EDITED (c) Shupershimmer
***
"Hindi ka talaga magsasalita?"
Mahigpit ang pagkakahawak ni Andrew sa kwelyo ng lalaki habang dinidiin niya sa pader. Na-corner namin siya sa isang madilim na lugar, and thank God kasama ko si Andrew para i-confront ang kasama ni Franchezka kanina.
Halos kasing-edad lang din ni Andrew 'yong lalaki at punong-puno siya ng tattoo sa braso. Hindi ko masikmurang pumapatol si Franchezka sa mga ganito-mukha kasing adik at tadtad ng hikaw ang tenga.
"Makulit ka rin, e, 'no?" Dumura pa siya sa tabi. "Wala akong maalalang may sinagasaan ako."
Sarcastic ang pagkakasagot ng lalaki kaya naasar si Andrew. Bigla niya na lang tinuhod ang sikmura nito at sinakal ulit, habang dinidiin ang ulo sa pader.
"Inutusan ka ba ni Franchezka?" tanong ko.
Pumapalag pa siya sa hawak ni Andrew sa leeg niya. "K-Kilala niyo si Franchezka?"
"Sagutin mo tanong ko!" sigaw ko. "Inutusan ka ba ng babaeng 'yon?"
"Ano bang ebidensya mo, miss?" The moment he laughs, it gets on my nerves. "Hindi lang ako ang naka-pulang motor sa Pilipinas. Nahihibang ka ba?"
Bago pa man siya makatawa, sinuntok na naman ni Andrew ang mukha niya at napapikit na lang ako. Buong lakas niyang tinulak si Andrew at dumukot ng balisong sa bulsa niya. Napaatras ako nang tinutok niya 'yon sa'ming dalawa ni Andrew at humakbang siya palapit sa'min.
Sasabihan ko na sana si Andrew na itigil 'to-ayokong may mapahamak ni isa sa'min-pero mabilis siyang dumukot sa sa likod niya at naglabas ng baril.
Natigilan ang lalaki nang tinutok 'yon ni Andrew sa kanya, tapat sa mukha. Kahit ako nanlamig sa kinatatayuan ko.
Andrew smirks cooly. Kinasa niya 'yon nang mabilis at humakbang paharap. Habang nasa likod niya ako, nakita kong umatras ang lalaki hanggang sa mapadikit na lang siya sa pader niya.
"Gusto mong tumakbo?" tanong ni Andrew. "Subukan mo, at nang mabawasan ang bala ng baril na 'to."
"Ano bang kailangan niyo?!" Nanginginig pa siya.
"Sabihin mo sa'min kung ikaw ba ang may kasalanan sa nangyari sa boyfriend ko. Pag ginawa mo 'yon, uutusan ko 'tong kasama ko na ibaba ang baril niya."
Nakadikit na ang dulo ng baril sa ilong ng lalaki at pinagpapawisan na rin siya. Napapikit siya at nagulat na lang ako sa sunod na sinigaw niya.
"Pabor 'yon ni Franchezka sa'kin! H-Hindi ko sinasadyang mapuruhan siya. G-Gusto lang niyang m-masaktan nang... nang konti p-pero napabilis ang motor ko..."
Sumikip ang dibdib ko at napaiyak na lang sa likod. Nakita ko pa si Andrew na bahagyang nilingon ang ulo sa gilid para tignan ako.
"B-Bakit niya... ginawa 'yon?" I manage to ask.
"Hindi k-ko alam!" Tumingin siya kay Andrew. "W-Wag niyo na akong idamay sa gulo ninyo. Ipababa mo na sa kasama mo 'tong baril!"
"Andrew."
Pagkababang-pagkababa ni Andrew ng baril niya, kumaripas ng takbo ang lalaki na halos madapa pa siya. Wala pang isang segundo, nawala na siya sa paningin namin.
"I told you, she's a complete liar," Andrew murmurs, walking towards me.
Naipatong ko na lang ang kamay ko sa noo ko at walang nagawa kundi mapa-upo. Masyadong nanlambot ang tuhod ko kaya gusto kong i-bend muna. Para bang naubos lahat ng lakas ko sa mga nalaman ko.
Tinulungan ako ni Andrew na makatayo.
"Gusto mo ba ihatid na kita pauwi?" bulong niya.
"Ihahatid mo ko sa hospital."
Habang nakayuko ako at nakaupo sa waiting area, ramdam ko na mugto ang mga mata ko dahil sa kakakaiyak. Nakakahiya nga kay Andrew dahil di naubos ang naubos ang tissue sa sasakyan niya.
Bumigat agad ang mata ko at siguradong ilang saglit lang, iidlip na ako.
Napadilat ulit nang bahagya ang mata ko nang may naaninag akong nakaupo sa harap ko, suot ang hospital gown.
Nakatitig lang siya sa'kin, nakaupo sa wheel chair habang may nakakabit sa braso niya na dextrose. Talagang nakatingin lang siya... hindi ngumingiti, at di nagsalita.
Am I dreaming?
Ngumiti siya sa'kin at naramdaman kong may kumirot sa puso ko. Ang lungkot kasi ng ngiti niya.
Naisip ko na baka nananaginip lang ako kaya ayokong magsalita. Ayokong magising.
Ilang nurses ang dumaan sa hallway pero nakatingin lang siya sakin, naiiyak na naman ako. Ang sakit. Hindi ba niya ako kakausapin kahit ngayon lang? Kahit dito man lang sa panaginip?
"You're so pale," sabi ko. "Bakit di mo man lang ako hinintay, bakit mo ko iniwan?"
Napatigil ako nang kinuha niya ang dalawang kamay ko gamit ang mga kamay niya. Ramdam kong nanghihina pa siya. Hinalikan niya 'yon isa-isa tapos nilagay sa pisnge.
I smile, feeling his warmth.
Bumulong siya. "You're not dreaming." Tumingin siya sa mga mata ko. "Okay ka lang ba?"
My heart skips a tiny beat.
"T-teka... hindi k-paanong -"
Umurong siya nang konte tapos nilagay ang free hand niya sa pisngi ko. "Ssh, relax." Nilagay niya sa likod ng tenga ko ang nag-dangle na buhok.
Nawala ang antok ko at napaupo ako nang diretso. Nag-struggle pa ako nang konti sa paghinga nang ma-realize kong totoo ngang nasa harap ko si Kleinder. Hinawakan ko pa nang mahigpit ang kamay niya na parang anytime mawawala siya sa harap ko.
"Kleinder..." At naiyak na lang ako nang kusa.
Medyo umaray siya nang niyakap ko siya nang mahigpit kaya bumitaw na ako. Nung kumalma na ako, doon ko lang napansing maputla parin siya.
Thirty minutes na raw siyang naka-pwesto sa harap ko-pinagmasdan lang akong matulog. Noong una, gusto kong mainis kung bakit di niya man lang ako ginising. Pero sabi niya, ayaw niya daw akong istorbohin dahil halatang kulang ako sa tulog.
"Tulo laway ba 'ko?" I ask out of the blue.
Ngumisi siya nang konte. "Hinihintay ko nga, e, kaso wala. Cute ka parin matulog."
Ang hina ng boses niya. Sinabihan ko siyang bumalik na kami sa taas-kung saan nandoon ang kwarto niya-pero kaya niya pa raw. Gusto niya akong makausap mag-isa.
"Okay ka lang ba?" tanong ko.
"Now that I see you, I'm way too better."
Tinitigan niya ako nang matagal. Para bang ini-examine niya ang histura ko kung may nagbago ba? Kung sobrang na-stress ba ako?
"Namiss kita," mahinang sabi ko.
"I'm sorry. Nasira ko ang Christmas vacation mo." Pinunasan niya ang basa sa gilid ng mata ko. "Namiss din kita."
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Ficção AdolescenteShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...