Third Person's
After 3 months...
Kasalukuyang nagpapractice ang varsity team ng volleyball sila Aubrey at Chennel kasama na si Chris na varsity din.
"Aubrey saluhin mo!"
"Aubrey! Ayusin mo!"
"Ayan na yung bola!"
Maya-maya ay pinagpahinga na sila ng coach. Nagsi-upuan ang mga player sa bench sa pagod.
"Aubrey, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ng coach nila.
Tumango si Aubrey, "Stress lang po."
Tumango ang coach at tinapik si Aubrey sa balikat. "Oh sige, 'wag ka na muna maglaro."
"Kambal, gusto mo?" Inilahad ni Chennel ang binake niyang cake bago sila pumasok.
"No, thank you," magalang na tugon ni Aubrey at pumikit.
Umiling si Chennel. "Hindi ka nga kumain ng almusal at lunch kaya malamang gutom ka. Hindi ako papayag na mamayat ka," nagpout si Chennel.
Totoo ang sinabi nito, hindi ito kumain ng almusal at lunch. Ang palagi nitong sinasabi ay wala itong gana.
Pilit na ngumiti si Aubrey. Tinanggap niya na lang ang cake para hindi na magtaka ang kambal. "Oh eto na!" Sumubo siya ng malaki. Tinawanan siya ni Chennel.
"C.r. lang ako." Tumango si Chennel.
Dali-daling naglakad si Aubrey papasok ng bathroom. Sakto namang walang tao kaya nilock niya ang pinto at dinura sa basura ang cake na kanina niya pa nginunguya. Wala talaga siyang gana. Isa ito sa symptons ng sakit niya.
"I'm sorry," sabmit niya sa sarili. Alam niya kasing magtatampo si Chennel pag nalaman nitong dinura niya ang cake na pinaghirapan niting gawin. At isa pa hindi niya masabi-sabi ang kalagayan niya. She may be mean but she truly cares for her sister.
Naghilamos siya at tinitigan ang repleksyon sa salamin.
Mas naging slim na ang mukha niya tanda na pumayat siya. Namumutla din siya at maitim ang paligid ng mata tanda ng pagpupuyat.
Bigla na lamang nagdugo ang ilong niya kaya dali-dali niya itong pinahid at naghugas ng kamay. Ngunit ayaw magtigil sa pagtulo nito kaya naghanap siya sa tissue dispenser pero wala nang laman. Inis na inihampas niya iyon. Wala siyang ibang choice kundi humingi sa clinic.
Binuksan niya ang pinto at nagulat siya ng makita si Chennel sa tapat nito.
Nanlaki ang mata nito. "Aubrey! Nagdudugo ilong mo!"
-
"Maayos naman siya. Dala siguro ng stress kaya siya nagdugo ang ilong niya." Hinarap nito si Aubrey, "Huwag mo masyadong papagurin ang sarili mo." Ngumiti ang doktor.
Nakahinga naman ng maluwag si Chennel.
"Okay, thanks doc."
Tumango na ang doktora at tumayo. Sinulyapan nito si Aubrey bago lumabas.
"Aubs! Wag mong pagurin ang sarili mo, okay? Dapat inumin mo ang binigay niya sayo. Tinext pa naman ako ni Tiffany bruha," Umirap ito ng sabmitin ang pangalan ng kanilang leader. "Kakalabanin na natin ang Shidae gang next week at sigurado na tayo na matatalo na natin sila, just like we planned. Ne?"
Tumango na lamang si Aubrey sa narinig. Nagkwento naman si Chennel ng kung anu-ano.
Sa gitna ng pagkwekwento ni Chennel tila umulit ang senaryo kanina.
BINABASA MO ANG
Heiresses to Gangsters
ActionMay apat na hinahangaan sa buong eskwelahan: sila Chris, Sohe, Bea at Jaz. Iniidolo sila ng kapwa estudyante dahil bukod sa may itsura sila, matalino sila, hindi makabasag-pinggan ang kanilang kilos at mayaman pa. Sila ang sole heir ng kayamanan ni...