Chapter 10: Don't mess with Shidae's hacker

4.5K 122 7
                                    

SOHE

Pagkatapos iannounce ang pagkapanalo ni Jaz also known as Barbie, nagresearch ako tungkol sa isang gang. The Kings. I connected my laptop to the hidden cameras in The Underground City para mapanood ko ang laban ni Jaz. I also connected it to Bea and Chris' phone. Actually, sila Aubrey at Chennel lang yung may business meeting talaga. Si Chris nagshopping kasama ang tita niya while si Bea at ako may pasok.

Anyway, about the gang I was searching for. Alam kong may alam si Chris dito, well, who doesn't know them? They're the number one gang in The Underground City. Mga eight-thirty na ng mag pasya na ako na umuwi.

Nag dra-drive ako pauwi ng mapansin ko na may sumusunod na kotse. It looks familiar—Ah! Yan yung kotse na sumusunod sa'min noon!

Nasa highway pa rin kami pero kahit ganon halos wala ng kotse na dumadaan. Gabi na at puro puni lang ang nasa gilid. Ipinark ko ang kotse ko sa gilid. Nagpark din 'yung kotse na sumusunod sa likod ko.

Nakita ko na may bumaba na dalawang goons at lumakad papunta sa direksyon ko. Kumatok sila sa may driver side kung saan ako nakaupo. Hinawakan ko yung baril na nasa ilalim lang ng upuan ng ibaba ko ng onti yung bintana.

"What do you want?"

"Ikaw ba si Sohe sa Shidae Gang?"

Ngumiti ako, "Anong gagawin niyo pag sinabi kong hindi?"

Bigla niyang binulungan yung isa pang lalaki niyang kasama na mukhang goon din. I wasn't surprised when he showed me a pocket knife.

"Wait a minute." Bumaba ako sa kotse ko, not without putting the gun at the back of my jeans, just in case. Bakit naman ako bumaba kung pwede ko namang patakbuhin uli yung kotse? Simple lang, I want to play.

Tumaas yung kilay ko ng may lumapit pa na tatlong goons. Puro muscles yung katawan nila.

"Want to play?" Ngumisi ako ng magkatinginan sila.

"Let's play hide and seek. Pag nakita niyo kung saan ako nagtatago then there, dun na natin ituloy," agad akong tumakbo ng matapos ko iyon sabihin.

Kanina habang nag da-drive ako. Nakakita ako ng malaking puno. Kaya ko naman doon umakyat, so why not. It's too far from here kaya kailangan kong mag double time sa pag takbo.

Nakarating na ako sa malaking puno na nakita ko kanina at umakyat na. Nang maka-akyat na ako tsaka ko naman nakita yung dalawa sakanila na tumatakbo at mukhang hinahanap ako. Nakalagpas na sila sa punong inakyatan ko.

Mayamaya biglang tumigil yung isang goon sa kakatakbo at nagdial sa phone niya, "Boss, sa tingin ko nakatakas na siya! Ang duwag naman nun Boss! Tinakasan kami!"

"Okay Boss! Sigurado hindi pa yun nakakalayo dito."

Umurong ako ng onti para marinig yung iba niya pang sasabihin dahil medyo humina yung boses niya. Baka sakaling makakuha pa ako ng info. Nakatapak ako ng dahon kaya nadulas ako.

"Fuck!"

Nalaglag ako sa mga bushes na malapit sa puno. Dahil doon napalingon yung mga goons sa'kin.

"Looks like you found me."

Pumunta naman agad yung tatlong goon na kasama niya. One of them tried to grab me but I quickly grabbed his hand and twisted it. Napahiyaw siya but that doesn't end there, tinuhod ko siya sa sikmura kaya napaluhod siya, saka ko tinuhod yung mukha niya kaya knock out na siya.

Bigla namang sumunod yung isa nitong kasama. Napadaing ako ng biglang sumakit yung likod ko, siguro dahil sa pagbagsak ko. Dahil doon nagkaron siya ng tsansyang masapak ako.

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon