EDITED (c) Shupershimmer
***
Balak ko sanang puntahan na lang siya pero nang sinabi niyang kasama niya si Nylan, nagdalawang-isip ako. Finally, nag-offer siyang sunduin ako kaya pumayag ako. Binigay ko sa kanya ang address kung saan kami magkikita.
Wala pa mang isang oras, may itim na kotseng huminto sa harap ko. Nang maaninag ko si Andrew, binuksan ko ang pinto sa passenger's seat at umupo. Magmamaneho pa sana siya nang pinigilan ko.
"Wag na. Dito na lang tayo mag-usap."
Bumitaw siya sa manibela at tumango. "So, ano'ng meron at kailangang magkita tayo nang patago? Akala ko ba galit ka dahil sa ginawa ko sa boyfriend mo."
Hindi na 'ko nagulat nang banggitin niya ang salitang 'boyfriend.' Malamang nabanggit na 'to ni Nylan sa kanya.
"Nasa ospital siya. Kagagalin lang sa operation." Tumingin siya nang diretso sa'kin. "Si Kleinder, nasagasaan siya ng motor nakaraang gabi lang."
Binasa ko ang reaksyon ni Andrew at kunot-noo lang ang naging expression niya.
"Ano'ng kinalaman no'n sa usapan natin?"
I twist my body toward him. "Just tell me, Andrew. May kinalaman ba si Nylan sa nangyari kay Kleinder?"
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko.
"Bago mag-Christmas vacation, nagpang-abot silang dalawa sa harap mismo ng bahay namin. Kitang-kita ko ang galit ni Nylan nang sinuntok niya si Kleinder." Napalunok ako nang maalala lahat. "Sinadya niya ba 'to?"
He humorlessly laughs at the absurd idea.
Napailing pa siya. "Alam kong nagsuntukan sila pero hindi ko alam 'yong nangyari sa boyfriend mo, sorry."
"Please, sabihin mo sa'kin ang totoo, Andrew," pakiusap ko. "Magkaibigan kayo ni Nylan kaya malamang alam mo 'to."
Kulang na lang hawakan ko ang dalawang kamay niya para umamin. Pero nagsalubong lang ang kilay niya sa'kin na parang hanggang doon lang ang alam niya kaya wala siyang dapat aminin.
"Anybody can think na kayang gawin ni Nylan yon." He shifts in his seat. "Pero kung gusto mong malaman, kausapin mo siya nang diretso."
"I don't want to talk to him. I can kill him if he did this."
"Mali ang iniisip mo," casual na sabi niya. "Magkasama kami noong nakaraang gabi; birthday ni Lourd. At alam nating dalawang hindi siya nagmo-motor." He sighs deeply. "Pero kung naniniwala ka sa instinct mo, kausapin mo siya hangga't maaga."
"Paano ko malalamang hindi ka nagsisinungaling sa'kin?" tanong ko.
"Sabi mo quits na tayo kapag nagsabi ako ng totoo? Bahala ka kung ano'ng gusto mong isipin."
Hindi ako nakakibo nang magsalita si Andrew. Somehow, jinustify ko ang sabi niya. Ewan ko lang kung nagsasabi siya ng totoo na magkasama sila-pwede ring pinagtatakpan niya si Nylan. Pwede ring magkasabwat pa nga sila.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko.
Napabaling na lang ako kay Andrew nang sumagutsot siya. Nakatingin siya sa malayo habang nakapatong ang siko niya sa bukas na bintana ng kotse niya. Sinundan ko ang mga mata niya pero maraming tao na dumadaan.
"Nagsisi talaga akong pinatulan ko 'yan." Ngumisi siya sabay iling. "Napakalandi talaga."
"S-Sinong tinutukoy mo?"
He nods outside the window. "Franchezka."
Sinundan ko ulit para tignan si Franchezka. Ilang sandali lang nakita ko na siya habang pababa ng motor. Hinubad niya pa ang suot na helmet, at nakangiting inabot 'yon sa lalaking nakasakay sa unahan ng motor.
Nasa tapat sila ng isang 24/7 na fast food chain at naaninag kong nag-uusap pa sila. Maya-maya lang tumingkayad si Franchezka para humalik sa lalaki.
Natawa si Andrew na nakita namin.
"Ayaw niya ng di-kotse," mahinang sabi ni Andrew sakin, may halong tawa. "Gusto niya di-motor lang pala."
Bumalik ang mga mata ko kila Franchezka at pinagmasdan ang lalaking kasama niya. Salamat sa mga ilaw ng kalye, at nakita ko ang kulay ng motorsiklong sinasakyan niya.
Napadiretso ako sa kinauupuan ko at napansin agad 'yon ni Andrew.
"Bakit parang nakakita ka ng multo?"
Hindi ko siya sinagot. Naalala ko ang sinabi sakin ng Daddy ni Kleinder noong unang punta ko. Sinabi raw ni Drake na kulay pula ang motorsiklong nakasagasa sa kuya niya pero hindi naplakahan dahil walang ibang witness.
Alam ko namang hindi lang iisa ang pulang motor sa mundo, pero hindi ko napigilang kabahan nang makita ko sila Franchezka.
Napahawak ako sa balikat ni Andrew. "K-Kilala mo ba 'yong kasama niyang lalaki?"
Tumingin siya kila Franchezka at umiling. "Bakit?"
"Nakausap ko si Franchezka kaninang tanghali. Muntik na nga kaming magka-away dahil sinabihan niya akong may kinalaman na naman si Nylan sa nangyari kay Kleinder."
Nakuha ang atensyon ni Andrew sa sinabi ko.
Nagpatuloy ako. "K-Kaya nga kita kinausap para tanungin-"
"Naniwala ka sa babaeng 'yan?" singhal niya. "Mas sinungaling pa 'yan sa'kin, e."
I disregard his comment. Nakita kong humiwalay na si Franchezka at pumara ng taxi. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at napalingon ako kay Andrew habang habol-hininga ako. Dinaig ko pa yata ang tumakbo nang malayo.
"Red daw ang kulay ng motor ng nakasagasa sa kanya, Andrew."
His jaw clenches, and the next thing I know, he immediately fires the engine. Eksakto rin namang paalis na ang lalaki, sakay ng motor niya.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...