CHRIS
We ended the game boringly. Madali lang naman silang patumbahin.
Nagsiuwian na yung lima at ako nalang ang natira dito. Uuwi na din ako kaso nagutom ako kaya nag stop-over ako at kumain sa Mcdonald's.
Papasok na sana ako ng kotse ko ng makita ko ang kambal. They were talking with some lower rank gang sa likod ng pader doon. Nakaside view lang sila pero kilalang kilala ko sila. Lalo na't pasikat na ang araw.
I walked towards their way.
"Anong pinaguusapan niyo?" May tapang kong tanong, "Pwede bang i-share?" Sumandal ako sa pader na nasa gilid ko, "Kagrupo ko kasi 'yang kausap mo."
Mukhang nagulat sila sa biglang pagsulpot ko. Yung isa naman napaatras. Of course, everyone is afraid of Chris Lee.
"Girls, let's go." Pag-aaya ng leader nila at umalis na sila maliban ang kambal.
Ngumiti si Chennel, "Ah, that," she glanced at her sister, "We're just being friendly since they're kind of new." Dugtong ni Aubrey.
Tinaasan ko sila ng kilay.
Umalis ako sa sinasandalan ko, "Let's go." Pareho silang tumango at nakisabay sa paglakad sa akin.
We bid farewell and drove off.
Bumuntong-hininga ako.
Nakaka pagod naman 'tong araw na to. Masyado akong maraming ginawa sasSchool namin. Palibhasa isa ako sa student council; yung nga estudyante doon masyadong dependent sa'kin. Buti na lang sembreak na.
-
"Dalian niyo na ang pag gising kay Chris!" Rinig kong sigaw ng isang babae, its Bea. Naramdaman kong may umalog-alog sa balikat ko.
"Huy, Chriiiisssss!" Kumunot ang noo ko. What the fuck are they doing being so noisy in the morning?
"Lagot kayo kay Chris. Salubong na 'yung kilay!" Rinig kong sabi ni Bea.
"Takbo naaaaa!" Rinig kong sigaw ni Jaz. I heard the door shut with a loud thud.
Matutulog sana ako pero nawala na 'yung antok ko kaya nagpasiya na lang akong maligo. I wore a gray artwork shirt and black skinny jeans with a pair of white nike shoes. Nag-blower ako para matuyo kaagad ang buhok ko. I combed my hair and didn't bother to tie it. I took one last glance at the mirror before jogging down the stairs.
Pagkadating ko sa dining room, nakita kong nakaupo na sila Chennel, Sohe at Bea. Nasaan 'yung tatlo?
"Hey, Chris," bati nila. Tumango ako at dumeretso sa kusina. Naamoy ko ang pinaghalong amoy ng prito at pancake. Nakita ko sila mom, Jaz, at Aubrey na nagluluto.
Sumandal ako sa door frame, "Himala naman at nagluluto ka," tukoy ko kay Jaz. Napalingon silang tatlo sa'kin.
"Himala naman at hindi ka natulog ulit," ani mom na nagluluto ng pancakes.
My face stayed stoic while I kiss her cheek. "Good morning to you too."
Kinunotan ko ng noo si Jaz na nakapout sa gilid niya, "Ako? Walang kiss?" Sinamaan ko siya ng tingin kaya bumalik siya sa pagluluto ng bacon at itlog. "Sungit," rinig kong bulong nito.
Nakita ko naman si Aubrey na nagluluto ng fried rice. Nang nakita niya akong nakatingin ngumiti siya, "Hi Chris." Tumango ako.
BINABASA MO ANG
Heiresses to Gangsters
ActionMay apat na hinahangaan sa buong eskwelahan: sila Chris, Sohe, Bea at Jaz. Iniidolo sila ng kapwa estudyante dahil bukod sa may itsura sila, matalino sila, hindi makabasag-pinggan ang kanilang kilos at mayaman pa. Sila ang sole heir ng kayamanan ni...