EDITED (c) Shupershimmer
***
Pumasok ako sa loob, at nakakakita ng ibang mga kakilala. May iba nga na nagulat at sinabi sakin na wala raw si Nylan-as if he's the only reason why I come here. Hindi ko na tinanong kung saan siya pumunta. At least, wala. Mas payapa ang buhay ko.
Naupo ako sa isang sulok katapat ang isang bote ng alak na sa totoo lang wala akong balak inumin.
"Wow, bumalik ka." Napalingon ako sa lalaking paparating-si Andrew. Ngumiti lang ako pero pilit. "Uh, wala si Nylan, e. Kaaalis lang."
"Please, hindi siya ang pinunta ko rito."
Tumaas ang kilay ni Andrew habang umuupo sa tabi ko. Kinuha niya ang alak sa harap ko at binuksan 'yon. "Kung gano'n, ako ba pinunta mo?"
Of course I know it's a playful, naughty joke, but I can't laugh now.
Nang mapansin niyang wala ako sa mood makipaglaro, nagtanong siya. "Saan ka galing? Nylan has been looking for you. That bastard!"
"Japan."
"Ah."
"Do you have... you know... a relationship with him?" Natawa ako dun. Somehow, may pagkainosente rin pala 'to.
"No. Never," plain lang 'yong sagot ko.
Tumango lang siya habang nakatingin sa iniinom niya. I'm glad he doesn't ask why. Sawa na akong mag-explain kung bakit hindi ko kailanman natipuhan si Nylan.
"Si Franchezka? Kamusta na kayo?"
Naisipan ko lang na itanong dahil baka may alam siya na nasa hospital ngayon ang girlfriend niya. Though, obviously, wala siyang alam. Kasi kung meron, wala sana siya rito. Muntik ko nang masabi na kagagaling ko lang doon.
He shot one glass. "Wala na kami no'n 'dre." Nilagay niya 'yong thumb niya sa leegan niya at nag-gesture siya ng pagpugot sa ulo with matching freaky sound.
"Bakit? Diba nabanggit mo siya noong nakaraan?"
"Wala lang. Ayoko na. Timer ang puta." Tumawa pa siya.
Tama naman siya. He has a point there. He has been played and to think na napaglaruan ng isang babae ang isang gangster tulad niya... that is a bit painful, sa ego, as a man.
"When did you break up? Paano mo hiniwalayan?"
He seems quite uncomfortable about me asking this but I don't care.
Ang tagal niya bago makasagot. Parang nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba sa'kin. Bigla siyang nag-grin at lalo akong na-curios dahil sa gesture niya. It has something.
"Nung Sunday night."
"Paano?"
Natawa siya nang bahagya tapos pinatong niya 'yong kamay niya sa balikat ko. "Sa tingin mo, paano ba makipag-break ang isang gangster na niloko ng girlfriend niya?"
Bumitaw siya. Ako naman, napalunok na lang nang mag-register sa utak ko ang tanong niya. Paano ba makipag-break ang isang gangster lalo na kung niloko siya?
"You mean, sinaktan mo si Franchezka?"
He smirks. "You finally got it. I guess she deserved it, and that guy... named Bryan, he deserved it. Alam mo, minahal ko naman 'yong puta na 'yon. Malandi nga lang. I hate sharing what's mine, Hikari."
Kung totoo ang sinasabi ni Andrew, ibig sabihin hindi lang pala si Kleinder ang fini-flirt niya. Oh, I want to use the term.
Then he leaves. Naibagsak ko naman 'yong ulo ko sa table sa sobrang stress. Andrew and Franchezka broke up kaya sinaktan siya... and now she's trying to put the blame on me. Ano bang purpose ng babaeng 'yon? Para ba makuha ang loob ni Kleinder?
The weekend passed without Kleinder texting me. Inasahan ko na 'yon, pero hindi ako titigil hangga't hindi ko nalilinis ang pangalan ko. Pumunta ako sa hospital para kausapin si Franchezka. Kailangan niyang malaman na hindi ako nakikipaglaro sa kanya.
"Oh." Nagulat ata siya nung dumating ako. Napansin ko, wala si Kleinder ngayon. Atleast, makakausap ko siya nang maayos. "Hindi ko ini-expect na bibisita ka."
"I'll say it straight dahil 'yon naman talaga pakay ko," panimula ko. "Sinabi sa'kin ni Kleinder na sinabi mong... narinig mong sinabi ng mga lalaking nanakit sa'yo ang pangalan ko; na akong ang gustong manakita sayo."
Obviously, umiiwas siya. "Hikari, I want to rest. Ayokong pag-usapan 'yong araw na nangyari 'yon."
"Nagsinungaling ka, diba? Hindi ako ang may kasalanan sayo. Wala akong inutusan at hindi grupo ng mga lalake ang nanakit sayo. Tama ba ako?"
Na-corner ko siya. Hindi na siya makasagot at namutla na siya.
"Ano ka ba... limang lalake sila, tsaka totoong nabanggit nila ang pangalan mo." Humigpit ang hawak niya sa kumot. "Kung galit si Kleinder sa'yo, hindi ko kasalanan 'yon. Totoong binanggit ka nila!"
Bumilog ang kamao ko at naitulak ko siya sa balikat. "Napakasinungaling mo!"
"Ano ba! Lumabas ka na nga!"
"Hindi ko kasalanan ang nangyari sa'yo," galit na sabi ko. "Hindi ako ang timer dito, at hindi ako ang nanloko kay Andrew." Nagulat siya sa pangalang sinabi ko. "Do you think wala akong alam?"
Maya-maya pa, nagbukas ang pinto at may pumigil sa kanya sa pagtulak sa'kin. Si Kleinder. Nakuha pang umiyak ni Franchezka habang pinapakalma siya. Lalo lang umiinit ang dugo ko sa pag-arte niya. Kung wala lang ako sa hospital, baka nasaktan ko na siya.
"Hikari, lumabas ka na."
I ignore Kleinder's word despite the fact that it shatters me inside.
"Ba't di mo sabihin ang totoo sa kanya?" baling k okay Franchezka. "Ba't di mo sabihing si Andrew ang may gawa niyan sayo at hindi ako, ha?"
"Ano ba! Labas na sabi!" sigaw ni Kleinder sa'kin.
First time ko lang siyang narinig na sumigaw sa'kin nang gano'n. Nanggigil ako at pinipigilan ko lang maiyak sa harap niya. Ayokong makita ni Franchezka na nananalo siya. Tinitigan ko si Kleinder pero pursigido siyang palabasin ako kaya wala rin akong nagawa kundi sumunod.
Napasandal ako sa pader atsaka huminga nang malalim. Di ako makapaniwala sa ginagawa niya. Paano niya nagawang kampihan ang babaeng 'yon?
Bumaba ako sa ground floor nang makahingan ako nang maluwag. I walk with hate. I hate Franchezka, I hate Kleinder, and I hate them both. Paglabas ko, nakita ko ang pamilyar na image habang nakatayo siya sa gilid ng sasakyan. Paano niya ako nasundan dito?
"N-nylan?"
Umalis siya sa pagkakasandal niya sa kotse. "Tara."
Napabuntong-hinga lang ako. "Sinusundan mo ba ako?"
He grin confirms it. "So? Ni hindi mo nga sinasagot tawag ko e. Sino bang pinuntahan mo rito?"
Hindi ko siya sinagot. Lumapit siya sa'kin saka ako hinila sa braso. Manlalaban pa sana ako nang makita ko sa peripheral vision kong papalapit sa'kin si Kleinder. Lumingon ako sa kanya, at huminto siya sa paglalakad nang makita niyang hawak ako ni Nylan.
Humarap ako kay Nylan at pilit na ngumiti. "Bitawan mo 'ko. Sasama ako sa'yo."
Yun lang ang sinabi ko tapos akala mo naka-jackpot si Nylan at dali-daling lumapit sa'kin para ihatid ako sa kabilang side ng kotse niya. Nakahawak pa siya sa likuran ko hanggang sa makasakay ako. Hinayaan ko rin siyang magkabit ng seatbelt ko.
Habang ginagawa niya 'yon, nakatanaw ako kay Kleinder na di naman kalayuan. Kita ko sa salamin ng kotse na pinapanuod niya kami (Thank God, tinted ang sasakyan ni Nylan). I'm not sure if he really closes his fists, but I rejoice at the sight.
Later on, yumuko siya at umalis nang tuluyan. Kung di lang dahil sa kagustuhan kong makaganti kay Kleinder, di na sana ako sumama kay Nylan. Bakit sa lahat ng tao, siya pa?
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Ficção AdolescenteShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...