Chapter 13: The Devils

3.9K 110 20
                                    

Third Person's

Nagdadrive ang gang na kumidnap kina Jaz at Sohe sa isang malawak at madilim na kalsada.

"Takte, palpak tayo!" Inis na sabi ng isa sa kanila. Also known as Jaemin.

"Ang sakit ng pisngi ilong ko! Kareretoke palang nito tatlong araw ng nakararaan!" Reklamo ni Jay na pahid ng pahid ng tissue sa ilong niya na dumurugo.

"Bakit ba tayo pumayag na kidnappin si Chris ng Shidae Gang!?" Inis na sabmit ni Edison.

"Ano magagawa natin? Utos yun ni Tiffany, wala tayong magagawa. Baka gusto niyong mamatay girlfriend o pamilya niyo? Alam niyo naman kung gaano katindi yung si Tiffany." Sabmit ng lalaking kinikilalang Drake.

"Paano kung malaman ng totoong Kings ang paggaya natin sa kanila? Sigurado tigok tayo dun! Kings yun, pre! Yung rank one sa TUC! Pwede nila tayong ipapatay sa mga muchacho nila! O mas malala—sila pa mismo ang pumatay sa atin!" Nag-aalalang sabmit ni Red.

Tama kayo ng nabasa, hindi sila ang totoong Kings. Inutusan lang sila ng leader ng RSG, si Tiffany Ocampo, na kidnappin ang leader ng Shidae Gang na si Chris. Pero nagkamali sila at si Jaz ang nakidnap nila, nasama pa si Sohe.

Ang Kings na inaakala niyong umatake sa Shidae Gang ay underlings lang ng RSG. Blinock-mail sila ni Tiffany, sinasabing pag hindi nila ito ginawa ay papatayin nito ang mga mahal nila sa buhay. Kaya no choice sila at sumunod nalang. Pinaretoke pa sila ni Tiffany para lang maging kamukha ng totoong Kings at syempre, para mauto ang Shidae na napagtagumpayan naman nila.

Ngayon, papunta na sila sa headquarter ng RSG. Ire-report na nila ang palpak na plano.

Nasa kalagitnaan sila ng kalsada ng may sumalubong na itim na kotse sa kotseng sinasakyan nila. Ayan tuloy. Nabanga pa sila sa puno na pinakamalapit.

"Puta! Sino yun?!" Pagalit na sigaw ng lalaking kamukha ni Red Park ng Kings. Bumaba ito ng kotse at hinanda ang baril.

Bumaba na din ang nakasakay sa kotse na humarang sa kotse nila. Isang lalaking may pulang buhok. Black leather jacket under it is a white shirt, black pants, sunglasses sa gabi, at brown leather shoes.

Nanlaki ang mata ni Red.

'S-shit! Ang totoong Red!' Sa isip-isip nito.

Tinanggal ng lalaking naka shades ang shades niya at binigyan ng masamang tingin ang lalaking nakatayo sa harap niya.

"Ikaw ba si Frank Dagundong?" Napaka-lamig ng boses nito.

"Hyung, sila na ba 'yan?" May bumaba sa kotse nila. Ang totoong Son Jaemin.

Nakasuot siya ng plain black t-shirt with a black flannel tied around his waist. Mamahalin ang suot niyang boots at nakasuot din siya ng ripped black skinny jeans.

'N-nalaman niya ang totoong pangalan ko! Lagot na!' Sa isip-isip ng lalaking nagpapanggap na si Red.

"O-oo! Ako nga! Ano kailangan mo?!" Maangas na tanong nito. Pero sa totoo lang, kulang nalang maihi na siya sa takot.

Minsan lang magpakita ang Kings sa kapwa gangster. Pag nagpakita man ito, humanda na kung sino man ang pinagpakitaan nila, dahil siguradong hindi ka nila papalampasin ng buhay.

Ngumisi si Red, "Kailangan ko?" May dinukot ito sa bulsa ng jacket niya. Isa itong baril. Itinutok niya ito kay Frank, "Buhay mo." Sabay paputok nito. Sakto sa gitna ng noo ito tumama.

Nanginig naman sa takot ang mga kasama ni Frank. Kahit nasa loob sila ng kotse. Tinititigan sila ng masama ni Red.

"Shit! Umalis na tayo dito!" Sinubukang igalaw ng pekeng Andrew ang manibela at tinapakan ang gas pero hindi parin umaandar ang kotse nila. Marahil ay na-stuck ang gulong sa putik at nabangga pa sila sa puno.

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon