Chapter 47: Stupid hangovers

2.2K 60 1
                                    

SOHE

Nararamdaman ko ang malambot na kama sa likod ko. Paano ako nakapunta sa condo ko? I looked around. Is this even my—

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng sakit.

"Stupid hangovers," I groaned and covered my face with my pillow.

After a while, I rolled off my bed only to be meeted with a white carpet.

Carpet? Wala akong carpet sa kwarto ko.

Agad akong umupo habang hawak ang ulo ko. I feel sick. I'm going to need some water.

Tumayo ako bago pinagmasdan ang paligid ko. The room is the same size as the one I have in my condo. The bed was king sized and on top was a crumpled violet duvet. May mga wooden closets sa gilid at purple ang pintura ng kwarto na may white carpet. It reminds me of someone.

Hinawi ko ang purple na kurtina, dahilan para makita ko ang nakakalula na imahe ng mga nagtataasang buildings, billboards at mga kotse. Where the heck am I?

Just as I was going to open the door, kusa na itong bumukas at iniluwa ang isang tao na hindi ko inaasahan na makita. She wore a blue sweater and gray sweatpants. I furrowed my brows when I saw her cute socks printed with a panda's face.

"Oh," her face remained expressionless "gising ka na."

I can't believe it. She's actually here right in front of me. Jaz-Rin is here. My sister, my best friend. I have forgiven her long ago. I couldn't hold grudges that long. Especially with her.

She stood straight and walked away, when she noticed I wasn't following, she turned and tilted her head to what I think is the kitchen. Binuksan ko ang bibig ko pero sinarado ko ulit. I'm at loss for words. Sinundan ko siya at napunta kami sa kusina. Pinanood ko siyang magsalin ng tsaa (since ang gamit niya ay isang teapot) sa mug.

I eyed the mug, debating if I should drink it or not. "It's ginger tea. It helps reduce nausea." Aniya.

Pinapanood niya lang akong deretsuhin yung iniinom ko. Hindi naman ito masyadong mainit o malamig, tama lang. Bukod sa mahilig ako sa tsaa, nauuhaw ako kaya dineretso ko na.

"Ang tagal na, huh?" Aniya. Tumango ako.

Nang matapos ko ng inumin ang tsaa ay binaba ko na ito. I fiddled with the hem of my sleeves, I didn't notice that I was wearing a sweater and a sweatpants, it's probably hers.

"Jaz," I called her attention.

She tilted her head and smirked, "It's Rinrin, or Rin for short."

I fake coughed. Right. "So, um, paano...?"

"Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa China, I worked for a while before I decided to take a brake and return here." Itatanong ko sana kung paano niya ako nadala dito pero inisip ko na siguro nagpatulong siya kaya tumahimik na lang ako.

My mind drifted to the time when we last talked.

"Hi,"

She blinked then waved at me. "Anong kailangan mo?" Iba siya. Her gaze was different. Dati may buhay ang kanyang mga mata, pero ngayon walang emosyon ang nakikita ko dito. It's like she's staring through me.

"Jaz," are you okay? Are you hurt? Are we still friends?

Naglakad siya patungo sa kama niya at umupo. "It's Rinrin. But you can call me Rin."

Nang makita niya na hindi ako gumagalaw. Ngumisi siya. "Ano pa ang ginagawa mo? Sampalin mo ako. Murahin mo ako. Traydor ako, hindi ba? Sige, ilabas mo na ang galit mo."

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon