Kabanata 34

14.2K 213 8
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***

Right after she says it, my heart reflexively stops for a single beat.

Napapikit ako at nanatili sa kinatatayuan ko. Ayokong mag-take ng risk. Ayokong ng dahil sa pride ko, e, maglakad ako palayo at matapos ang lahat. Ayokong matapos sa ganito lang. Bakit ba sobrang hirap nito samin?

Saka lang ako humarap nang may marinig akong sasakyang nagpreno malapit sa amin. May lumabas na dalawangg lalake habang 'yong isa, may hawak-hawak na babae. Nabigla naman ako nang makita ko si Franchezka na sigaw nang sigaw, at umiiyak.

Kitang-kita ko kung paano hinila ni Nylan ang braso ni Franchezka palabas ng sasakyan at si Andrew naman lumabas sa driver's seat.

Pareho kaming di maka-imik ni Hikari sa nangyayari. Si Nylan, sapilitang pinaluhod si Franchezka sa harap namin dalawa, at hinila ang buhok sa likod para tumingala sa'min.

"Jake, tulong..." umiiyak na sabi ni Franchezka pero napa-aray siya nang hinila ulit ni Nylan ang buhok niya para tumahimik.

"Teka, ano 'to? Ba't niyo sinasaktan si Franchezka?" Nilingon ko si Hikari. "Ikaw ba may gawa nito?!"

Sa gulat na nasa mukha ni Hikari, nasagot agad ang tanong ko kahit hindi siya nakapagsalita.

"Walang kinalaman si Hikari sa kung ano mang nakikita mo," sagot ni Andrew.

Napabaling ako kay Nylan nang hinila niya ulit ang buhok ni Franchezka. She groans and grits her teeth angrily.

"Humingi ka ng sorry sa kanila," utos niya.

"Asa ka pa," sagot ni Franchezka habang nakangisi.

"N-Nylan, bitiwan mo siya, nasasaktan 'yong tao," mahinang sabi ko. "Baka marinig nila Daddy ang ingay dito."

"Hindi ko siya bibitawan hangga't di siya natututong humingi ng sorry kay Hikari. Mag-sorry ka sabi!" Hinila niya pa lalo ang buhok.

"Hoy," tawag ni Andrew. "Alam mo bang pare-pareho tayong niloloko ng babaeng 'to, ha? Medyo expert siyang nakapag-imbento ng storya para gaguhin kayo ni Hikari. Pasalamat ka nag-effort pa si Nylan para sa'yo."

Wala akong maintindihan.

"P-Pakipaliwanag. Hindi ko maintindihan bakit niyo siya sinasaktan-"

Pinutol ni Nylan ang sinasabi ko. "Tanga ka ba? Siya ang dahilan kung bakit pilay ka ngayon, gago."

Tumingin ako kay Franchezka pero nakayuko na siya ngayon pero pumapalag pa siya kay Nylan.

Lumapit si Andrew palapit sa'kin. Naisip kong itulak siya dahil sa nakita kong picture kanina pero nang magsalita siya, hindi na ako nakagalaw.

"Para lang sa kaalaman mo, sinisi ng babaeng 'to ang girlfriend mo sa nangyari sa'yo. I can't even believe nasisi rin si Nylan dito." Ngumisi pa siya. "I heard hindi ka naniwala nang sinabi 'yon ni Hikari sa'yo. Sigurado ka bang mahal mo 'yan? Nasa'n ang tiwala mo sa kanya? Nasagasaan ba pati puso mo?"

He doesn't say it in a brotherly way. For me, it sounds as a stabbing insult.

"Kasama ko si Hikari nang kinompronta namin 'yong lalaking nakasama ni Franchezka noong nakaraan. Tinuro niya ang babaeng 'to na inutusan siya,"-tinuro niya si Franchezka-"Ngayon kung ayaw mo paring maniwala, tanga ka nga talaga."

Tinignan ko si Franchezka at nakaramdam ako ng awa sa itsura niya ngayon. Pero may part sa'kin na gustong magalit sa mga narinig ko.

"Totoo ba lahat ng sinasabi nila?"

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon