BEA
"Gising naaa! Bea! Bea! Bea!" Rinig kong sigaw.
Dumilat ako at nakita kong natalon-talon si Jaz sa king sized bed ko.
"Ayun! Gising na siya!" Sabi niya at tumigil na sa pagtalon.
Nainis ako bigla. Ang sarap sarap ng tulog ko tapos gigisingin nila ako!
"Nila" dahil nandito ang buong Gang. Si Aubrey na tumitingin sa cook book at si Chennel na nagsiscribble. Himala hindi ata sila magkatabi. Si Chris naman pinupunasan yung kutsilyo na hawak niya. At si Sohe nagla-loptop.
"Ano ba ginagawa niyo dito?!" Inis kong sambit.
Pansin ko lang. Bakit sila naka uniform--"Eh kasi po may pasok na!" Sigaw ni Jaz.
Ay tongak! Oo nga! Sinabi pala ni Sohe yun kahapon! Pagtingin ko sa digital alarm clock 7:22 AM na! Takte!
Nagmamadali akong bumangon at dumeretso sa banyo.
-
"Gutom na ako." Nababagot kong sabi habang nakatingin sa labas ng bintana ng limousine ko.
"Young miss, sabi ko po sa inyo kumain muna kayo. Hindi pa po tuloy ako nakapagdala ng pagkain," nag-aalalang sabi ni Diane, Personal Assistant ko.
Sa sobrang pagmamadali hindi na ako kumain ng breakfast. Pagkalabas ko nga pala ng bathroom wala na yung limang bruha. Nauna na daw pumasok. First day ng second semester late agad ako! Nakakainis! Nakalimutan kong mag-alarm kagabi.
Bakit kasi ang bagal-bagal ng limousine na 'to? Ang tagal ko pa tuloy makaka-punta sa school. Hindi kasi ako pinayagan ni Diane na gumamit ng big bike katulad ng last time. Last time kasi tumakas lang ako. Ano ba 'yan.
"Sasabihin ko na po ang schedule niyo for this day," pagsisimula ng Diane. Ganito naman palagi eh, maglelecture na siya about sa schedule ko. "After classes you have violin lessons, 4:00 PM to 5:30 PM, then German Lesson, 5:30 PM to 6:00 PM then—" hindi na ako nakinig sa sasabihin niya.
I rolled my eyes then secretly, plugged in my earphones. Nang sinilip ko siya tuloy-tuloy pa rin siya sa pagsasalita.
Nagulat ako ng biglang matanggal yung earphone ko. Paglingon ko si Diane nakasimangot sa'kin. I smiled at her, making her sigh. "After po nito may family meeting daw po kayo sabi ni Mrs. Kim." Tumango ako.
Mayamaya nakarating na kami sa school. Wala nang mga taong gumagala dahil syempre, 9:30 AM na. Eh 8:30 AM umpisa ng klase.
Sa wakas narating ko na rin yung room ko. Sumilip ako sa maliit na bintana ng pinto. Ayan na yung teacher namin sa second subject. I missed the first one which is Algebra. Yahoo!
Binuksan ko yung pinto nang hindi kumakatok. Nagtinginan sila sa'kin.
Yung teacher na nagtuturo sa harap tinaasan ako ng kilay.
"Miss Kim, why are you late?" Mataray nitong tanong.
"Wala kang pake!"
Is what I want to say but instead I smiled sweetly at her, "I'm very sorry ma'am, It will never happen again."
She nodded, "Dapat lang. Sit down."
Nilibot ko yung tingin ko at nakita ko si yung mga barkada ko. Si Jaz nakangiti sa'kin at tinuturo yung upuan na katabi niya. Nginitian ko naman siya at umupo na sa tabi niya.
Bumalik na sa pagtuturo si Ma'am pero ako patay malisya lang ako. I'm not interested in this subject.
"You may have your break."
BINABASA MO ANG
Heiresses to Gangsters
ActionMay apat na hinahangaan sa buong eskwelahan: sila Chris, Sohe, Bea at Jaz. Iniidolo sila ng kapwa estudyante dahil bukod sa may itsura sila, matalino sila, hindi makabasag-pinggan ang kanilang kilos at mayaman pa. Sila ang sole heir ng kayamanan ni...