Chapter 19: Beg

3.2K 100 11
                                    

JAZ

Tatawa-tawa ako pagkababa ko ng van.

"Nauto ko talaga si Chris dun?" Bulong ko sa sarili ko. "Ang galing ko talaga!"

"Tsk, siraulong 'to! Umamin ka din," rinig ko sa earpiece na suot ko.

Nanlaki ang mata ko.

Boses yun ni... Ni C-Chris! BOSES NI CHRIS LEE! I am sooo dead!

Nakalimutan kong may earpice pala akong suot! Hay nako! Minsan ang engot mo talaga, Jaz!

"Make sure that you do your job with no mistake."

Nagsalute ako kahit hindi niya ako nakikita. "Yes, boss!"

Pagkapasok ko, pinagmasdan ko ang paligid. Ang mga bintana ay tinatakpan ng mga kahoy. May onting siwang sa pagitan ng mga ito kaya medyo may pumapasok na liwanag. Ang buong paligid ay maalikabok, yung iba may spider web. May malaking chandelier sa gilid na sira na. Halos lahat ng mga gamit ay natatakpan ng puting tela, yung iba naman sira-sira na.

"Jaz, mayroong stairs diyan sa right side mo, may elevator naman pero sira na. So it means na kailangan mo gamitin yung stairs papuntang fifth floor." Base sa boses, si Sohe yung nagsalita. "Don't make any noise. Isang pagkakamali lang malalaman na nila kung nasaan ka."

"Okay!" Mahinang bulong ko.

Tumakbo ako papunta ng hagdanan kahit madilim at wala akong makita. Luckily, hundi ako bumangga sa kahit na ano.

Umakyat ako papuntang second floor. Buti na lang bukas mga bintana dito. Mas mapapadali ang misyon este, utos sa'kin ni Chris.

"Remember, sa fifth floor. Be careful nga lang kasi may mga trap diyan at sigurado akong may mga underlings ng mga RSG diyan."

Hindi ako sumagot, instead naglakad lang ng deretso. May nakita akong dalawang lalaki doon.

Malas niya. My first victim.

"Jaz, paalala, no killings. Kasi pag ginawa mo yun, hindi lang ang image mo ang madadamay. Pati ng parents mo. Tsaka, you don't want to be a murderer so wag na wag mong gagawin yo--" tinanggal ko yung earpiece ko at tinapak-tapakan.

I smirked. You don't need to tell tme that.

Third Person's

Nagulat sila Bea ng lumabas ang "CONNECTION LOST" sa laptop ni Sohe.

"Jaz! Jaz! What happened?!" Tarantang sigaw ni Sohe.

Kumunot naman ang noo ni Chris, "What happened?" Tanong nito. Nakaupo lang kasi ito sa harap at nagmumuni-muni habang sila Bea at Sohe ay sa likod nakaupo at naghihintay ng news sa laptop.

"Nawalan tayo ng connection kay Jaz," kinakabahang sagot ni Sohe.

"Why?" Tanong ni Chris.

"Baka inatake na siya ng mga underlings ng RSG! Chris! What do we do?!" Natatarantang saad ni Sohe at kung anu-ano ang pinagta-type sa laptop.

Umupo ng maayos si Chris, "Calm down. All we have to do is trust her," mahinahong saad nito kahit sa loob-loob ay medyo kinakabahan din siya.

Huminga ng malalim sila Sohe at Bea. Kahit papaano kumalma sila sa sinabi ni Chris pero hindi parin nilang maiiwasang kabahan.

JAZ

"This is the last time that I'll ask you. Where is your boss?" Tanong ko sa lalaki na kanina ko pa pinagsusuntok pero ayaw magsalita. Nasa fifth floor na ako pero hindi ko sila mahanap-hanap. Ang laki kasi ng floor na 'to.

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon