There goes Tiffany. Ganda niya 'no?
__
CHRIS
Si Aubrey.
"Hoy Chris! Bakit mo tinatakpan yung camera?" Tanong ni Bea sa kabilang linya. Pasalamat na lang ako kasi may manlilibre sakin ng DQ.
May binanggit lang si Aubrey kay Tiffany tapos umalis na siya. Tinanggal ko na yung pagkakataklob ko sa camera.
Nilapitan ko si Tiffany. "I want to know your name." She smiled at me. "I'm Christopher, you're Tiffany, right?"
"How did you know? Stalker ka ano?" Aniya habang hinihimas-himas ang kaliwang braso ko. Nangilabot ako.
"Would you stop touching me?" Mukha namang nagulat siya, "I mean, I'm not used to this so please be more considerate," I smiled.
"Aw, you're cute. Is this your first time?"
Tss. Kadiri. Sa buong buhay ko, eto lang yung pinakanakakadiri na nagawa ko.
I flashed my teeth, "Why don't we have a drink?" Iginaya ko siya papunta sa bar stool. Umorder kami ng drinks at nag-usap tungkol sa buhay. Actually siya lang ang nagk-kwento.
-
"I run a gang. Ever heard of Red Serpent Gang?" Umiling ako. Finally, after hours of talking napag-isipan niya na pagusapan ang pagiging gangster niya.
Ngumiti siya, "There's this underground place that we call undergrand city. Doon pumupunta ang mga gangsters na tulad ko."
I faked smile. "Cool. Alam ba ng mga magulang mo ang ginagawa mo?"
Uminom siya bago umiling. I faked a frown. "Why?"
"Of course they don't. It's bad for the reputation of the daughter of the Ocampo Conglomerate to be a gangster. Although hindi naman ako ang magmamana, makaka-apekto pa rin ito sa kumpanya." I nodded. She has a point.
"So, why'd you choose the thug life?" Narinig ko ang tawa ni Bea sa kabilang linya.
Nagsalita si Sohe. "Really, Chris?" Tapos tumawa silang dalawa ni Bea.
Tumawa si Tiffany, "Nah, the thug life chose me." Mas lalo pang tumawa ang dalawa sa kabilang linya na nagpakunot ng noo ko. For some reason, I'm tempted to remove my earpiece.
"Just kidding, I did it so I can tell my fiancé that I don't need to be protected."
"Akalain mo na may fiancé pala siya." Ani Bea sa kabilang linya.
"Sa ngayon we're 6th rank in underground city at gustong gusto na namin na matalo ang Shidae Gang na 2nd rank ngayon."
"Shidae Gang? Ang lakas siguro nila. Kilala mo ba sila?" tanong ko. I need to learn how much she knows about our gang.
"Six members ang gang na iyon. Si Chris ang leader at known to have the most powerful combo move. She's the leader in the group. Next is Bea, She's excellent when it comes to weapons. Next is Sohe, the hacker of the group. And lastly Jaz, she's the observer of the group." So she knows the basics.
"Akala ko six sila. What happened to the two?"
"Yung dalawa mga tauhan ko 'yon they're Aubrey and Chennel." Uminom siya at pinalapit ako, "They're my spies," she whispered then giggled. Her breath smells like John Crow Batty Rum, the drink that she just ordered.
Tumango-tango ako, "Now I know. Ang cool mo pala. I hope you reach your goal," I faked a smile. Damn, ang sakit na ng panga ko kakangiti.
Biglang nagring yung phone ko. I read Bea's name. I smiled at Tiffany before answering.
"Hello, mom?" I looked at Tiffany who's listening.
"Ulol. Mom ka diyan? Halika na dito sa van," halata ang pagkainis sa boses ni Bea.
"Sorry mom," inemphasize ko pa yung mom, "I'm going home, mom. Bye." Binaba ko yung telepono.
Nginitian ko si Tiffany na nginitian din ako pabalik. "My mother called me. See you when I see you, Tiffany." I stood up and started walking out this place.
I noticed that someone was following me. Pasimple akong lumingon at nakita ko si Tiffany. I smirked. How about I show how stupid she is?
"Chris, sinusundan ka niya," rinig kong sabi ni Sohe sa kabilang linya.
"I know."
"What?" Hindi na ako sumagot at nagpatuloy lang sa paglakad.
Pumunta ako sa likod ng bar, agad kong tinanggal ang wig ko. Naramdaman ko na humangin ang buhok ko. Inayos-ayos ko ito. I felt refreshed. Ang init ng wig. I'll note to never wear a damn wig again.
Lumingon ako at nakita ko si Tiffany na nagtatago sa isang wall, her mouth was wide open, same with her eyes.
May tumigil na van sa harap ko. I knew instantly that it was Sohe and the gang so before I entered I smirked at Tiffany and left her bewildered.
Pagkapasok ko nakita ko si Bea na nakasimangot sa'kin, si Sohe naman nagd-drive. Jaz is not here. Umupo ako sa passenger seat.
"Chris! Anong mom! Mom mo mukha mo!" Inirapan ako ni Bea. I just smirked at her.
"Chris," si Sohe. "May problema."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sinundan ka ni Tiffany palabas, nakita ka niya mag tanggal ng disguise."
"I know, sinabi mo na yan kanina," I saw her eyebrows furrowed, "It was my intention to let her know how stupid she is."
Sumingit si Bea, "Kamusta naman misyon mo, Chris?"
"Shut up."
Nagtawanan sila sa loob ng van.
BINABASA MO ANG
Heiresses to Gangsters
ActionMay apat na hinahangaan sa buong eskwelahan: sila Chris, Sohe, Bea at Jaz. Iniidolo sila ng kapwa estudyante dahil bukod sa may itsura sila, matalino sila, hindi makabasag-pinggan ang kanilang kilos at mayaman pa. Sila ang sole heir ng kayamanan ni...