EDITED
***
Mag-iisang linggo ko nang nakakatabi sa upuan si Hikari pero hanggang ngayon hindi niya ako kinakausap. Minsan parang wala talaga siya sa upuan niya dahil hindi siya umiimik. Ako kasi may pagkamadaldal-madalas kong kausap ang mga nakakatabi ko sa klase. Siya lang ang hindi.
Maririnig ko lang ang boses ni Hikari kapag sasabihing, "Ano oras na?" "Time na ba?" 'yon at 'yon lang. Paulit-ulit. Wala rin akong napapansin na kaklase naming nakakasalamuha niiya. Wala as in. Pero hindi naman siya mukhang loner-introvert lang yata talaga.
"Bring out your journal booklet," Mrs. Rios, our English teacher, commands.
Nilabas ko na agad ang booklet ko mula sa bag. Mrs. Rios is one of the terror teachers in the campus. Unfortunately, na-assign siya samin. Lahat kami, sanay na sa teacher na 'to. Pag may gamit siyang pinadadala, you must bring it. Or else, may parusa. I'm once punished but I swore to never do that again.
"So, did all of you bring your journal?" Mataray niyang tanong habang naglalakad sa mga column.
Napansin kong walang kahit ano'ng journal na nakapatong sa arm chair ni Hikari. Ni wala ngang sign of worry sa mukha niya-mas mukha siyang relaxed kaysa sakin.
"Uy, ilabas mo na journal mo. Masungit yan," bulong ko pero tinignan niya lang ako nang masama. "Bahala ka."
"Girl with a ponytailed hair at the back," sabi ni ma'am at sigurado akong katabi ko 'yon.
"You!" she points at her. "Stand up."
May binulong si Hikari pero di ko narinig. Tumayo naman siya habang nakahalukipkip ang mga kamay-the attitude.
"Where's your filler?"
"Wala."
"I thought we're in English class," ngumiti si Ma'am. "Speak in English."
"I don't have it." Di ko alam kung napansin ng teacher na umikot ang mga mata ni Hikari pagkatapos niyang magsalita.
"You don't have it? Maybe you also forgot wearing underwear?" Natawa 'yong iba sa sinabi ma'am.
Imbes na tumahimik, nagawa pang ngumisi ng katabi ko sa harap ng buong klase. "For your information, I am just a transferee here and I don't know that you we have to bring that... shit." Hininaan ni Hikari 'yong last word.
Tumaas ang kilay ni Ma'am sa kanya. Suddenly, naramdaman ng buong klase ang tension. Parang guston kong hilain na lang si Hikari paupo.
"You're new, and you're acting that way?"
"How am I supposed to act?"
Napakurap kaming lahat sa sinabi ni Hikari. I am startled, and at the same time amazed. Siya ang kauna-unahang estudyanteng nagsalita nang ganyan kay Mrs. Rios.
"Sit down," she snaps, walking to the front. "Due to your so-kind manner. I'm giving you 75 to your assignment." She pauses. "And a punishment."
May kinuha si ma'am na isang makapal na libro sa table niya saka lumapit ulit sa pwesto ni Hikari. Nilapag niya 'yon nang malakas sa mesa kaya pati ako nagulat.
"I want you to do a book report," sabi ni ma'am. "Deadline next week."
Umupo na si Hikari at parang walang nangyari. Para bang wala siyang pakialam sa 75 na ibibigay sa kanya. Kung ganyan mangyayari sa iba kong kaklase, baka nagmakaawa na sila. Hindi uso ang 75 na assignment grade pag nasa cream section.
"Sabi sayo, e," mahinahong bulong ko sa katabi ko.
"I don't care," sabi niya nang nakatingin sa harap. "Wala naman siyang kwentang teacher."
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...