Kabanata 26

15.7K 218 8
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***

HIKARI

"Bakit mo ako dinala rito?"

Kinaladkad niya ako palabas ng school para lang isama ako rito sa bar na madalas niyang pinunpuntahan-kung saan ko nakitang magkasama sina Franchezla at Andrew dati.

Matagal-tagal rin na hindi ko nakita si Nylan. Lagpas isang linggo na nga yata. Akala ko nga magtutuloy-tuloy na pero bigla naman siyang sumulpot ngayon.

"Aalis na ko." Tatayo na sana ako pero hinigit niya ang kamay ko at pinaupo. "Ano bang problema mo, ha? Dadalhin mo ko rito tapos sasayangin mo lang pala oras ko."

"Nakikipagdate ka ba sa iba?" he bluntly asks.

Napataas ang kilay ko. "What?"

Binagsak niya nang malakas ang boteng iniinom niya at seryosong humarap sa'kin. Ngayon ko lang nakita nang mas malapitan ang pasa niya sa gilid ng mata. Hindi niya sinabi sa'kin kung saan galing 'yong pasang 'yong pero sigurado akong may nakaaway na naman siya.

On the other hand, medyo kinabahan ako for unknown reason. Naisip ko bigla si Kleinder kasi baka may alam na si Nylan. Kung meron man, hindi ko alam kung ano.

"Ano bang paki mo?" Nakita ko ang galit sa mata niya. "W-Wala... sa'n mo na naman ba nakuha 'yang balitang 'yan?"

No. I can't let Kleinder get hurt. Not now.

May kinuha siya sa bulsa ng varsity jacket niya tapos inabot sa'kin. Syempre, tinuklap ko at kinabahan ako lalo nang makita ko 'yong picture namin ni Kleinder na magkayakap. Bakit meron siya nito? Paano niya nalaman?

Halos mapiga ko ang cellphone sa inis. "Pinapasundan mo ba ako?!"

"Sagutin mo ulit 'yong tanong ko, Hikari."

"Kailan mo pa ako pinapasundan, ha?" Nilapag ko ang cellphone sa mesa nang malakas. "Are you that stupid, Nylan?"

He becomes furios that I get scared of him. "You made me like this, Hikari! You made me this stupid! At hindi ko alam kung ano bang meron ang lalaking 'yan na wala sa'kin!"

Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong sabihin. Kaya hinayaan ko na lang ang bibig ko nang hindi nakakapag-isip.

"Hindi ikaw ang Daddy ko, Nylan. Wala kang karapatang kontrolin ako sa kung ano'ng gusto ko. Hindi mo hawak ang buhay ko, at hindi lang sa'yo umiikot ang mundo." I turn my fist into a ball. "Ano ngayon kung siya ang gusto ko? Sasaktan mo rin siya gaya ng ginawa mo sa mga ex ko? Pagbabantaan?"

I've never been this angry towards him, and I can't help myself but cry the moment I end speaking.

Sa paghawak niya sa bote, alam kong gusto niya na 'yong ibato sa pader. "Ginawa ko lahat para sa'yo, tapos ganito lang pala mapapala ko? I don't deserve your rejection!"

"I didn't ask for it!" I interject. "Never kong hiniling sa'yo na magdididikit ka sa'kin na parang chewing gum. Ikaw ang may gusto niyan, diba?"

Hinagis niya sa mesa ang alak, at tumapon 'yon sa sahig. Nakaupo pa rin ako nang diretso at hindi pinahahalata ang takot sa kanya. Paano ako sasaya sakanya kung palagi niya akong tinatakot?

"Tang ina naman, e," bulong niya habang nakalagay ang magkabilang kamay sa ulo niya. "You're too much, Hikari. Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko sa exes mo? Hindi ka ba natatakot sa kaya kong gawin?!"

Tumayo ako at binitbit ang bag. "Ikaw ang sumosobra, Nylan. Pinipilit mo na lang lagi ang gusto mo. Pinipigilan mo ko sa bagay na nagpapasaya sakin-ano ba kita? Sino bang nagpipilit sa ating dalawa? Ikaw lang naman, diba?"

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon