Chapter 26: You still keep secrets from me

2.9K 84 14
                                    

CHRIS

"So ganito yung plano..." Nag-usap usap kami tungkol sa plano ng blind date ni Bea.

Yayayain namin siya kumain sa isang fancy restaurant pero di namin siya sisiputin. Imbis, si Jay yung pupunta doon. Kasabwat namin ang Kings at hindi ko alam kung pano sila nakumbinsi ni Jaz.

"Ayiee! Excited na ko!" Para namang may uod sa pwet niya kung makagalaw.

Nandito kami sa loob ng van na isang street ang layo sa resto na nirentahan namin.

Oo, nirent namin for one night ang buong resto. Paano? Money, of course. Sinabi namin kay Bea na magse-celebrate kami sa paghihirap na dinanas namin kahapon para pumayag siya.

Anyway, naka-connect yung CCTV ng resto dito sa mga computer sa van so nakikita namin ang nangyayari sa loob. We'll just wait for the princess to come.

-

"Ang tagal naman nun! Ilang oras ba yun mag-ayos?" Reklamo ni Jaz na kanina pa naglalaro sa PS Vita niya.

"Ginusto mo 'to. Dapat kami pa nga ng nagrereklamo eh. Imbis na natutulog at nagpapahinga ako sumama ako sa inyo." Iritang saad ko.

Nag-pout siya. "Buti nga binilhan kita ng DQ eh!" Well, totoo naman. Kaya lang niya ako napapayag ay dahil sa DQ.

Maya-maya humikab si Jaz. "Guys, gisingin niyo na lang ako pag dumating na siya." Sabi niya bago humiga sa lap ni sohe at ipatong yung paa sa lap ko na inalis ko naman.

SOHE

Ayan na, pumasok na si Bea.

Nakarinig ako ng hilik kaya nilingon ko ang natutulog na si Jaz sa lap ko.

Psh! Siya ang pinaka-excited sa lahat kani-kanina lang pero eto siya at mahimbing na natutulog. Sa lap ko pa! Aba, ang swerte niya naman!

Kumuha ako ng unan at tinakpan ko yun sa mukha niya kaya nagising naman siya.

Dahan-dahan itong bumangon habang nagkakamot ng mata.

"Huh? Anyare? Nagme-make out na ba?"

Binatukan siya ni Chris na binubuksan ang paper bag ng DQ. "Sira! Make out agad?"

Ngumisi si Jaz at tinaas-baba yung kilay. "Bakit? Gusto mo jugjugan na agad?" Sabay halakhak.

"Manyak!" Sigaw ko. Si Chris naman binatukan siya.

BEA

Tinusok-tusok ko yung pasta na nasa harapan ko sa inis.

Bwisit! I-set up ba naman ako! At dito pa sa isang miyembro ng Kings! Humanda sa'kin sila Jaz!

Nang may nagtext sa'kin ng "Sorry, we lied~" from an unknown number ay nalaman ko na hindi nila ako sisiputin! Kaya ang resulta, sinigawan ko yung mga guard na ayaw ako palabasin.

Kung pwede lang sanang baliin yung buto nila matagal ko nang ginawa!

At eto namang katapat ko nakangiting-aso. Ngayon lang siguro nakadate ng dyosa.

Dahil mukhang walang balak magsalita iyong ka-date ko 'kuno.' Ako na ang nagsimula ng conversation. "Since nandito din naman tayo, mag-usap na lang tayo. That's what they want, anyway."

Ngumiti siya. "Ano bang gusto mong pag-usapan natin?"

Ano nga ba? Hmmm...Might as well get some information about his gang.

"Bakit naisipan ni Andrew na magtayo ng gang?" Maingat na tanong ko. Nakikiramdam.

"Hindi naman siya ang nagtayo ng gang."

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon