JAZ
Kailangan na namin umalis, dahil sabi ni Chris, mag-eend na yung sembreak.
"Ayaw ko pa umalis!" Sigaw ko habang naglalakad ng mabagal sa hallways ng villa ni Chris.
"Hoy!" Tumingin ako doon sa sumigaw.
Nakaturo sa akin si Bea tapos si Sohe naman nakapamewang. Oh no! Here come's trouble, again!
"Ang bagal mo maglakad!" Sabi ni Bea.
Pumunta sila sa direksiyon ko at hinila ako, yung kaliwa kong kamay ay hila-hila ni Bea tapos yung isa naman ay hila-hila ni Sohe.
"Para kang bata na ayaw umalis sa isang beach resort. Mapagalitan pa tayo ni Chris dahil sa'yo eh." Kalmadong sabi naman ni Sohe.
Buti pa si Sohe! Kalmado mag salita, i-compare mo naman dito sa amazonang reyna ng pangbabatok na hila hila ako ngayon. Reyna na nga ng pangbabatok, amazona, KJ pa! Jusmiyo! Hindi ko nanaising tumira sa isang bahay kasama ng ganyang tao!
"Ang tagal niyo." Kunot-noong saad ni Chris.
Nakatingin parin ako dun sa pool at parang gusto ko pa ulit tumalon.
"Gusto mo bang mag bakasyon pa dito ng maraming araw, Jaz?" Tumingin ako kay Chris. Ang bait niya naman ngayon. Anong meron?
"Sure ka diyan? Sige ba! In na in ako diyan!" Tumango-tango pa ako.
Humarap siya sa mga guards, "Guards, i-lock niyo lang siya loob nitong villa. 'Wag niyong palalabasin. Babalikan nalang namin siya after one year," Humarap siya sa akin at nagtaas ng kilay, "Okay ka ba do'n, Jaz?"
Pumasok ako sa Van and shook my head, "Sige. Pass na lang ako diyan. May school pa tayo eh."
Pumasok na silang lahat. Nung tinignan ko si Chris parang gagawin niya talaga yung eh! I forgot, if Chris said it, Chris will do it.
-
Nang makarating kami sa ariport. Nagpahinga muna kami.
"Starbucks? Guys?" Tanong ni Sohe.
"Treat mo?" Tanong ni Bea.
"Huh? Ano ka? Ikaw nga mas matanda sa atin dapat ikaw ang nang lilibre." Tumalikod siya at pumasok sa Starbucks. Sumabay naman ako dahil nagugutom na ako. I'm craving for their Waffle.
"Ikaw, Chris? Anong gusto mo?" Tanong ko kay Chris na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala.
"Gusto ko ng DQ—" Before she can finish her sentence, I cut her off.
"Walang ice cream shop dito," ani ko. Dumating si Sohe na dala yung orders namin, "Eto oh! Mag donut ka nalang! Or frapuccino." Pinakita ko sa kaniya 'yung box na puno ng donut. Kumuha ako ng chocolate flavored at kumagat.
Tinitigan niya lang ako, "Hindi ako mahilig sa kape." Tumalikod siya at naglakad papalayo.
"Edi wow. Sosyal na nga na kape hindi mo pa gusto. Wow na wow na talaga," sagot ko. Without turning around, I saw Chris raise her middle finger.
Nanlaki yung mata ko. Baliw talaga 'to si Chris! Mamaya may bata na nanonood e. "Hoy! Bad 'yan!"
Humarap naman ako kay Sohe. Meron na agad nakasubong lollipop sa bibig niya. Ang weird naman nitong mga kasama ko!
"Hindi ba iinom ka pa ng kape? Ba't ka may candy?"
"Candy is fun," aniya.
Naka-order na kami at umupo na kami 'don sa mga available couches. Sina Bea at 'yung kambal nasa Burger King.
BINABASA MO ANG
Heiresses to Gangsters
ActionMay apat na hinahangaan sa buong eskwelahan: sila Chris, Sohe, Bea at Jaz. Iniidolo sila ng kapwa estudyante dahil bukod sa may itsura sila, matalino sila, hindi makabasag-pinggan ang kanilang kilos at mayaman pa. Sila ang sole heir ng kayamanan ni...