Kabanata 17.5

16.8K 223 11
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***

Ka-text ko lang si Kleinder dahil inulit niya ang message niya kanina at sinabi kong kasama ko ngayon si Franchezka. Dinugtungan ko pa nga ng: "Ang kulit ng CRUSH mo."

From: KJ

Makulit ka naman talaga. Haha.

Hindi ko alam pero natulala ako sa reply niya. Ang tagal ko ngang tinitigan ang screen ng cellphone ko dahil sa sinabi niya. Kung di pa ako kinalabit ni Franchezka na baba na kami, hindi ako makakagalaw.

Nasa isang coffee shop kaming dalawa sinabi niyang siya ang bahala sa bayad. E, di hinayaan ko, total siya nagyaya. Tsaka, may kasalanan pa siya sa'kin kaya okay lang.

If you'll check her out, she looks nice, demure, mabait; the kind of every guy would talk about. Pero di ko talaga ma-imagine na siya 'yong isang babae na nasa bar noong gabing 'yon. She doesn't look like that type of girl. Hindi ko alam kung nakilala niya ako dahil nagkita na kami, o baka lasing siya no'n kaya walang maalala.

"Ano ba'ng itatanong mo?" diretsong tanong ko pagkakuha ng order. "Hindi mo naman ako yayain sa ganito kung wala kang kailangan diba?"

"Chill." She smiles modestly. "Gusto ko lang pag-usapan si Jake. Siguro naman may maku-kwento ka diba?"

"Bakit sakin? Diba sabi nga ni Gab sa'yo, transferee lang ako?"

Ayokong isipin na tanga siya pero naiisip ko talaga ngayon mismo.

"E, parang close kasi kayo. Maybe you know better," sagot niya.

Ngumiti ako gaya ng ginawa niya. "Syempre, I know him better. I know how good he is. Mabait siyang tao. Someone who will lend you a hand. He embraces you like you're the special thing he only has. Naramdaman ko 'yon noong niyakap niya 'ko."

Sinadya ko talaga para mainis si Franchezka.

Sa halip, kuminang ang mga mata niya. "Yeah, right! He hugged me twice no'ng sophomore pa lang kami. May iba pa nga na nainggit sa'kin dahil ako lang ang niyayakap niya sa lahat ng babae sa'min."

Lumunok ako sa inis at ininom ang Americano sa baso ko.

"So, nililigawan ka niya?" Nabulunan ako sa iniinom ko nang magtanong ulit siya.

"Nagpapatawa ka ba?"

"It looks that way, you know."

Hindi ko ma-gets kung bakit ganito ang pinag-uusapan namin. Kung busted, busted. Sa mga tanong niya, napaghahalataan ko tuloy na interesado siya kay Kleinder at naiinggit sa'kin dahil mas malapit na kami.

"Hindi," simpleng sagot ko. Nakita kong gumuhit ang malapad na ngiti sa labi niya. "Kung makangiti ka naman. May boyfriend ka diba?"

Natigilan siya at napatingin sa'kin nang seryoso. "Ha? Wala, ah.I'm single."

"So, di mo boyfriend 'yong kahalikan mo sa club? No'ng nakaraang linggo pa? Ano 'yon? Nasubsob ka sa kalasingan at aksidente lang pala?" I say with full of sarcasm.

May pagtataka sa mukha niya at sinabing, "Excuse me?"

"Hindi mo 'ko naaalala? Nagkita tayo. Nabunggo mo pa nga ako, e."

"Oo, nabunggo kita sa hagdan." Nag-iba ang tono niya at nawala ang sweetness sa mukha niya.

"Hindi 'yon," tanggi ko. "May mas nauna pa. Nasa iisang club tayo pareho at binunggo mo 'ko. Ni hindi ka man lang nag-sorry. May kasama kang lalaki sa kabilang table, at hinalikan mo siya nang maraming beses." Namutla si Franchezka sa mga sinabi ko. "Alam ba nila Kleinder lahat ng 'yon?"

"Ah, break na kami no'n." She tries to smile but still too stiff.

"Wow. Parang nagpalit lang ng panty," bulong ko but I guess she hears it.

Maya-maya, nagpaalam siyang gagamit ng CR pero naiwan ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa. Kung minsan, may pagka-tanga rin siya. Actually, wala talaga akong balak pakialaman ang kung ano man sa gamit niya pero nabadtrip ako sa sunod-sunod na vibrate na halos makiliti ang kamay ko sa lamesa.

Calling...

Andrew

In-end ko kaagad ang tawag para manahimik. Kung hindi lang Iphone 'to, baka naibato ko na para hindi na mag-vibrate pa ulit. Tutal binasag naman ni Franchezka ang cellphone ko noong nakaraan-edi quits na sana.

Umandar ang inner wickeness ko at dali-dali akong pumunta sa inbox niya. All of it are crap. Lahat ng nasa inbox ay puro pangalan ng lalaki. Commonly, Andrew, Kleinder (Jake), and a guy named Bryan.

Lumakas ang instinct ko na parating na siya kaya binitiwan ko 'yong cellphone. Maya-maya, bumalik nga siya at umupo sa harap ko.

"May tumatawag kanina, di ko sinagot," sabi ko.

Tiningnan naman niya 'yong cellphone niya.

"He's so annoying," she groans almost to herself.

"Siya ba 'yong sa bar? I thought you broke up with him? Bakit tinatawagan ka pa?"

"Pwedeng favor?" bigla niyang sinabi nang di ako sinasagot. "Tulungan mo naman akong pumili ng regalo kay Jake; birthday niya na kasi sa Saturday."

Natigilan ako dahil hindi ko alam na sa Sabado ang birthday niya. Wala naman kasing sinasabi sakin si Kleinder nitong mga nakaraang araw. I manage to hide the cluelessness on my face.

"Mas kilala mo siya. You can buy a gift alone."

"Ano bang favorite color niya?"

"Ewan ko." I shrug, kahit alam ko kung ano. Blue.

"Hmm... bahala na nga. Kahit ano namang ibigay ko tinatanggap no'n."

"May gusto ka ba sakanya?" prangkang tanong ko.

"You know what?" Pumangalumbaba siya sa table. "Actually, Jake looks way too nicer now. Mas confident na siya ngayon, at talagang appealing na siya. Wala namang masama kung magugustuhan ko siya, right? Single siya, single ako."

Pakialam ko?

"When two people are not in a relationship, does it mean na bagay agad kayo?" pabalang na tanong ko.

"Why not?" Ngumiti pa siya. "In fact, I have no problem dahil gusto niya na ako, dati pa. You know, timing lang naman kasi ang mahalaga."

Wow. I wish I can have that kind of nerve and arrogance.

Hindi ko na kinaya pang matagalan ang pagmumukha niya, at kung ano mang kaplastikang ginagawa namin kaya sinabi kong uuwi na ako. Halos di nga ako maka-react nang lumapit siya para i-beso ako at nagpasalamat siya sa oras ko.

Habang naglalakad ako pabalik sa sakayan-dahil malamang bumalik na naman ang driver namin sa bahay nang wala ako-iniisip ko kung ano'ng bibilhin kong regalo kay Kleinder.

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon