EDITED (c) Shupershimmer
***
Nagising ako bandang 12 o'clock at nasa kwarto sina Czarina. Kaninang 10 pa pala sila nandito kaya niyaya nila akong kumain sa labas.
Lahat kami malungkot sa nangyari kay Kleinder at paulit-ulit nilang sinabi sa'kin na magiging okay din ang lahat-na gigising din siya. Of course, I'm glad they're here.
"Hikari, balitaan mo kami kung ano'ng progress, ha?" Niyakap ako ni Czarina. "Good bye."
Nagpaalam narin sina Rex at Gab saka ako bumalik sa loob ng hospital. Pagsakay ko ng elevator, pipindutin ko na sana ang 3rd floor nang matigilan ako sa sumulpot sa harap ko at sumakay din siya sa loob.
"Kumusta si Jake?"
Di ko nilingon si Franchezka. "Stable."
"I can't believe it has to happen in the middle of such a happy season." Nilipat nya sa kabilang kamay 'yong fruit basket na hawak niya. "Kanina ko pa sana siya bibisitihan kaya lang busy sa bahay dahil katatapos lang ng Christmas."
Bakit ba kung makapagsalita 'to, parang walang kasalanan sa'kin?
Pagbukas ng elevator, narinig ko siyang magsalita.
"Look. Wag mong masamain ang pagpunta ko, Hikari. Kahit papaano, kaibigan ko siya at gusto ko lang siyang bisitahin." Ngumiti siya sa'kin at naunang lumabas.
Habang naglalakad siya papunta sa way ng room ni Kleinder, nasa likod lang ako. Nauna siyang pumasok at nagdalawang-isip akong sumunod-baka hindi ko kayaning tumagal sa kwarto kasama ang babaeng 'yan.
But I'm the girlfriend. Siguro naman may karapatan akong pumasok? Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko 'yong usapan nila ng Mommy ni Kleinder.
"Pansin ko nga rin... for the past few months, laging nadidisgrasya 'tong batang 'to. Kung di mabubugbog, masasagasaan ng motor. Ewan ko ba."
"Sana pala di nalang ako lumipat ng school," Franchezka chuckles. "Dati kasi nung classmate kami napagbabawalan ko 'yan. Takot 'yan sakin, e."
"Di naman siya palaaway na bata, well, as far as I know. Ngayon lang talaga siya medyo napapahamak."
"Baka dahil na rin sa environment, Tita." Tita. Wow. "'Yong mga taong nakaka-influence sa kanya, lalo na 'yong mga mas madalas niyang kasama. Normal na po 'yon sa teenagers tsa-"
Umalis ako sa pwesto na 'yon. Ayoko sanang i-conclude kung anong gustong palabasin ng babaeng 'yon pero hindi ko maiwasang isipin na ako 'yong tinutukoy niyang 'influence'. Excuse me? Never kong dinamay si Kleinder sa mga naging kalokohan ko. Never.
Pero kung sa point na nadadawit si Kleinder dahil sakin, well, nangyari nga pero nakalimutan niya bang muntik ng saksakin ni Andrew si Kleinder dahil sa kabaliwan niya? Geez. I can't believe her.
"Bakit di ka pumasok?"
Franchezka interrupts my thoughts. Umayos ako ng pagkakaupo sa upuan.
"Ayokong makaistorbo," sagot ko
Huminga siya nang malalim at umupo sa tabi. "I really don't know why did it have to happen to him, of all people." Lumingon siya sa'kin. "Alam mo... not to surprise you pero inasahan kong mangyayari 'to."
Napakurap ako sa sinabi niya. What? Inexpect niya 'to? Did she pray for this to happen?
"I don't know kung sinabi sayo ni Jake 'to..." Sumandal siya at hindi na tumingin sa'kin. "Sinabihan ko siya before na mag-ingat."
Hindi ko pinahalata sakanya na wala akong alam sa kung ano man ang napag-usapan nila. Though, walang binanggit si Kleinder sa'kin bago ako pumunta ng Japan.
"Mag-ingat saan?"
"Alam mo ba nung sinabi ko 'yon kay Jake, hindi niya ako pinaniwalaan?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. "...dahil akala niya nanloloko na naman ako. Akala niya kasi, sisiraan na naman kita."
She smirks at me. Why do I feel uneasy whenever she smirks?
Ilang sandali pa, nagsalita na naman siya. "Hindi ako naniniwalang aksidente lang ang nangyari kay Kleinder. Malakas ang kutob kong sinadyang sagasaan siya."
"Ano'ng ebidensya mo?"
Tumayo siya bitbit ang pouch bag na bitbit niya. "Bakit di mo tanungin ang Nylan mo?"
My eyes squint at her. "Ano'ng kinalaman niya rito? Ano bang alam mo?"
"Diba mahilig naman talaga kayo sa basag-ulo?" May kung ano sa boses niya na nakakairita sakin. "Ganyan ka ba ka-clueless? Dahil sa'yo nasasaktan si Jake. At ngayon gusto mo pa syang patayin?"
"Excuse me?"
Tumayo ako at hinarap siya.
"Bakit?" Matapang na sagot niya. "Kayo lang naman may kasalanan sa mga nangyayari kay Jake, diba? Diba trip ka ng Nylan na 'yon? Di na ako magtataka kung siya ang may gawa nito." She grits her teeth. "Dahil sayo, nagkanda-leche leche si Jake! Hindi naman siya ganyan dati!"
I muster all the courage and strength to slap her hard. This, I know, is what she deserves.
"'Wag mo kong pagsalitaan na parang hindi mo rin napahamak si Kleinder dati," naiinis na sabi ko.
"Maghintay ka dahil darating ang point na marerealize ni Jake na mas safe ang buhay niya pag wala ka."
Sa sobrang pagod ko hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa. Tinungkod ko ang siko ko at dahan-dahang tumayo. Kinuha ko rin ang cellphone ko sa uluhan ko at tinignan ang oras-alas otso na pala ng gabi.
Matapos kong makausap (masampal, I mean) si Franchezka, pumayag ang Mommy ni Kleinder na umuwi ako sa bahay para makapagahinga. Isa pa, ayokong makisiksik sa family niya dahil nag-advise ang doctor na bawasan anag mga pumapasok sa kwarto niya.
Until now, pinag-iisipan ko kung dapat ko bang puntahan si Nylan. Ayoko siyang makita, pero hindi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman.
Napa-snap ang daliri ko nang makaisip ako ng ideya. Pumunta ako sa contacts at hinanap ang number ni Andrew.
"Hikari?" Halatang nagulat siya sa tawag ko. "B-Bakit ka tumawag?"
Of course, I still hate him for hurting Kleinder the last time. But for some reasons, I think I have to set this aside.
"Gusto mo bang mapatawad kita sa ginawa mo kay Kleinder?" diretsong tanong ko.
"What do you mean?"
I can say he's in the clubhouse, or somewhere like that. Maingay ang background at kailangan niyang sumigaw.
"Kailangan nating mag-usap," sabi ko.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...