SOHE
"Bakit nandito ang kings?" Bulong sa akin ni Jaz.
Himala dahil kami lang ang magkasama ngayon. No Bea, at wala din si Chris. They're all doing their own business. Pero ang pinagtataka ko lang, bakit nandito yung buong Kings? As far as I know, mga schoolmates ko lang ang ininvite ko. And ang schoolmate ko lang ay si Jaemin. Wala akong naaalala na pati yang mga yan school mate ko.
"Be careful. Aakyat lang ako sa kwarto natin." Bulong ni Chris sa aming dalawa.
"Okay," Humarap ako kay Jaz, "Jaz. Doon muna tayo kung saan maraming tao."
"Sige." Sabi niya. Hindi niya mapigilan na hindi tumingin ng masama sa kanila.
"Stop staring at them or they'll find you obvious." Humarap na siya sa dinadaanan niya.
Nakasalubong namin si Mommy, "Oh? Jaz at Sohe. Bakit kayo nagpunta dito?"
Si Jaz ang sumagot, "Wala lang po, trip lang namin." Sige, tawa lang kayong dalawa.
"Perfect timing!" Pasigaw na sabi naman ni Tita Katherine.
"Huh?"
"Ano po iyon?" Tanong ko.
"Both of you," Hinila niya kami sa backstage, "Make a speech for the visitors. Kukuha lang ako ng cake."
For a split second I thoug I saw Jaz glare at her mother,"Okay."
Binigyan kami ng mga mic at pumunta na ng stage.
Siniko ako ni Jaz, "Ikaw una."
Siniko ko siya pabalik, "Ikaw na."
She smiled sa audience, "Thank you po sa mga dumating." Hinintay ko pa siya magsalita pero wala na siyang sinabi pa.
'Yun na 'yun? Tumingin ako sa kaniya at nagsignal na ako na. Hahabaan ko para hindi boring.
"Thank for our parents, titas and titos, ninangs and ninongs, grandmas and granpas, cousins, schoolmate, teachers, and friends. Salamat po talaga sa mga dumating and the ones who gradually want to celebrate our debut. Kudos to our friend Aubrey who did the foods and Chennel for the hotel. Thank you to all of you," then I smiled. Nagpalakpakan yung mga tao.
Kinuha ko yung champagne sa tray na dala ng isang waiter sa tabi, inabutan ko rin si Jaz ng baso ng champagne, "Cheers!" We clinked our glasses and drank from our glass.
Nagmukha namang kapre si Jaz dahil mas matangkad nga siya sa akin. Buti nalang naka killer heels ako pero kahit ganun hindi ko parin siya matangkaran! Naka heels din kasi siya eh.
We bowed ninety degrees and left the stage. Kainan na!
Nasaan na ba kasi sila Bea, Aubrey, Chennel, at Chris? Ano 'to iniwan ang mga celebrants? Nagring yung phone ko na nasa mini purse kong dala. I fished my phone out and it's Chris dialing. Hindi ako makakuha ng signal kaya lumabas ako. Sinundan naman ako ni Jaz palabas dahil wala daw siyang kasama.
"Hello—"
"Sohe! Sa likod mo!" Ano raw?
Tumingin ako sa likod ko—
JAZ
"Sohe!" Binuhat ng isang lalaki ang natutulog na Sohe at hinila naman nila ako. Sinuntok ko yung lalaki na humawak sa'kin at umatras ng ilang hakbang.
Tinitigan ko sila ng masama. "Anong kailangan mo sa amin?!"
Bakit pa kasi kami lumabas? Okay na kami sa loob. And where's the guards here?! Aren't they supposed to protect the celebrants more than the people inside?!
BINABASA MO ANG
Heiresses to Gangsters
ActionMay apat na hinahangaan sa buong eskwelahan: sila Chris, Sohe, Bea at Jaz. Iniidolo sila ng kapwa estudyante dahil bukod sa may itsura sila, matalino sila, hindi makabasag-pinggan ang kanilang kilos at mayaman pa. Sila ang sole heir ng kayamanan ni...