EDITED (c) Shupershimmer
***
Lunch break na pero hanggang ngayon hindi pa pumapasok si Hikari. Akala ko pa naman seryoso na siya sa balik school program niya, pero maling hinala yata ako.
Hanggang third subject lang kasi siya pumasok tapos umalis siya nang hindi ko alam (Nagbanyo kasi ako no'n at pagbalik ko, bakante na upuan niya). I admit, wala ako sa mood siguro dahil wala akong katabi. O baka dahil gusto ko lang talaga na nakikita siya.
Kagabi lang, habang nanunuod kami ni Drake ng TV sa sala ng isang anime, walang ibang laman ang utak ko kundi si Hikari. Baduy na kung baduy pero 'yon talaga ang totoo. Nagkataon pa kasing kapangalan niya ang isa sa mga bida na pinapanuod namin kaya talagang sasagi siya sa isip ko.
Naalala ko noong niyakap ko siya sa bahay ni Rex-I want that again. I'm afraid I'll be wanting more of her.
Kinuha ko 'yong phone ko para sana i-text siya, nang may nagsalita sa tabi ko. "Wow Jake, ang nice naman ng wallpaper mo. Sino nga ulit siya?"
Napatingin ako sa katabi ko ni Franchezka. Nakalimutan ko nang may kasama pala kami nina Gab dahil kanina pa ako lutan. Sumabay siya sa'min mag-lunch dahil kami lang naman daw ang close niya sa school na 'to.
Binaling ang tingin ko doon sa wallpaper ko kung saan kasama ko si Hikari, noong bumili kami ng cellphone niya. Tinesting kasi niya ang front camera bago binili. Ginawa kong wallpaper ang picture namin pagkatapos niyang i-send sa'kin dahil ang gwapo ko do'n-I mean, hindi naman sa pagyayabang.
Napangiti ako pagtingin sa mukha ni Hikari na naka-duckface sa tabi ko. "Ah, ito? Si Hikari. Diba nagkita na kayo no'ng nakaraan?" Tumango sya.
"Ang sweet niyo d'yan," alanganing sabi niya hawak ang tinidor. "Uh, girlfriend mo?"
"Kami? Hindi, ah. Ang gwapo kasi rito, tignan mo." Pinakita ko sa kanya. "See?"
"Sus, di ka pa rin nagbabago."
May tinanong si Czarina kay Franchezka tungkol sa contest kaya bumalik ako sa naudlot kong pagte-text kay Hikari. Tinanong ko lang kung saan siya nagpunta samantalang katabi ko siya kanina.
"Crush mo ba siya?"
Napaurong ako sa pwesto ko at nagulat na naman. Buti na lang mahina ang tanong ni Franchezka at di narinig nila Czarina, Gab at Rex. Hindi ako nakasagot, kasi natawa lang talaga ako. Mukhang hindi na rin niya gustong marinig 'yong sagot ko kaya nginitian ko na lang siya.
"Guys, si Sha-neh?" baling ko sa tatlo na busy sa pagkain.
"Bakit naghahanap ng iba? E, may malapit na nga," malisyosong sabi ni Gab kaya inapakan ko 'yong paa niya sa ilalim at napasigaw siya.
Syempre, gumanti rin ako. "Bakit pa kasi may mga torpe d'yan at ayaw umamin, e katabi lang naman!"
Tumingin sakin sina Czarina at Rex, pati na si Franchezka dahil na-curious sila sa sinabi ko kay Gab. Ang mokong, nanahimik habang namumula ang mukha. Akala niya yata siya lang ang marunong maglaro.
"Nagtext siya, sabi niya nasa labas na siya ng school. Umuwi na yata," sinagot ni Rex ang tanong ko kanina.
Hindi ako tumango, pero hindi ako natuwa sa narinig ko. Sapilitan kong inubos ang chicken fillet at kanin sa harap ko habang iniisip kung saan na naman siya nagpunta ngayon.
HIKARI
Bago pa man mag-lunch, lumabas na ako ng school. Sinabi ko na may medical check-up ako nang 1 PM and I need to be on time kaya pinalabas ako ng guard. Madali rin naman palang utakan ang security sa school.
May nakarating kasi saking balita na may balak pumunta ng school ngayon si Nylan dahil last week pa nang huli kaming magkita. At ayaw kong masundan na naman dahil nakakasawa na.
Nabasa ko ang text ni Kleinder at tinatanong kung saan ako pupunta kaya tinawagan ko siya. May balak din akong itanong kung nakita niya ba si Nylan sa school. Naghanap ako ng bench na bakante at doon umupo.
Limang ring bago niya sinagot. "Hello?"
Napataas ang kilay ko dahil boses babae.
"KJ?"
"Huh? Sino'ng KJ?"
"Kleinder. Nasa'n siya?"
"Ah, wala, e, pinatawag lang sa faculty."
"Sino 'to?" firm na tanong ko.
Sigurado akong hindi ganito ang boses ni Czarina at lalong hindi kay Rex. Nagtaka naman ako dahil sa pagkakaalam ko, hindi niya rin pinahihiram ng cellphone si Kristina.
"Um, Franchezka."
It takes me five seconds to compose myself. "Okay. Tell him I'm somewhere safe. He just sent me a message asking where am I. Ayoko namang mag-alala siya. Thanks."
Mariin kong diniin ang end-call at pinasok ang cellphone sa bulsa ng palda ko. I receive a couple of messages and missed calls from Nylan pero di ko na pinansin. That's a sign na nasa campus siya at naghahanap sa'kin. I hope he will not bother Kleinder nor anyone.
Bandang alas-kwatro nang mag-decide akong umalis at umuwi ng bahay. Naglalakad na ako no'n pauwi papunta sa sakayan nang may isang kotse ang huminto sa gilid ko. It's a brown-reddish car at nag-slide 'yong salamin sa back seat.
"Hi!"
Napakamalas ko nga yata talaga. All smile si Franchezka sa binta at kumaway pa talaga sa'kin. Hindi ko siya nginitian. Siguro naman pwede akong magtaray dahil siya pa rin ang sumira ng cellphone ko.
"Bakit?"
"Wanna go out for a snack?" tanong niya. Umiwas ako ng tingin at naglakad. Ang kulit ng driver niya dahil sumusunod sila sakin.
"Ayoko, salamat na lang."
"Sige na, please, may tatanungin lang ako. Friends naman kayo ni Jake diba?"
Naiirita talaga ako sa ka-je-Jake niya. Nakakarindi ng tenga. Hindi na sana ako sasagot no'n at lumakad na ako kaso, sa kabilang highway ay may nakita akong lalaking naka-motor galing doon sa way ng school namin at sa hitsura palang ng sinasakyan niya, na-recognize ko siya agad.
It's Nylan.
Lumapit agad ako sa sasakyan ni Franchezka at napilitang sumakay sa loob. Nakangiti pa rin siya habang umuusog para bigyan ako ng space sa upuan. Habang nasa byahe kami, ang daldal niya-kahit ano lang ang masabi. Hindi na nga ako nakikinig.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Novela JuvenilShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...