EDITED (c) Shupershimmer
***
HIKARI
Thankfully, two weeks have passed. Nakaupo lang ako ngayon sa klase katabi si Kleinder Jake. Last night, I decided to call him KJ since 'yon naman ang initials niya. Whose parents would give their son as weid as his name? Isa pa, kaugali niya naman ang initial niya.
Kasalukuyan akong naglalaro ng Temple Run sa cellphone nang maistorbo ako bigla nang katabi ko.
"Pwedeng pakitigil ang paglalaro?"
Na-dead tuloy ako nang bumulong siya. Nakagat ko lang ang labi ko sa inis—sayang ang score ko, 100 thousand na! Tinignan ko nang masama si Kleinder na nakatingin na ngayon sa whiteboard at nagsusulat.
"Bakit, di naman kita iniistorbo, ah?"
Tinignan niya ang cellphone kong nakatago sa ilalim ng mesa. "Basta. Kitang nagkaklase, e. Nakakadistract kaya."
I guffaw inaudibly and roll my eyes at him. Sinuksok ko agad sa bulsa ng palda ang phone ko. "Happy?"
"Good." Tumango siya sabay ngiti.
Dumukot na lang ako ng chewing gum sa kabilang bulsa tapos binalatan. Napatingin na naman si Kleinder sa ginagawa ko dahil narinig niya ang ingay gawa ng balot. Damn. Can't he just do whatever he's doing at pabayaan ako?
Inirapan ko na lang siya ulit habang nakatingin parin siya sa'kin. Binalik ko sa bulsa ang chewing gum ko at nanahimik.
"Huy, ilabas mo na 'yong take home exam sa English." Nabalik ako sa ulirat ko nang marinig kong bumulong ang katabi ko.
"Okay."
Nilabas niya 'yong kanya pero di ko dala 'yong akin. Like duh, di mo ko maaasahan sa ganyang bagay. Ewan ko ba kung bakit dito ako nilipat ng mabait kong tatay.
Kung tutuusin, pangatlong lipat ko na 'to ngayong high school. Nag-drop out ako no'ng second year dahil bagsak ang karamihan sa academics ko. Recently, na-kick out naman ako dahil sa nakipag-away ako sa principal. At ngayon, napadpad ako sa school na 'to which is pagmamay-ari ng ninong ko with matching weird people at weird section. And now, I'm stuck with this guy named Kleinder.
"Nasa'n 'yong sa'yo?" tanong niya na parang di siya makapaniwala. "Di mo nasagutan?"
Tumango ako kay Kleinder, at napailing na lang siya. Wala akong paki. Ni hindi ko nga maalala na may binigay pala 'yang teacher na 'yan na take home. Okay lang na pagawain nya ulit ako ng project. Nakapag-pasa na kasi ako ng book report no'ng nakaraan. Luckily, wala akong balitang nahuli ako.
Diretso lang 'yong tingin ko sa board habang nangongolekta si Rios ng mga take home exam. Pagdating samin, nagtanong siya. "Where's yours, Oda?"
Napatingin ako sa ibabaw ng mesa ko na walang laman tapos tumingin ulit ako sa kanya. Napataas ng kilay 'yong matandang kaharap ko at nagsalita na naman.
"So, are you saying you want a failing grade again?"
I'm fighting the urge to yell at her when Kleinder chimes in. "Ma'am, it's my fault." Napalingon agad ako sa kanya. "Um, bitbit ko po kasi ang exam niya kanina... tapos..."
"Why do you have her papers?" tinignan kami nang masama ni Rios. "Copying each other's answers?"
Umiling lang si Kleinder bilang sagot pero binulong ko sa kanya—mahinang-mahina lang—na itigil niya ang ginagawa niya; hindi ako natutuwa. Hindi talaga. Tinanong ni Rios kung ano ang nangyari sa exam ko at mas nawindang ako sa sinagot ni Kleinder sa kanya.
"Hinangin po, nahulog sa kanal." My jaw almost dropped.
"What?"
"It flew away from my hand and badly, it flew on the small creek." Nanlalaki ang mga mata ko sa paliwanag niya. God, marunong naman pala siyang magsinungaling. Kung makasuway sa'kin noong nakaraan, akala mo santo. May plagiarism-plagiarism pang nalalaman!
Tinanggap niya naman ang paliwanag ni Kleinder, kaya lang may failing grade kami sa take home exam. Kung siya namomroblema dahil naka-70 siya, ako hindi. Nakalimutan ko nga agad ang nangyari, e.
Ang punishment, paglilinisin kami ng CR. Gusto ko sanang magprotesta no'ng una pero tinignan ako nang masama ng katabi ko. Tumahimik na lang ako.
"Anong ginawa mo?" pagalit kong tanong habang busy 'yong teacher sa pagsusulat. I keep looking at the blackboard while talking.
Imbes na sagutin 'yong tanong ko, nakita ko sa gilig ng mata ko na napakamot na lang siya ng batok kaya tumingin ako sa kanya nang masama.
"Akala mo ba natutuwa ako sayo?"
"Alam mo, dapat magpasalamat ka na lang dahil hindi mo alam kung ano'ng pwedeng gawin sayo ni Ma'am kapag nalaman niyang di ka na naman gumawa." He emphasizes 'na naman'. Binawi niya ang tingin niya at bumalik sa pagsusulat. "Ikaw na nga 'tong ginawan ng mabuti, ikaw pa galit. Ang labo mo naman yata."
Of course I know he saves my life again off the clip. Pero this time, hindi ko ma-take ang ginawa niya. I can't say thank you to that.
"Well my life is not your fucking business. And I don't have to owe anyone. I don't need help."
I stand up. "I'll go out." Naglakad na ako palabas kahit hindi pa ako binibigyan ng permission na lumabas.
I am walking along the school corridor at mukhang ako lang ang tao. Oras pa kasi para sa third subject at bibihira lang ang mga naglalakad ng ganitong oras. Pero wala na akong ganang bumalik sa ulupong na teacher na 'yon. Dahil bukod sa boring siya, at boring ang subject niya, boring ang pagmumukha niya.
Napahinto ako sa isang malaking bulletin. Isang freedom wall na parang pakana ng isang major club dito. I stop and read some shoutouts and talkshits.
Isa lang masasabi ko: ang kokorni nung mga nagsusulat dito. Halos lahat kasi tungkol sa lovelife nila. Buti pa sila 'yon lang ang iniintindi sa buhay. Mga hopeless romantic. Mga pathetic na tao. Nakakaawa. Kinuha ko 'yong pentel na nasa lagayan at nagsulat din ako.
"LOVE NIYO MUKHA NYO."
Tapos naglakad pa ulit ako hanggang sa may nalikuan akong isa pang corridor. Nakakatawa nga lang. Siguro nang-aasara talaga 'yong tadhana. Akalain mong Bulletin ng Values ang nahintuan ko? Paglingon ko, imbes na maasar ako, nakaramdam ako ng kirot sa puso.
May malaki kasing painting about sa happy family. Gusto kong masuka sa picture pagkakita ko pa lang. Hindi porket malaki ang bahay ng isang pamilya at mayaman or sabihin na nating nakakaangat, it does not necessarily mean na masaya rin 'yong mga nakatira dun. Minsan nga mas miserable pa sa iniisip ng ibang tao.
Why am I thinking of my family anyway? As if they bother to even think of me, too. As if they understand what I really feel. Di ko nga rin alam kung alam ba ng Dad kong may anak siyang Hikari ang pangalan.
Sino nga bang iintindi sa isang hamak na blakcsheep?
Paalis na sana ako sa harap ng bulletin na 'yon nang may humarang sa daraanan ko.
"Nylan?" may gulat na tanong ko.
Bumuntong-hininga siya. "Sinabi ko na nga ba't makikita kita dito, e. Pinahirapan mo na naman ang mga tropa ko," sabi niya sabay akbay sa'kin. "Pinadugo mo pa 'yong ilong ni TJ. Iba ka talaga."
Pinipilit ko namang tanggalin 'yong kamay niya. Paanong nandito siya?
"Bitiwan mo nga ako."
"Bakit, honey?" nang-iinsulto niyang tanong.
"Kadiri. Wag mo kong tatawagin na ganyan," seryosong sabi ko at tinapik ang kamay niya.
I give him a disgusted look and turn my back. Hinila niya ang kamay ko na halos naramdaman ko ang paggalaw ng buto ko sa pulso. Ilang sandali pa, kinakaladkad niya na ako.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Novela JuvenilShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...