyadong obvious, pero alam kong hindi niya inaasahan ang sinasabi ngayon ng Daddy ko. Gusto ko tuloy siyang sunggaban at sapakin sa mukha ngayon.

I chime in. "Dad! Meg's bed is in my room!"

Nilingon naman niya ako. "I know. At katabi lang ng kwarto namin ang kwarto niyong magkapatid. Do I have to feel bad about leaving you with him?"

Hindi na ako nakapagsalita. Nilingon ni Daddy si Kleinder at sinabing gawin ang dapat naming gawin. Pagkatapos, matulog daw agad. Kapag nalaman daw niyang may ginawa kaming hindi niya magugustuhan, malalagot si Kleinder. Hindi naiwasang mamula habang sinasabi niya 'yon sa harap namin-lalo naman si Kleinder na kanina pa hindi mapakali sa mga kamay niya.

"Paano? Una na ko sa kwarto dahil may tatapusin pa ako, okay? Kayo na bahala. Mommy, ipaghanda mo ako ng coffee," sabi ni Dad.

Tumayo ang step mother ko at pumuntang kusina. Kaming dalawa na lang ni Kleinder ang naiwan kaya tinignan ko siya nang masama. Nagawa niya pang mag-peace sign and binulong ang salitang 'sorry.'

Umakyat ako sa kwarto namin ni Megumi at padabog na binuksan ang pinto. Sinadya kasi ni Dad na pagsamahin sa iisang kwart ang kama namin kaya nagulat talaga ako nang sabihin niyang dito rin matutulog si Kleinder. Bakit ba kasi ngayon pa siya umalis ng bahay ang babaeng 'yon?

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon