EDITED (c) Shupershimmer
***
Lumakad siya papunta sa hagdan kaya sumunod ako. Pag-akyat, dalawang kwarto ang nilagpasan namin bago siya huminto sa isang pintuan. Sinusian niya ang door knob para buksan.
Pagpasok na pagpasok, alam kong kanya ang kwarto. Pale blue ang pintura ng dingding at checkered dark blue and white ang bedsheet niya. There's a television set across the bed, at kulay blue ang TV rack. On the left side facing the door is a window which is, of course, another shade of blue.
Sa classroom palang napansin ko nang mahilig siya sa blue, kahit walang touch of blue ang mga suot niya ngayon. Ang Hawk bag niya, royal blue. Ang case ng cellphone niya, dark blue. Pati mga covers ng notebooks niya, puro abstract designs na may iba't ibang shade of blue. Ang Nike rubber shoes niya, white and blue. I wonder kung pati underwear niya, e, blue din.
Napailing ako nang ma-imagine ko. Gusto ko tuloy matawa.
"Galit na galit ka sa blue, 'no?" tanong ko pero tumawa lang siya.
Dumiretso siya sa isa pang kwarto sa loob. Pagdating namin doon, puro libro na. May dalawang magkatabing bookshelves, which is overwhelming. May computer set, study table at mga pictures nila ng mga kapatid at family niya.
"Binabasa mo lahat ng 'to?" tanong ko habang tinuturo ang magkakapatong na makakapal na libro sa isang mesa. Karamihan hard cover at hindi ko kilala.
"I'm done reading all that," he says matter-of-factly.
Napataas ang isang kilay ko habang hawak ang isa sa mga libro. Inalok niya pa nga ako na basahin ang isa sa mga 'yon pero inirapan ko lang siya at sinabing ayoko. Hindi ako magsasayang ng oras sa ganyan.
Umupo ako sa isang malambot at maliit na couch-syempre blue na naman.
"Oh dali. Gawin mo na 'yong kung ano ang ipi-present." Lumingon siya at tinignan ako nang masama.
"Alam mo, nakakainis ka na. Kaninang-kanina ka pa. Konting-konti na lang pasensya ko sayo, Sha-neh," naiinis na sabi niya kaya natawa ako.
"Ganun ba?" I jerk my eyebrows upward.
Humalukipkip siya habang nakasandal ang hip niya sa gilid ng study table. "Kaya nga tinawag na duo diba? Kasi dalawahan. Partner kita, at partner mo 'ko tapos ako lang gagawa? Ang daya mo ah." Umismid na lang ako at dumiretso nang pagkakaupo sa couch. "Ikaw pa nga 'tong nagmakaawang makipag-partner sa'kin."
"Excuse me?" Natawa ako out of disbelief. "Niligtas lang kita sa babaeng muntik ka nang gawing partner."
"Kay Alexis? Wala namang masama sakanya. Actually gusto ko siyang maging partner. Balita ko magaling siya sa powerpoint presenting, e." Tumaas nang kusa ang kilay ko. "Pero dahil nakakagulat na ikaw mismo ang lumapit sa'kin... why not."
"Oh yeah, dahil deds na deds si Alexis sa'yo kaya malamang gaganahan siyang gumawa ng powerpoint habang magkasama kayo sa kwarto niya," sarcastic na sagot ko. "Sorry for her."
"Then you should celebrate," he glares at me intently. "'cause I preferred you."
Napalunok lang ako dahil hindi ko alam ang ibabatong sagot sa sinabi niya. Kinagat ko na lang ang labi ko at sinabing, "Okay, ako na lang ang magta-type. Basta ikaw magbibigay ng lahat ng isusulat."
Bigla ba namang kuminang ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Akala ko pa naman mauutakan ko na siya. Mas mautak pa rin pala siya. Sinulat ni Kleinder lahat ng mga dapat ilagay sa powerpoint tapos ako na ang nagtype total siya ang nakabasa ng story. Thirty minutes ko na ngang ini-edit 'to kasi medyo complicated ang phasing. Nagpaalam siya na lalabas muna dahil may bibilhin lang daw siya.
Tapos idagdag mo pa 'tong si Nylan na kanina pa tawag nang tawag kaya hindi na matigil sa pag-vibrate ang cellphone ko. Ni isa sa tawag hindi ko sinagot.
"Ugh, pakinshet, wag kang mag-buff." Sa sobrang stress, kinausap ko na ang laptop. "Shit, gumalaw ka naman!"
Pag ito hindi na-retreive, magkakamatayan kaming dalawa ng laptop ni Kleinder.
Naramdaman kong bumukas 'yong pinto ng room. Lumingon ako at bumaba agad ang mga mata ko sa bitbit ni Kleinder na plastic ng McDonalds. Kumalam ang tiyan ko nang naamoy ko ang French fries, at burger.
"Uh, I need help," nag-aalangang sabi ko.
"Bakit?"
Nilapag niya sa couch ang pagkain at pumwesto sa likod ko. Napatingin ako sa kamay niya na-unconsciously-pumatong sa kamay kong may hawak ng mouse. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko na na-sandwich sa pagitan ng mouse at kamay niya. Ginalaw-galaw niya 'yon pero hindi gumagalaw ang cursor sa monitor.
"Ano ba kasing ginawa mo?"
"E-Ewan ko," sagot ko.
May kung ano-ano siyang ginawa sa laptop na nakapatong sa table. Habang nasa mouse 'yong kabilang kamay niya, nagtatype naman 'yong isa. Imaginin ninyo, halos ipitin niya ako sa loob ng mga braso niya.
Wala namang problema sa'kin kung mag-request siya na umalis muna ako rito, e. Okay lang naman sa'kin na siya muna ang maupo sa upuan ko habang inaayos ang laptop niya. Maliit na bagay lang naman 'yon!
Awkwardly, nagsalita ako. "Um, wait, ikaw na kaya muna ang maupo?"
Buti at nakaramdam siya kaya inalis niya 'yong dalawang braso niya sa magkabilang gilid ko saka ako nakatayo. Hinayaan ko na siya na umupo doon tapos kinain ko 'yong mga dinala niyang pagkain.
Habang abala siya, umikot ako sa loob ng kwarto niya, bitbit ang pagkain at inumin sa dalawang kamay.
Sa totoo lang, malinis ang kwarto niya, kumpara sa'kin. Walang kahit ano'ng basura. Walang bahid ng kababuyan. Parang prinsipe ang may-ari. I wonder kung mommy niya ba ang taga-linis dito, o siya lang. Nakialam na rin ako ng mga drawer niya. Binuksan ko lang naman pero di ko na ginulo. So far, wala akong nakitang di kaaya-ayang bagay, which is good.
Hanggang sa nakita ko ang album ni Kleinder.
"Yun, o!" Di ko napigilang matawa nung may nakita ko 'yon sa pinakailalim na drawer.
Madalian kong binuksan ang pages at may mga pictures si Kleinder no'ng bata siya na medyo nakakatawa.
"Hoy. Ano na naman yan?" I hear his voice from the room pero natatawa parin ako.
Narinig kong umaalis siya sa bangko, lumabas ng study room, at naglakad palapit sa'kin.
"Hooooooooooy!" Agad ko namang tinago 'yong album na hawak ko sa likod ko kahit pinilit niyang kunin sa'kin. Pero, nagawa kong makaurong at makalayo sa kanya habang natatawa parin.
"Isa!" sabi niya, as if naman natakot ako. "Sha-ne, wag ka ngang makulit, akin na 'yan. Sinabi ko bang pwede kang makialam ng gamit ko?"
Sinundot niya 'yong tagiliran ko kaya napaurong ako and unknowingly-without any devilish plan, we fall on his bed. Kailan ko lang din narealize dahil naramdaman ko sa likod ko ang another blue duvet ng kama niya. Hindi ko alam kung napansin niya rin dahil busy siya sa pagdukot ng album na nasa likuran ko parin.
Limang segundo ang lumipas, tumigil siya sa pagdukot dahil hiningal siya at doon niya lang din narealize ang posisyon naming dalawa sa ibabaw ng kama niya. Not actually the kind of position you do with a random guy. Nakapatong na kasi ang mga binti niya sa bewang ko at 'yong mga kamay niya, nasa magkabilang gilid ko. Shit, this is awkward.
Sa sobrang tahimik namin, narinig ko pa ang paglunok niya. Pati ako ginaya siya, at naramdaman ko rin ang pag-init ng pisngi ko.
Ang mas nakakagulat, nakita naming unti-unting bumukas 'yong pinto ng kwarto niya. Naramdaman ko na biglang nanlamig ang mga binti ko, paakyat sa bewang, dibdib, at mukha. Di na ako makagalaw.
Nagulat na lang ako nang dali-daling tumayo si Kleinder at tinaklob sa'kin ang kumot ng kama niya.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Fiksi RemajaShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...