AUBREY
"Miss, dumudugo ilong mo. Okay ka lang?" Nagulat ako nang may nagabot sa akin ng panyo. Naglalakad kasi ako sa sidewalk nang may nakita akong upuan, uupo na sana ako pero eto nga, dumudugo raw yung ilong ko.
"Thank you. Init lang 'to, thanks for the concern though," sabi ko doon sa lalaki at nag smile.
"Ah sige. Aalis na ako? Keep that hankie. Ingat," aniya at tuluyan ng umalis.
Dumudugo na naman? I've talked about this with Sohe yesterday. Oo, okay kami, pero not that much. Sabi niya, pumunta na daw ako sa doktor para magpatingin. Kaya I really think it's the right time.
I fished my phone out of my bag and dialed Sohe. Dalawang ring ang lumipas bago niya sagutin.
"Hello?"
"Hi Sohe. Pwede mo ba ako samahan sa Hospital niyo, kung hindi ka ba busy?"
"Hindi naman. Sige, nasaan ka ba? Nagdadrive ako eh, papuntang hospital." I smiled, bitterly. Tamang tama.
Tumingin ako doon sa bus stop king nasaan ako, "Bus stop number 4, sa tapat ng McDonald's."
"Ah sige. Buti naman at pumayag ka na pumunta. Oh sige na, bye." Binaba niya na ang tawag.
Hindi ko pa ito sinasabi kay Chennel at sa parents ko. This is my body, and I should be the first to know what's wrong. Hay. Sana naman, dahil lang ito sa init. Ayoko pang mamatay. I mean, who would want that? No sane human would ever want to die.
Ilang minuto din at dumating na yung sports car ni Sohe. I raised my brow, pupunta lang ng hospital naka sports car pa.
Pumasok na ako sa loob at nginitian siya na siyang ibinalik niya naman.
"Good afternoon," I greeted.
Tumingin ako sa bintana. Nang mapansin ko na hindi umaandar ang kotse ay nilingon ko si Sohe na... nag-alalala na nakatingin sa'kin? Nag-aalala o naaawa? I laughed dryly which made her snap back to reality. She gave me a puzzled look.
"You should take a picture."
"Why?" Bakas ang pagtataka sa boses niya.
"It lasts longer," I answered with a smirk then returned my look through the window. The images looked blurry as we're driving.
She rolled her eyes then started to drive. "Hindi. It's just that..."
I turned to look at her. "What?"
"You look pale. Paler than usual, Aubrey."
I clicked my tongue. "Hay nako. Kaya nga pupunta ng ospital diba? Bili na. Naiihi na ako."
After half an hour or so, ipinarada niya na yung kotse at lumabas na. Kinuha niya yung lab coat niya sa back seat at sinuot na ito sa ibabaw ng whitewashed jeans at baby blue blouse niya. Pumasok kami sa loob at lahat sila binabati si Sohe. Oo nga pala, siya na ang mangangalaga ng hospital na ito pagkagraduate niya.
"Stay here," abi ko sa kaniya. She looks confused, "Ako na lang papasok."
She sighed in defeat, "Okay. Call me if you need anything."
Pumasok na ako at ginreet ang doktor.
-
"Thank you," nginitian ako ng doktor kaya lumabas na ako.
Umupo ako sa isa sa mga upuan doon sa waiting area. Bumuntong hininga ako bago tawagain si Sohe. Ilang ring na ang lumipas ay hindi pa rin niya sinasagot. I was going to hang up but then she answered. It made me irritated.
BINABASA MO ANG
Heiresses to Gangsters
AcciónMay apat na hinahangaan sa buong eskwelahan: sila Chris, Sohe, Bea at Jaz. Iniidolo sila ng kapwa estudyante dahil bukod sa may itsura sila, matalino sila, hindi makabasag-pinggan ang kanilang kilos at mayaman pa. Sila ang sole heir ng kayamanan ni...