CHRIS
"Long time no see, RSG." Nakangisi kong sinabi ng nakaharap na namin ang rank one ng TUC. I noticed that the twins aren't here. Ano na kaya ang nangyari sa kanila? The last time I saw them was our last fight two years ago.
Hindi pa rin nagbabago ang mukha ni Tiffany. Short, blonde hair. At sa suot niya ngayon, para nang second skin. Hindi na nagbago. At yung mga kasama niyang mukhang unggoy at gorilla, nandoon pa rin. Hindi makakaila yung fact na mas maganda pa rin ang Shidae Gang kahit ilang bugbog na ang natamo namin. Damn, I should stop criticizing them.
"Chris, my oh so sweet friend. Long time no see rin! I can't wait to beat your annoying face."
Tumuwid ako ng tayo at tinuro ang mukha ko, "Annoying face? Bitch, I can't even classify your face as human."
Napasigaw na lang ang fans ng gang namin. And, until now, hindi pa rin ako makapaniwala na natalo nila ang Kings sa isang round lang. Is it because Kings are just too weak? Or RSG are just really that strong?
"Hep hep! Nagkakainitan na, hindi pa nagsastart ang laban." Sinamaan ko ng tingin 'yung emcee. Nakita ko naman na tumaas-baba 'yung adam's apple niya. "It's better to not delay the fight further. Let the game begin!"
Sumugod si Bea, like she's really eager to knock all of them out. Nakatingin lang ako kay Tiffany, hindi kami gumagalaw. Napangiti na lang ako sa sinabi ni Sohe mula sa earpiece.
"Wag ka basta basta aatake. Lumakas si skwater girl."
Hindi ko na lang siya sinunod at sinugod ko na si Tiffany.
Sohe's right, she improved a lot. Pero hindi gaano. Because if I was her, I will be stronger in 2 years. Parang pang-egyptian ang moves niya, dahil siguro sa flexibility niya. Inangat ko ang kaliwa kong paa pero siyempre, joke lang 'yung aatakihin ko siya sa ulo. I don't want to kill... yet. Imbis na tatamaan ko siya sa ulo, ay umikot ang paa ko papunta sa ngayon ay mataba niyang tiyan kaya naman ay natumba siya.
Tinapakan ko ulit ang tiyan niya at bumulong sa kaliwa niyang tainga, "Hindi ka talaga marunong makiramdam. Ganoon ka na ba kabobo at hindi mo nalaman na hindi kita tatamaan sa ulo?"
Tinanggal ko ang paa ko sa tiyan niya tumayo ulit siya, handang lumaban ulit. Hinawakan ko ang kanang kamay niya at ang kaliwang balikat niya at pinatumba siya. Saktong tumama ang likuran niya sa malamig na semento. Sa sobrang lakas ng impact, gumawa ito ng tunog.
Medyo nahirapan siya tumayo dahil sa pagkatumba niya. Para na siyang lasing kung umatake, kaya naman ay naiiwasan ko ito ng madali.
"Nae-enjoy mo ata ang pagsuntok sa hangin?" Sabi ko, natatawa.
Hindi na ako nakapagpigil at tinamaan ko na ng kamay ang batok niya, kaya naman ay na K.O agad siya.
"I now announce, Shidae Gang as the winner!" Tinaas ng emcee ang kamay ko at ibinaba ulit, "Pwede ng kalabanin ng Shidae Gang ang mafia ng TUC as long as kayo pa rin ang rank one at nandito pa rin kayo."
-
BEA
"Are we really going to do this?" Jaz asked for the nth time. Medyo naiinis na si Chris base sa mukha na pinapakita niya.
Siniko ko si Jaz for her to shut up. Never ko pang nakita si Jaz na ganito kaniyerbos. Bakit ba? Ano ba ang problema niya? Natrack lang naman ni Sohe ang mafia ng tatay ni Chris, ang kakalabanin namin. May phobia ba siya sa mafia?
And for the first time, nilayo ni Sohe ang laptop niya sa kaniya at bigla bigla itong isinara.
"Hey! I'm still reading!" Sigaw ni Chris.
BINABASA MO ANG
Heiresses to Gangsters
ActionMay apat na hinahangaan sa buong eskwelahan: sila Chris, Sohe, Bea at Jaz. Iniidolo sila ng kapwa estudyante dahil bukod sa may itsura sila, matalino sila, hindi makabasag-pinggan ang kanilang kilos at mayaman pa. Sila ang sole heir ng kayamanan ni...