BEA
"We need to make plans for the RSG." Biglang sabi ni Chris.
"RSG na naman?" Bored na sabi ni Jaz. "Lalabanan na natin sila next week kaya wala ng dapat pag-usapan pa."
Binatukan ko si Jaz, "Ano? Ikaw leader?" Pambabara ko.
Nag-pout lang siya at binulong na, "Just saying."
Inignore lang ni Chris ang ginawa namin. Si Sohe naman ang nagsalita.
"Ano gagawin natin?"
"Kailangan na natin sila mabuko," sabi ko, "Kasi wala naman silang makukuha sa'tin kung yung move lang naman ni Chris ang kailangan nila."
"I'll give them what they want on the next training," sabi ni Chris.
Nanlaki yung mata ko, "Nahihibang ka na ba?"
Tinignan niya ako na parang dinaouan ako ng ipis sa noo ko, "I'll show them a fake one."
Nakahinga naman ako ng maluwag, "Ahh, akala ko kung ano."
Mayamaya dumating na yung kambal kaya tinigil na namin ang usapan. Nag-usap nalang kami tungkol sa school life hanggang sa mag-ring na yung door bell at bumalik na kami sa classroom namin.
-
Nung uwian na, pumunta kami sa parking lot. Ginamit kasi ni Sohe yung bagong biling car niya at hindi siya nagpasundo sa service.
"What the fuck!" Biglang sigaw ni Sohe.
"Ay kalabaw!" Biglang sigaw naman ni Jaz.
Nakatingin siya kay Sohe na nanlalaking mata, "Grabe naman 'to maka 'What the pak', akala mo end of the world na." Komento nito tsaka hinawakan yung dibdib niya, "Ginulat mo ako."
Hindi siya pinansin ni Sohe instead, tinakpan ni Sohe yung mata niya at huminga ng malalim.
"What's wrong?" Tanong ko. Maging si Chris ay mukhang curious din. Hindi basta-bastang nagmumura si Sohe.
"My car is gone."
"Kawawang nilalang," iiling iling pa si Jaz.
Binatukan ko naman siya, "Aray! Sa laro yun! Hindi kay Sohe!" Sabi niya habang hawak yung place na binatukan ko.
"Who do you think did it?" Tanong ni Chris.
"I don't know. Pinag-ipunan ko 'yon!" Akalain mo yun? Pinagi-ipunan niya ang mga binibili niyang gamit.
"Hayaan mo, mahahanap natin 'yun," sabi ko at tinap-tap yung balikat niya.
"Tignan mo yung CCTV," simpleng sabi ni Jaz.
Umupo muna kami sa isa sa mga bench dun.
Nilabas ni Sohe yung laptop niya at nagsimulang magtype.
Ilang minuto ng nakakalipas hindi niya parin nahahack yung CCTV. Masyado kasing malakas ang security ng school namin kaya medyo natatagalan si Sohe. Siyempre, para saan ang pagiging elite nitong school kung hindi malakas ang security?
"Matagal pa ba yan?" Tanong ni Chris.
"Malapit na, mga ten minutes or so."
Tumayo si Chris muka sa pagkakaupo "Bili muna ako ng DQ." Cool na sabi nito at nagsimulang maglakad. Umiiral na naman yung Dairy Queen obsession ni Chris. Kahit kailan hindi talaga siya nagsasawa dun.
"Sama akooo!" Sabi ni Jaz at sinabayan siya sa paglalakad.
Binalik ko naman yung tingin ko sa cellphone.
BINABASA MO ANG
Heiresses to Gangsters
ActionMay apat na hinahangaan sa buong eskwelahan: sila Chris, Sohe, Bea at Jaz. Iniidolo sila ng kapwa estudyante dahil bukod sa may itsura sila, matalino sila, hindi makabasag-pinggan ang kanilang kilos at mayaman pa. Sila ang sole heir ng kayamanan ni...