EDITED (c) Shupershimmer
***
KLEINDER
The next following days, bumibisita ang mga kaibigan ko pati si Hikari. Sabi ng doctor, once na naalis na ang mga benda sa dibdib ko, pwede na akong bumalik sa bahay.
Somehow, I feel bad na nag-New Year si Hikari sa hospital. But she whispered to me that night that she's happy more than she can ever imagine.
Pagkatapos kong kumain ng lunch, with the help of Hikari, pinakwento niya sa'kin lahat ng nangyari, at lahat ng naaalala ko bago ako naaksidente. Noong una nagtaka ako kung bakit niya gustong malaman, pero nakiusap siyang sabihin ko.
Pinaliwanag ko na lumabas kami ni Drake para mag-skateboard sa labas. Hanggang sa may narinig akong humaharurot na motor at paglingon ko, bumunggo na 'yon sa'kin.
Bukod doon, wala na akong maalala.
"Ano ka ba, okay na 'ko." I cheer her up. "Ngumiti ka naman para sakin. Hm?"
Hindi siya ngumiti.
"Ngingiti na 'yaaaaaaaaaan," pang-aasar ko pa.
Tinapik niya ang kamay ko tapos yumuko siya habang natatawa. See! I can make her smile! Narinig ko pang bumulong siya. "Baliw."
"Prettier than ever."
Medyo nadisappoint ako nang nawala kaagad ang ngiti niya. Para bang napilitan lang siya sa'kin.
"May kailangan kang malaman, KJ." Napayuko siya. "I know it sounds ridiculous, but it's true."
Naguluhan ako sa pagiging seryoso niya.
"'Yong nangyari sa'yo," panimula niya. "H-Hindi siya aksidente."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
She stressfully sighs. "I swear, kahit ako hindi ako mapaniwalang magagawa niya 'to sa'yo. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak niya para gawin 'to sa'yo."
Hinawakan ko ang isang kamay niya. "Wait, hindi ko maintindihan."
Tumingin siya sa'kin, at tinitigan ako. "Si Franchezka. Siya ang may pakana kung bakit ka naaksidente. M-May inutusan siyang lalaki para bungguin ka ng motor."
"Ano'ng sinasabi mo?"
Siya na ngayon ang humawak sa kamay ko na parang kinukumbinsi ako. "KJ, maniwala ka sa'kin. Habang tulog ka, nakita ko si Franchezka na may kasamang lalaki. Your Dad told me it's a red motorcycle, right? 'Yon mismo ang gamit ng kaangkas ni Franchezka."
Napaiwas ako sa titig niya. "Maybe it's coincidence. It's not the only red motorcycle in-"
"You have to believe me!" she shrieks back. "Nakausap ko mismo-"
"Stop," mariing sabi ko at napahinto siya. "Stop this nonsense, Hikari."
"Nagsasabi ako ng totoo..."
"'Wag na natin 'tong pag-usapan. Ayokong nagkakasiraan kayo ni Franchezka. Alam kong masama ang loob mo sa kanya dahil sa ginawa niya sa'yo, pero hindi mo siya kailangang gantihan." Huminga ako nang malalim. "You can do better, Hikari. You can't just point fingers to blame others."
I quickly feel the pang of regret as soon as she removes her hands on mine. Pagtingin ko sa kanya, pinunasan niya agad ang luhang nagbabadya sa mata niya.
"I have to leave," sabi niya. "Kailangan kong pumunta ng airport dahil paparating na mamaya sina Dad galing Japan."
Magsasalita pa sana ako nang kinuha niya ang bag niya at mabilis na lumabas ng kwarto. Gano'ng lang kabilis, wala na siya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
TienerfictieShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...