Chapter 40: I don't kiss dirty mouths

2.8K 86 24
                                    

SOHE

Hindi rin nagtagal at nagpunta na kami sa TUC para mag fill up ng form. We will steal the crown kaya kami nandito and, para makalaban na namin ang mafia. Sabi ko nga, hindi mo makakalaban ang mafia kapag hindi ka pa rank one. Katulad na lang ng Kings, ang dami na nilang nakakalaban na mafioso dahil sila ang rank one. All we need to do is to drag Kings down. Pero posible kaya 'yon? I mean, they're boys. Tall, malalaki ang katawan, and well trained. Eh kami, girls. Si Chris ang pinakamalas. Ako ang pinaka pandak, I also have a petite body, and! Hindi naman ako fighting type. Ay teka, nakalimutan kong may lalaki na pala kaming kasama.

Speaking of Kings, si Jaemin, yung pinakabata. We're dating and we're still together. We're dating for 2 years now. Hindi ko lang talaga alam kung papayag pa siyang makipaglaban. Sabi niya kasi dati, daw siya lalaban kapag ako ang kalaban. He's a fool for me. Just kidding. Pareho kami ng kinuhang course, pero sa cardio siya while I'm in Neuro. I changed my mind on being a psychiatrist, I'll just be a neurologist.

"Sohe? Ginagawa niyo dito?" Narinig ko ang pamilyar na boses.

Boses ng taong matagal ko ng kinamumuhian. Anong ginagawa niya dito? Nakabalik na siya galing Korea? Hinarap ko siya. She still haven't changed. She's tall, pretty, lady-like. We're complete opposites.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo." Naging seryoso ang mukha ko.

"Sinundan kita–" Pinutol ko siya.

I chuckled. "Para saan? Para isumbong ako kay dad?"

"Sohe–" Hinila ko siya palabas sa makikitig na daanan papuntang TUC.

"Umalis ka na." Kalmado kong sinabi sa kaniya.

Ni hindi manlang ako makatingin sa kaniya. Damn it, Sohe! You're not her weak sister anymore! Hindi na ikaw yung iiyak dahil napalayo ka lang sa kaniya. Stop being weak and just face her!

"Sohe, I'm your sister." Kalamado niya ding sinabi.

Hindi pa rin siya nagbabago. Still the old Nam Hye Shin.

"We're just from the same blood and genes. But I never treated you as one, nor you. Kaya habang hindi pa ako sumasabog, umalis ka na sa harap ko." Sabi ko sa kaniya at tumingin lang sa baba.

Narinig ko na bumuntong hininga siya. Wala na siyang nagawa kung hindi umalis. Hindi ko alam na nakarating na pala siya. Alam kaya ito nila dad? My dad hated her after what happened. Siguro ay nakatira siya sa condominium niya. Ni hindi ko manlang alam na pupunta pala siya dito.  Baka siguro ay sobrang busy ko lang talaga sa kurso ko.

"Sohe, pasok na." Narinig ko ang boses ni Chris mula sa likuran ko.

Hindi na ako umimik dahil nawalan na talaga ako sa mood. Papasok na ako ng bigla siyang nagsalita.

"Is that Hyeshin?" Tumango ako. "She's still pretty even though she's already 30 years old."

Pumasok na lang ako sa inis. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nitong Chris Lee na ito at nagawa niya pang sabihin ang mga salitang iyan sa mukha ko. Alam niyang ayaw ko sa kapatid ko, so it's really obnoxious for her to say all of that in my face.

Maya maya ay nagsimula na ang laban nila Chris. Back to our original positions, Jaz is observing. I'm recording with Chris' brother, Christian. Sunod-sunod ang laban namin ngayon dahil kakatapos lang ng second semester kaya sinusulit na namin. Marami-rami ang kakalabanin namin at mula 100th rank hanggang 23rd rank.

Nandito ang Kings. Nakita ko ang pagsulyap nila Andrew, Red, Jay, Francis, Drake, Edison at siyempre, si Jaemin. Gulat at Gulo ang nakikita ko sa mga mukha. Ang sarap picturan dahil alam ko na kung gaano na sila naguguluhan dahil sa nakikita nila. They were like 'Are they planning to steal the crown again?' lalo na ang leader nilang si Andrew.

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon