Chapter 45: Knight in Shining Armor

2.4K 76 25
                                    

SOHE

Nagising ako sa kwarto na amoy gamot. I instantly knew that I was in a hospital. Judging by the apearance of the whole room, nasa V.I.P room ako. Hindi na masakit ang mga sugat ko at ramdam ko na may bandages na nakabalot sa kanila. Sino naman ang nagdala sa'kin dito?

Tumingin ako sa kamay ko ng maramdaman ko na humigpit ang kapit ng tao na nakahawak sa kamay ko.

"Jaemin?" Umangat ang tingin niya sa'kin.

"Sohe! You're awake! Thank God!" Hinalikan niya ang kamay ko na hawak niya at niyakap ako ng mahigpit. "You were asleep for two days. I was worried you would take longer to wake up. Damn it." He whispered then looked at my eyes.

Doon ko napansin ang eyebags niya. Don't tell me hinintay niya akong magising sa loob ng dalawang araw na yun?

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin na pupunta ka sa lugar na 'yon? Akala ko ba ginive-up mo na ang pagiging gangster? I even gave up being one because you told me that it was childish. Ngayon alam mo na kung sinong immature sa'ting dalawa."

I smiled remembering the day I told him that. Yun din yung araw na nagkawatak-watak ang gang.

"Nabasa mo pala ang note ko." Bago kami pumunta sa bataan, nagleave ako ng note sa table doon sa condo ko. Sinabi ko ang plano namin na pumunta doon. I knew that he would go to my place someday, buti na lang nabasa niya 'yon nung araw na yun kung hindi patay na kami.

"Of course. Pagkatapos ko basahin yun agad kong tinawagan ang tropa."

I smiled. "You did great, my knight in shining armor."

"By the way, dinala niyo rin ba sila Bea?" Since dinala nila ako rito, they must have brought Chris and Bea too. Hopefully.

"Oo, gising na sila Chris at Bea kahapon pa. Si Jaz hindi pa."

Nanlaki ang mata ko, "Jaz? Nandito rin si Jaz?"

"Oo naman. Nakita namin siya na nakahilata sa labas ng kwarto na pinag-iistayan mo kaya kinuha na rin namin siya. Nakakagulat nga eh, tulog lahat ng mga tao doon pagkadating namin."

Kinuha ko yung candy na nasa ibabaw ng drawer at in-unwrap ito para kainin.

"I need to see Chris and Bea."

Tatayo sana ako pero pinigilan niya ako, "Teka, kakagising mo lang. Magpahinga ka mun—"

"No! Kailangan ko sila makita. This is an important matter!" Hinigit ko ang pula na tshirt niya para makatayo.

Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang braso at balikat ko. "Sige. Kung 'yan ang gusto mo."

Inalalayan niya akong tumayo. Sinamahan na rin ako papunta kela Chris.

Now that I know that Jaz is here. I don't know what to do when she wakes up. Should I greet her? Get mad at her? I don't know. Sa totoo lang litong-lito ako. I have so many questions in my mind.

Why does she have to betray us? What made her agree to do that? Paano niya natiis na hindi sabihin sa amin 'yon? We've been treating each others like sisters all these years. And yet, hindi pala namin talaga siya kilala. Whenever we ask her if there's a problem she always smiles and jokes about it.

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon