Chapter 23: Shall we start the game?

3.3K 104 19
                                    

BEA

Ang aga aga pinapabangon na agad ako. Ano ba meron? Minulat ko ang mga mata ko. I looked at my alarm clock, 5:00 freaking am palang! Ayoko pang bumangon. Matutulog na ulit ako.

"Don't even think of going back to sleep again, Kim Bea." And with that voice, it's Sohe.

Napabangon naman ako. "Anong ginagawa mo dito? At bakit ka naka-uniform? Bakit ang aga mo dito? Anong meron? What's with the get up?"

"Hinay hinay lang sa questions Bea. Mahina kalabanan," sabi niya, "Susunduin kita ngayon, Chris' words."

I raised my hands, "Maaga pa!" Jesus! Let me sleep!

"Pupunta tayo sa school ng ganito kaaga not because we're there to study. We're going there to fight. Kaya tara na magbihis ka na."

Hindi ko rin alam kung bakit kailangan ang aga aga naming pumunta ng school. Oo nga pala, makikipaglaban kami.

Wait.

Makikipaglaban?

"Hoy Sohe!" Sigaw ko bago ako makapasok sa loob ng CR.

"Bakit? Maligo ka na!" Sabi niya, "Mamaya ka na magtanong."

Pumasok naman ako sa CR. Kahit kelan talaga, hindi nagiinform si Chris. On the spot pa ang pagsasabi. Hindi manlang nagtext kagabi at ngayon niya lang sinabi kung kailan araw na ng laban. Teka, sino nga ba kakalabanin namin?

-

Sina Jaz at Chris nandoon na daw sa school at kami na lang ni Sohe ang hinihintay. Ang pinagtataka ko lang ay kung paano naman sila nakapasok 'e 5:58 pa lang. Nandoon naman si kuyang guard at mukhang hindi naman sila nagpapapasok ng ganito kaaga.

Bumaba na kami sa kotse at shit, ang lamig. Malamang, madaling araw pa lang.

Lumapit si Sohe kay kuyang guard. "Good morning kuya. Kagrupo namin si Chris Lee, gagawin na po namin yung science project namin." Ngumiti siya. At dahil diyan, nakapasok kami.

Natawa ako, "Putek 'yang killer smile na 'yan."

Hindi naman ako pinansin ni Sohe kasi busy siya sa pagse-cellphone. Wow! Himala! Nagbukas siya ng cellphone at nakikipagchat pa siya sa line. Minsan lang kasi siya nagbubukas ng cellphone.

CHRIS

"Ang tagal naman!" Nag-whine si Jaz. Kanina pa kasi kami naghihintay dito at hindi pa rin sila dumadating. Ka-chat ko si Sohe at nasa field pa lang daw sila.

Nandito na rin ang Kings. Kanina pa.

Oo. Ang Kings ang makakalabanan namin ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako hinamon ni Jaemin. Hindi kasi ako nakatulog kagabi because of that dream so why not go to school early since palagi akong late. Sa kasamaang palad nakasabay ko si Jaemin tapos bigla niya akong hinamon.

"Grabe, halos one year na kaming naghihintay dito." Narinig kong sabi ni Red.

"Wag ka ngang OA! Five minutes ka pa lang naghihintay dito kaya shut up." Bulyaw ni Jaz.

Kanina pa kasi sila reklamo ng reklamo samantalang sampung minuto pa lang sila naghihintay. Kami nga ni Jaz halos isang oras na. Si Bea kasi. Ang dami pang ritwal na ginagawa sa loob ng banyo. Ang aga-aga niya magpaganda.

Hindi naman umimik si Red dahil sa pangbabara ni Jaz.

-

After 34329 years of waiting, dumating na sila Sohe. May dala pa nga siyang Chinese Food at DQ naman yung kay Bea. Nawala yung pagkakakunot ng noo ko ng nakita ko yung bag ng DQ.

Nagdistribute sila. Pansin ko yung Kings naiinggit na tumingin sa amin. At napansin ko rin na hindi ako binigyan ng DQ.

"Asaan yung akin?" Tanong ko. Aba! Ang unfair kaya.

Si Bea ang sumagot, "Wala. Eto oh, Chinese Food."

Medyo nainis ako. Alam nilang favorite ko ang DQ pero hindi nila ako binigyan?! "What the fuck?" Nagtawanan sila sa sagot ko. Di nagtagal binigyan din ako ni Jaz. Buti naman.

"So, shall we start the game?" Ani ko nang matapos kaming kumain.

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon