EDITED (c) Shupershimmer
***
"Nasaan si Hikari?" narinig kong tanong ng mommy niya.
Hindi ako makahinga sa loob ng pinatong niya. Sinubukan kong hindi gumalaw dahil pag nagkataong nakita ako na nasa kama ng anak niya, baka kung ano'ng kademonyohan pa maisip ng Mommy niya.
"H-Ha? Si Hikari? Ah-ano- umihi! Ayun! Tama, nag-banyo. Natatae na yata, nasobrahan sa fries."
Sa lahat ng pwedeng idahilan niya, natatae pa talaga ang naisip.
"Huh? Eh kagagagaling ko lang ng CR sa baba. Hindi ko siya nakasalubong." Napapikit na lang ako dahil kinabahan ako bigla.
"Oh? Talaga? Baka nauhan ka kanina pa. Wag mo alalahanin yon. Baka naihi lang ulit, Ma."
"Baka nga. By the way, aalis muna kami ni Drake kaya pinuntahan kita rito. May bibilhin lang kami sa SM. 'Yong bahay, ha?" Akala ko umalis na 'yong mama niya pero nagsalita ulit. "Kleinder, I trust you. Hindi porke pumayag akong papasukin sa kwarto mo 'yong classmate mong babae, e, lulubusin mo na. Ayoko pang magkaapo, naiintindihan mo?"
Inimagine ko na tinutulak na ni Kleinder palabas 'yong mama niya. "Ma, sige na, gumagawa lang po kami ng presentation. Matatapos na rin 'to."
"Umayos-ayos ka. Bata ka pa," may konting banta pa ang boses ng mommy niya.
"Yes, ma," mahinang sinagot ni Kleinder hanggang sa nakarinig na ako ng pagsara ng pinto.
Napabuga ako ng hangin dahil pawis-pawis na ako at agad kong inalis 'yong kumot na nakatakip sa buong katawan ko. Huminga ako nang pagkalakas-lakas. That's close.
"Akin na nga yan." Tuluyan niyang inagaw ang album sa kamay ko at tinago sa drawer. Sinusian niya pa. "Ayoko sa lahat pinapakialaman ang mga gamit ko nang walang paalam."
"Arte mo naman, parang pictures lang," sabi ko habang nakaupo sa ibabaw ng kamay niya. "Pero pramis, KJ, laughtrip mukha mo. Baby na puno ng icing sa mukha. Patay gutom ka pala no'ng bata ka."
Huminga lang siya nang malalim.
"Ang sakit ng pagdagan mo sakin," reklamo ko. "Naipit 'yong katawan ko. Feeling ko nabalian ako ng tadyang." Nagkunwari akong umiinda ng sakit sa katawan tapos ang sama ng tingin niya sakin.
"Wow, ah? Ano'ng maiipit sayo?" supladong sagot niya sabay naglakad papasok ng study room. "Wala ka namang dibdib."
"Ano'ng wala?" Reflexively, napahawak ako sa upper part ng body ko.
Natigilan naman ako nang dumungaw ulit siya sa bungad ng study room niya. "Wag ka ng mag-bra, Sha-neh. Dagdag lang yan sa labahin ng maids niyo e."
Bigla siyang humagalpak ng tawa sa sarili niyang patawa.
Binato ko siya ng unan na dinampot ko pero nakapasok agad siya sa sudy room. Maswerte siya at di siya natamaan.
Pagkatapos ma-burn ni Kleinder ang presentation sa isang blank CD, sinamahan niya akong kainis ang natitirang French fries. Maya-maya rin hinatid niya ako hanggang sakayan. Dahil nga gamit raw ng Mama niya ang kotseng dala niya kanina, naglakad kami.
"Ilan na sa mga classmate natin ang naging ex mo?" Naramdaman kong nabigla siya sa tanong ko.
"Ano ba namang klaseng tanong 'yan?"
"Di ka naman siguro tanga, no? Naintindihan mo naman siguro ang mga tanong ko?" pagtataray ko pa.
"Wala akong ex sa classroom," diretsong sagot niya. "Si Gab, meron, dalawa."
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...