Kabanata 27

15.3K 204 7
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***

KLEINDER

Balik-klase mula sa isang linggong semestral break, at busy lahat sa pagrereview. Medyo hassle nga 'yong buwan na 'to dahil maraming nakalinyang schedule for entrance exams tapos sasabayan pa ng Second quarter test.

Pagkatapos ng lunch, nagpaalam si Hikari na mag-si-CR pero magsisimula na ang next subject, wala pa rin siya. Tatawagan ko sana siya pero narealize kong grounded pa rin siya hanggang ngayon dahil kay Nylan.

Speaking of, kasama na naman ba niya si Nylan?

Nasalubong ko si Rex papaakyat ng hagdan, at pinigilan ko agad siya. "Rex, nakita mo ba si Hikari? Hindi niya sinasagot tawag ko, e."

Kumunot lang ang noo niya. "Nasa office siya, ah. Di mo alam?"

"H-Ha?"

"Nasa office ako kanina tapos paglabas ko, nasalubong ko si Hikari at Daddy niya yata 'yong isa." Patlang. "Kausap nila 'yong adviser na'tin."

"Daddy niya?" May gulat sa boses ko.

"Yata," sagot niya. "Kamukha niya kasi, e."

Umakyat na si Rex at naiwan ako sa kinatatayuan ko. Habang naglalakad ako papunta sa office, iniisip ko kung bakit nandito ang Dad niya, at kung bakit kausap nila si Sir Blas.

Isa lang ang alam ko: hindi maganda ang kutob ko rito.

Gawa sa kahoy 'yong pinto ng pero may salamin sa bandang taas. Kita ko na nag-uusap sila, naka-upo si Hikari sa bangko tapos ang Dad niya, nakatayo lang.

Sa postura ng Dad niya, makikita agad na hindi siya kalmado.

Nang tumayo si Sir Blas, bitbit ang record niya, umalis ako sa pinto at nagtago sa tabi. Pagkaalis niya, bumalik ako sa kinatatayuan ko kanina at nandoon parin sina Hikari sa loob.

Hindi ko naman ugaling mag-eavesdrop pero naka-awang kasi 'yong pinto kaya natukso na akong makinig sa pinag-uusapan nila.

"So all this time, akala ko tumitino ka na?" I hear Mr. Oda. "Talaga bang gusto mo akong ipahiya sa may-ari ng school? You know that he's the one who entered you here pero ganyan ka! Kung hindi pa ako nagsadya rito, di ko pa malalaman ang cuttings mo. Kasama na ang mga activities na hindi mo ginagawa!"

"Sa bahay na lang pwede? Uwing-uwi na ako," sabi ni Hikari nang mahina.

"No, we have to talk. Now! Kaya nga pinalabas ko muna ang teacher mo, diba?" Bumuntong hininga siya. "What do you think other people will say pag nalaman nilang ganyan ang anak ko? Ano na lang ang mukhang ihaharap mo sa mommy mo? Wala ka man lang bang ipagmamalaki sa kanya? Kailan ka ba magbabago ha? We have already talked about this, haven't we?"

Nasilip kong tumayo na si Hikari.

"I don't care about them, Dad! At wag na wag mong idadamay si Mommy! Kasalanan mo kung bakit siya nawala!"-he slaps her.

Halos mapabitaw ako sa doorknob nang marinig ko ang malakas na tunog. Nagdalawang isip pa ako kung papasok dahil away-mag-ama 'yon, pero di na ako nanghimasok.

She starts to sob. "Ikaw lang naman kasi ang nag-iisip nang ganyan. Pareho kayo ng mga teachers dito. Once a bad student, always a bad student. Ganyan tingin niyo sakin, diba? Never naman akong tumama eh! Lahat ng gagawin ko, palaging mali."

I've never heard her speak like that. Halos magkanda-buhol kasi ang mga salita sa bibig niya sa sobrang galit na nararamdaman niya.

"I am still you parent and the one who wastes money for you!"

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon