SOHE
"Jaz," Sabi ni Chris at humarap naman sa kaniya si Jaz, "Dahil meron kaming mga meeting this day and it happens to be na ikaw lang ang wala, may misyon ka."
"Ano 'yon?" Tanong ni Jaz. Himala! Pinatay niya ang kanyang PSP para makinig kay Chris.
"1 VS. 20 kayong maglalaban. Matira matibay." Sabi ni Chris.
"Saan gaganapin?" Tanong naman ni Aubrey.
Tumingin sa kaniya si Chris, "Saan pa ba? Sa TUC."
Lumingon sa'min si Chris. "Sohe, Bea, Aubrey, Chennel, diba meron pa tayong meeting?"
We all nodded and packed our things.
"Hoy! Teka lang! Paano ako?" Tanong ni Jaz.
"Sohe will text you the place," sagot ni Chris.
"One more thing, text mo nalang kami pag nasa hospital ka na okay? Baka naman humingi ka ng tulong sa gitna ng laban?" Sabi ko sa kaniya.
"Tse!" Umupo siya at nag PSP ulit.
JAZ
Nandito ako ngayon sa Underground City Arena, nakikipag-chat sa tatlong bruha. Hindi online yung kambal eh.
"Galingan mo."
Grabe! Ang lakas mang cheer! Bumababa tuloy confidence ko. Baka matalo ako--
Ngumisi si Sohe. "Ano? Gusto mo ako magdala sayo sa ospital? Pupuntahan kita dyan. Just call me." Umalis na siya sa video call.
"Wag na! Gagalingan ko na!" Sigaw ko.
"Magsastart na yung meeting. Log out na ako," nagpaalam si Chris at umalis na sa video call.
"Galingan mo ah!" And they're gone.
Mga kasama ko. Huhu. Di man nila ako pinagsalita.
"Bahala na si batman." Sumandal ako sa kinauupuan ko. Hinihintay ko lang na magsimula yung laban.
Mayamaya narinig kong may nagsalita sa mga malalaking speakers dito.
"Participants! Please go to the stage! If you don't, you're immediately disqualified!"
Tumayo na ako at tumakbo papunta sa stage. Pagpunta ko ako palang nandoon. Wala pa yung ibang manlalaro.
"So we have our first fighter!" Sigaw ng Emcee na nasa tabi ko lang. Bumulong siya sa'kin, "What's your name?"
Name? Name? Ano kaya? Am I going to say my real one or—
"Faster!" Dumating na din kasi yung ibang fighters.
Dahil kinakabahan ako, sinigaw ko na yung unang lumabas sa isip ko. "BARBIE!"
Wala ako maisip eh.
Nag-echo sa buong arena yung sinigaw ko. Nakarinig naman ako ng mga tawa.
"Barbie? Is this girl serious?" Tawa ng isang fighter.
"Ano 'to lokohan?" Tawa naman ng isa.
Nag-pout ako. Ang sama nila! Parang sila hindi nakanuod ng barbie! Ang ganda niya! Feeling ko tuloy namumula na yung mukha ko sa hiya. Bukod sa ang lakas ng pagkasabi ko, naka tutok pa yung camera sa mukha ko. Which is connected to the big screen na nakapalibot sa arena. Ibig sabihin, kitang kita nila yung mukha ko ngayon na namumula.
After nun tinanong niya na din yung ibang fighters. Tapos nagsabi siya ng rules.
"There are three rules!" Sigaw ng emcee.
BINABASA MO ANG
Heiresses to Gangsters
ActionMay apat na hinahangaan sa buong eskwelahan: sila Chris, Sohe, Bea at Jaz. Iniidolo sila ng kapwa estudyante dahil bukod sa may itsura sila, matalino sila, hindi makabasag-pinggan ang kanilang kilos at mayaman pa. Sila ang sole heir ng kayamanan ni...